Freya
Kasabay ng pagpatay ng ilaw sa buong ampunan ay biglang lumakas ang kabog ng dibdib ko.
Napatingin ako sa madilim at walang ka-ilaw ilaw kong kwarto. Kakalipat lang ni Vanessa sa isang okupadong kwarto kaya mag-isa akong matutulog ngayong gabi sa kwartong ito.
Dahan dahan nang namumuo ang mga pawis sa noo ko habang dinadama ko ang buong kwarto at baka......baka susulpot na naman siya. Baka.....hawakan niya na naman ako.
Isang oras na naman akong balisa at di ko alam kong makakatulog na naman ba ako sa gabing 'to hanggang sa....
"Hinihintay mo ba ako, mahal kong Freya?"
Biglang nagsitayuan ang mga balahibo ko sa batok at sinakluban agad ako ng matinding takot.
Nilibot ko pa rin ang buong tingin ko pero ni anino, wala akong makita pero nararamdaman ko ang haplos niya sa buhok ko.
"Ilang beses ko na ba sinabi sa'yo, mahal ko. Wag kang matakot sa mapapangasawa mo."
Pinipilit kong pakalmahin ang buong sistema kong nanginginig sa takot pero mas pinili ko ulit na lumuha na lang. Ilang gabi, ilang araw, ilang linggo, ilang taon, ilang dekada pa ba ako magiging ganito?
"Pwede ka bang makaniig ulit ngayong gabi?"
Mas lalo akong naiyak. Gagawin na naman niya sakin yun. Yung sakit na di ko alam saan galing kahit wala naman akong nakikita.
"Ang tahimik mong sagot ay nagsasabing gusto mo. Gusto na ulit kitang maramdaman."
Gusto kong magwala. Gusto kong umiyak. Gusto kong pumiglas, pero.....anong laban ko? Anong gagawin ko sa isang tao o kung ano man 'to na di ko man lang makita o mahawakan.
"Freya ko.....sinta, wag kang umiyak."
Di ko na alam ang mararamdaman ko. Gusto kong ipa-ilaw ang lampara ng buong ampunan. Gusto kong mawala na siya, kasi.....alam kong.....mawawala lang siya pag may ilaw na.
"A-Ayoko na! Sino ka ba? Umalis ka na! Ayoko nang hawakan mo pa ako! Ayoko nang galawin mo pa ako!" Sigaw ko at agad akong tumayo pero may malakas na pwersang humawak sakin at bigla akong pinabalik sa kama na ikinadaing ko.
Masakit ang likod ko dahil natamaan ako sa bakal naming tulugan na ginawa ng mga Español noong nakaraang buwan.
"Sinta.....alam kong masakit iyon, pero huminahon ka. Mahal, ako ang asawa mo."
"Wala akong asawa! Di kita kilala!" Sigaw ko at bigla akong naubo ng may sumuntok bigla sa tiyan ko.
"Sa akin ka lang, Freya! Sa akin ka lang! Walang makaagaw sa'yo! Sa akin ka lang! Akin!"
Galit na galit man ang boses niya pero mas pinili kong lumaban pero nakaramdam agad ako ng kakaibang kuryente sa buong katawan ko na nagpahina sa akin.
"P-Parang awa mo n-na. L-Lubayan mo na a-ako." Nagmamakaawa na ako sa taong di ko man lang makita.
"Hindi maaari. Mahal na kita. Hindi kita pwedeng lubayan pa."
Tahimik akong napaiyak at nararamdaman na naman yung kakaibang sakit sa sensitibong parte ko, parang may malaki, mahaba at matigas na bagay na pumasok dito at naglalabas-masok.
Masakit man pero alam kong......alam kong wala nang makakatulong sa akin sa demonyong ito na di ko man lang makita at mahawakan.
================================================================
Again, always remember, this story must not suitable for 18 years old below.
- syfl.
BINABASA MO ANG
The Silent Whisper
Short StoryFreya Madrigal was an orphan girl that longing for a new family who would adopt her, but summon to her longing is a fear of someone who can't she see and it makes her bodies weak when this unknown person says something that only she knows that she c...