TSW-03

5 2 0
                                    

Freya





"Di ko alam pero may lalaking kumakausap sayo, para siyang galing sa loob ng balon at halata sa mga boses mo ang takot." Dugtong niya.



Napalunok ako at napatingin ulit sa papalubog na araw.



"T-Totoo ang m-mga....s-sinasabi mo." Ani ko habang naluluha ang mga mata ko.




Sa wakas, may ebidensya na ako.




"Matutulungan kita..." Aniya na nakapagpatingin sakin sa kanya.



Nakatingin na rin siya sa akin. Hindi ko batid pero nararamdaman kong mabait siya at maproprotektahan niya ako.



Gabi na at patungo na kaming lahat sa mga kwarto namin. Naiisip ko pa rin ang plano ni Sergio ngayong gabi para lang maprotektahan niya ako.



Huminto ako sa harap ng pintuan ng kwarto ko at bumuntong-hininga.



Bagong gabi, bagong delubyo...




Pinihit ko ang pinto at pumasok na. Naramdaman ko ang kakaibang awra sa buong kwarto.



"Nandito ako. Tinakasan ko na ang mga Nanay at pumasok na sa kwarto mo. Wag kang mag-aalala, nandito lang ako." Ani Sergio pero nakita ko ang bulto niya sa may kama ko at tumayo na siya upang pumunta sa sahig.



"Matulog ka na. Babantayan kita hanggang umaga." Aniya.



"S-Sige." Ani ko at pumunta na sa kama ko at umupo.



Nagdasal muna ako bago ako humiga at hinintay na patayin nila ang lamparang nagsisilbing ilaw sa buong ampunan.



Ilang minuto bago ito pinatay at umihip agad ang kakaibang hangin sa buong kwarto ko.



Ilang oras na lang at dadating na naman siya.


"Matulog ka na, ako ang bahala sa'yo." Ani Sergio sa gilid ko na nakapagpaautomatikong napapikit ako.




Umaga na nang maidilat ko ang mga mata ko. Sikat na ang araw pero napangiti agad ako nang wala akong maramdamang gumalaw sa akin kagabi.


Tumingin ako sa gilid ko upang magpasalamat sa pagbabantay niya kaso wala na siya doon pero may sulat na nakalagay sa kinaupuan niya kagabi.


Tumayo ako at pinulot ito.



Hindi ka niya gagalawin kong may kasama ka. Mas mabuting maghanap ka ng kasama sa gabi at tumabi siya sayo.

- Sergio



Napangiti ako at bumangon para kumain pero napahinto ako nang makita ko ang nagkukumpulang bata sa isang kwarto.



Pumunta ako sa nagkukumpulan at nakitang pinapagalitan si Sergio nang mga Nanay.



"Alam mo namang bawal ang lalaki sa kwarto ng mga babae? Bat ka pumunta sa kwarto ni Freya?"




Nakayuko lang siya habang pinapagalitan ng mga Nanay pero pumasok na ako.




"Mga N-Nanay, t-tinulungan niya lang po ako." Ani ko.



"Anong tinulong? Anong ginagawa ni Sergio sa kwarto mo?" Doon na napatanong sa akin ang mataas na Nanay sakin.



Tumingin muna ako kay Sergio na tumango na lang rin.


"Nanay, pwede bang wag nating paalamin ang mga bata? A-At saka, tayo tayo lang po." Ani ko.



Nagkatinginan ang mga Nanay pero tumango naman ang mataas na Nanay at sinabihan na paalisin sa kwarto ang mga bata.



Umupo ako sa kama at umupo naman ang mataas na Nanay sa gilid ko.



Biglang tumulo ang luha ko at sunod-sunod na yun na sinabayan ng hikbi ko.



"Iiyak mo lang, hija." Ani nang mataas na Nanay sabay hagod ng likod ko.



Iyak ako ng iyak at nakatingin lang sa akin sina Sergio, ang mga natirang Nanay at ang mataas na Nanay.



"M-May g-gumagalaw p-po sa akin g-gabi-gabi." Pag-amin ko bigla.



Napahinto sa pagtapik sa akin ang mataas na Nanay.



"H-Hindi ko siya makita, o-o mahawakan m-man lang, i-isang b-buwan na n-niya akong m-minamaltrato at g-ginagalaw. N-Nahahawakan n-niya ako p-pero hi-hindi......hindi ko s-siya makita..." Ani ko habang umiiyak.


"Kaya ako natulog kagabi sa kwarto niya. Kitang kita ko kung gaano kapagod siya at walang tulog, at habang naririnig ko yung sigaw niya at ang boses nung lalaking gumagalaw sa kanya.... napagtanto kong....demonyo yun. O baka mambabarang." Ani Sergio na nakapagpatingin ng mga Nanay sa akin ng pag-aalala.


"Isa lang ang kilala kong mambabarang..." Biglang sabi ng isang Nanay.



"Si Ka Eduardo.." Dugtong ni mataas ni Nanay.



"Ipagdarasal ka namin, Freya..." Ani nang mga Nanay habang niyakap ako.


Napatingin ako kay Sergio na tumango lang habang nakasandal sa pader.



Salamat, Sergio......sana.....sana ito na ang huli....






----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Do Vote. Comment. I would appreciate to read your hate speech.

                                        - syfl.

The Silent WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon