TSW-02

5 2 0
                                        

Freya




Namumugto ang mata ko habang nakikita ang kakasikat lang na araw. Nilubayan niya na ako nang mag-alas 4 na nang umaga.



Di ko alam pero habang patagal ng patagal, para akong pinapatay. Di ko alam sa dinami-daming tao sa buong mundo, bat ako lang ang nagkakaganito? Bat ako lang ang nimamaltrato ng kakaibang nilalang na yun.




Di lang ito nagsimula nung dumating ang mga Espanyol noong nakaraang buwan.




"Ito si Ka Eduardo, siya ang nagbibigay ng mga gamot herbal sa atin, lalo na sa mga bugbog." Pagpapakilala ng Madre sa lalaking hindi namin mawari kong mabait ba o hindi.



"Nandito na rin ang mga Guardia España, dala na nila ang mga kamang ipinabibigay ng Padre." Ani ng isang Madre na nag-aasikaso sa mga bisita.



Nakatingin lang kaming lahat sa isang estrangherong ipinakilala lang sa amin ng isang Madre namin.



Nakatingin na ito sa akin habang nakangiti.


Di ko alam kong ngingiti rin ba ako pabalik o hindi.




Baka siya? Baka yung estrangherong yun ang nagpapademonyo ng buong buhay ko.



Bumangon ako upang lumabas para tumulong sa mga Nanay namin.


Nasa kusina na si Nanay Madre Vangie. Nagsasaing pa lang siya at nakatayo sa lutuan, pero napahinto siya at napatingin sa akin.




"Ang aga mong nagising, Freya?" Nakangiting tanong niya.



"Ewan, pero mas naaga pa po ako nagising sa taga-pa-gising sa amin." Ani ko sabay punta sa gawi niya at tinignan kong may huhugasan ba.



"Namumugto ang mga mata mo. Umiiyak ka ba?" Tanong nito sa akin.




Ngumiti ako at tumango, "Okay lang ako, Nanay Vangie. Gusto ko lang magka-pamilya ulit." Ani ko.



Hinawakan ni Nanay Vangie ang balikat ko at hinaplos ito.



"Maghintay ka lang, hija. Dadating din ang pamilyang tatanggapin ka nang buong puso, gaya ng pagtanggap namin sa iyo." Ani Nanay Vangie.



Tumango ako, "Opo, di ko rin naman kayo kakalimutan. Kayo ang nagpalaki sakin nung nagkulang ang pamilyang umabandona sa akin. Mahal ko rin kayo." Ani ko.



"Mahal ka rin ng mga Nanay mo. Mag-iingat ka, anak ko." Aniya sa akin.






Pagkatapos naming mag-usap ay nagising rin ang ibang Nanay at paunti-unti na ring gumising ang mga kapwa kong bata na inabandona ng kanilang pamilya.



Nawala na naman ang isipin ko tungkol sa demonyong gumagalaw sa akin gabi-gabi, alalahanin ko na naman ba siya sa darating na gabi?




Nasa labas ako habang nakatingin sa papalubog na araw. Nasa loob na rin ang mga bata at ako na lang siguro ang nakaupo sa paanan ng pintuan papasok sa ampunan.


"Bat ka pa nasa labas?"



Napatingin ako sa boses na nanggagaling sa likod ko. Nakita ko si Sergio na kakarating lang ng ampunan na ito noong nakaraang araw. Ka-edad ko ito at medyo mailap sa mga tao, gaya ko.




"Nagpapahangin at nagpapalamig." Maikli kong turan sa kanya.




Umupo siya sa gilid ko at nakatingin sa papalubog ring araw. May distansya siya sa akin dahil nasa hustong edad na kami upang hindi maghawakan ng mga kamay o madaplisan man lang ang aming mga balat.



"Narinig ko ang mga sigaw mo kagabi..." Sabi niya na nakapagpangilabot sa akin.




Paano niya ako narinig?





----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Again, you can dm me at my only one socmed account named "Dustin Takegawa", for any recommendations and hate speech.
                                     - syfl.

The Silent WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon