TSW-04

6 2 0
                                    

Sergio



Nakatingin pa rin ako sa mahimbing na natutulog nang kakakilala kong si Freya. Alam kong isa siya sa biktima ng ama ko at kailangan ko nang pigilan iyon.


Naghihintay ako sa pagpunta niya dito at hindi nga ako nagkamali dumating siya.


Kung si Freya, hindi siya nakikita dahil sa pinakain niya kay Freya na alam kong bugna ay ako, sarili niyang anak, nakikita ko siya.



"Ano na namang gagawin mo sa kawawang babaeng 'to, Ama?" Pambugad ko sa kanya.



Napatingin agad siya sa gawi ko at bigla siyang nangalaiti sa galit.


"Bat ka nandito, Sergio! Diba sinabi ko sa'yong wag mong papakialaman ang mga babae ko!"



Napailing ako sabay tayo.



"Babae MO? Seryoso? Isa kang hangal at sakim, di ka nakokontento sa isa." Ani ko sa kanya sabay sandal sa gilid na pader at nakaharap sa kanya.


Ngumisi siya at napailing.




"Gusto mo na rin siya? Nung makita mo ang mukha niya napatakbo ka kaagad at mas piniling ibanandona kita? Ano? Gusto mo rin siyang hawakan? Galawin?"



"Hindi ako gaya mo at hinding-hindi ako magiging kagaya mo.." Ani ko.



"Pero lalaki ka...lalaki..."



"Lalaking rumerespeto at hindi nangagalaw ng mga babaeng ayaw naman talaga sayo." Sabi ko.


"Gusto nila, di mo alam..."


"Gugustohin man nila dahil wala na silang magawa, dahil winasak mo na ang buong pagkatao nila.." Ani ko.


Nagtitigan kami at nagsusukatan ng tingin.


"Mahiya ka sa mga ginagawa mo sa mga babae, itay. Dahil kung di ka nila nakikita, ako naman...kitang-kita lahat ng kahayupan mo.." Ani ko.



Ngumisi siya, "Saka ko lang titigilan ang babaeng 'to, kapag......may lalaking hahawak sa kamay niya at sasabihin saking mahal niya siya.." Ani nang Ama ko bago siya maglaho.


Nakatingin ako kay Freya na pinapalibutan ng mga Madre at niyakap siya.


Nalulungkot rin ako sa kanya, kasi kung sa normal, kapag ginagalaw ka nang kaniig mo ay mabubuntis ka, pero......kay itay, mamamatay ang babae pero maisisilang niya ang bata.


At.....isa na ako doon.


Di ko na nakayanan na tignan sila, ay walang pasintabi na umalis sa kanilang harapan.



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Freya




Napatingin ako sa kakalabas lang na si Sergio at napaisip sa ginawad niyang tingin kanina.


Malungkot siya at naaawa ang mga ginawad niyang tingin sakin bago siya umalis. Di niya ata alintana na nakatingin na ako sa kanya.


Gusto ko sanang magpasalamat sa kanya kaso di ko siya makita habang nagdilim na.


Nawala siya sa buong ampunan at kung saan man siya ay sana'y okay lang siya.


Sana maging okay na ang lahat sa mga dasal na ginawa namin, at sinunod naman ng mga Nanay ang sinabi ni Sergio na kailangang may kasama ako sa kwarto.


Kasama ko si Vanessa sa kwarto at nagdasal na ulit kami bago patayin lahat ng ilaw sa ampunan.


Nakahiga na kami ni Vanessa at nakapikit siya.


Napabuntong-hininga ako at napagpasayahang pumunta sa kwarto ni Sergio dahil nag-aalala na ako.


Sinuot ko ang sapin at tinignan ang nakatulog nang si Vanessa bago ipinihit ang pinto para pumunta kay Sergio.


Ilang kwarto lang bago ko narating ang pintuang kinatutulugan ni Sergio.


Kakatakot na sana ako nang marinig ko ang nagsasalita sa likod ko.


"Anong kailangan mo?"



Napatingin agad ako kay Sergio kahit na bulto niya lang ang nakikita ko. Gusto ko siyang yakapin pero bawal yun sa amin.


"N-Nag-aalala ako sa'yo.." Bulong kong sabi sa kanya.


Tumahimik ng ilang segundo bago siya magsasalita.


"Ba—" Naputol ang sasabihin niya nang marinig ko ang tawa ng isang lalaking pamilyar sakin ang boses, ang lalaking bumubulong sakin! Ang lalaking gumagalaw sakin!


Nakikita ko siya.... Nasa likod siya ni Sergio.


"Desidido ka na talaga.."


Napahigpit ang kuyom ko sa kamao ko at gusto ko siyang saktan gaya ng pagpasakit niya sa akin.


"Hayop ka! Wag na wag mong idadamay si Sergio dito!" Sigaw ko sa kanya.

Tumawa ulit siya nang nakakatindig balahibo.



"Di ko gagalawin ang anak ko, mahal ko. Ikaw naman ang pinunta ko dito pero nakita kitang papunta dito sa kwarto ng irresponsable kong anak.."


Napatingin ako kay Sergio pero nalinaw ko ang expresiyon niya dahil sa sinag ng buwan.


"Itay, tumigil ka na!" Aniya.


Tumawa ang ama niya at napailing pa, base sa bulto niyang umiiling.


"Sinabi ko naman, diba? Na saka lang ako titig—"


Naputol ang sinabi ng Ama niya at tumigil rin ang buong mundo ko nang may humawak sa kamay ko at bigla akong hinila upang halikan...


Hinalikan ako ni Sergio sa harapan ng nangangailiting Ama niya at kasabay noon rin ang pag-ilaw ng buong ampunan.


Nakita ko ng malinawan ang nakapikit na si Sergio habang nakadikit pa rin ang labi namin sa isa't isa.




----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Again, do Vote. Comment for your hate speech and still plugging my only one account that you may access for me named "Dustin Takegawa". I will post my upcoming stories and trilogies. Do hope to support.
                                       - syfl.

The Silent WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon