TSW-05

5 2 0
                                    

Freya



Iniisip ko pa rin ang halik ni Sergio sa akin sa gabing yun. Di nakita ng mga Nanay yun pero pag nalaman nila yun, alam kong.....lagot na naman siya.


Nasa hapag kaming lahat at kumakain na nang tanghalian kasama ang ibang Nanay.



"Ate Freya! Kailan ka po kakanta ulit?" Tanong ng bata sa akin.



Ngumiti ako, "Parang......ayaw ko nang kumanta." Ani ko.


Napatingin ako sa gawi ni Sergio at nakita ko pa siyang nakatitig sa akin. Napaiwas siya nang makitang nakatingin na rin ako sa kanya.



"Sige na po! Malapit nang dumalo ulit ang padre." Pagpilit ng bata.



Ngumiti na lang ako at tumango.



"Sige, para sa inyo....kakanta ako." Ani ko sabay tingin kay Sergio na natigil sa pagsubo.




Ilang buwan na ang lumipas at dumating na ang araw na kakanta na ako. Nagkakailangan pa rin kami ni Sergio dahil sa halikang pinagsalohan namin para lang mapatigil ang ama niya.


Nakaayos ang buong ampunan para sa pagdating ng Padre.



Masaya ang buong bata at naghanda na sa unang araw na gagawin sa buong linggong pag-bisita ng padre na minsan lang gaganapin sa isang taon.



Naghahanda ako at sinuot ko ang damit ko para sa pagkanta maya-maya.


Nasa labas na ang mga Nanay at ang Padre kasama ang mga bata.



Alay ko ang kantang 'to sa lahat pero mas alay ko 'to kay............Sergio.




Lumabas na ako at nakangiti naman silang nakatingin sa akin.


Nilibot ko ang tingin ko at napatingin agad ako sa lalaking nakatingin rin sa akin pero nakasandal siya sa pader.



Ito'y awit ng pag-asa.....
Nararamdaman mo ba ang pag-asa....
Na niyayakap ka ng pangarap....
Upang makamit ang pangarap.....




Buong atensyon ko ay nakatitig lang sa lalaking alam kong......nakuha na ang puso ko....nakuha na ang buong pagkatao ko...



Mahal ka nila....
Mahal naman kita....



Mas gusto kong malaman niya ang mensaheng gusto kong ipaalam sa kanya.



Mahal......kita.....



Tinapos ko ang kanta na nakatingin pa rin sa kanya. Nakatingin pa rin sa tinitibok ng puso ko pero.....nadurog ito nang lumapit sa kanya ang babaeng kakadating lang rin sa ampunan namin at naglakad sila paalis.



----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

I'm so exhausted of writing the whole chapters of this one shot story, and I'm proud to say that I will finished this in one day (4 hours, i guess so). Do Vote. Comment. Add me on my facebook account named "Dustin Takegawa".
                                          - syfl.

The Silent WhisperTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon