Freya
Palagi akong nakatitig sa tumatawang babae at lalaki sa paborito kong lugar sa oaglubog ng araw. Nandito ako sa teresa at nakatingin kina Sergio at Marites na magiliw na nag-uusap.
Mas mabuti pa si Marites, napatawa niya si Sergio, habang ako......di ko man lang magawa yun sa kanya. Mas pinili kong maging mailap sa kanya kesa makipag-usap sa kanya.
Napakalungkot ng buong araw ko sa isang araw na pagbisita ng padre, bukas ay maghahardin daw kami, at may mga nakalaan ng mga gawain sa mga araw na lilipas, pero bago umalis ang padre, naisip niyang mag-ganap ng sayawan sa buong ampunan at may inimbinta siyang iba pero mas mangingibabaw ang buong tao sa ampunang ito sa gabing yun bago umuwi ang padre sa simbahan niya.
Nangyari ang mga araw at pinagtuonan ko ng pansin ang mga gawain sa mga araw, at dumating na nga......dumating na ang gabing hinihintay ng lahat.
Nag-imbita ng mga Espanyol ang Padre at mga kawaning opisyal ng lungsod namin.
Nakilala ko si Montecillo, ang anak ng Alkalde ng aming lungsod.
Naging matalik kami dahil ako ang nautosang maglibot sa kanya sa ampunan at masaya naman siyang kausap at nakakatawa ang kanyang mga dalang biro.
"May tinitibok na ba ng iyong puso, Freya?" Tanong nito nang biglaan.
Nabigla ako sa tanong at di ko alam kong may sagot ba o sasagotin ko ba?
Nakatitig lang siya sa akin habang ako ay napalunok.
Ngumisi siya, "Yung lalaki bang kausap ng babae kanina? Nakita ko siyang nakatitig sa akin ng masama.." Ani Montecillo habang natatawa.
Napatingin ako sa kanya, "T-Tinignan ka niya ng masama?" Tanong ko na ikinatawa ni Montecillo at tumango.
"At kahit di mo sabihin, gusto mo rin siya. Freya, kapag gusto mo ang isang tao, ipaglaban mo. Ngayong gabi, sana gawin mo bago mahuli ang lahat.." Ani Montecillo sakin bago ako iniwan para maghanda na rin siya sa mangyayari ngayong gabi.
Napaisip pa rin ako habang naiisip ang sinasabi ni Montecillo sa akin habang sinusuklayan ni Nanay Vangie ang buhok ko.
"Tila malalim ang iniisip mo, hija?" Tanong nito sa akin.
"May iniisip lang po para hindi ako maging okupado, at, kinakabahan ako.." Ani ko.
"Ang anak ba yan ng Alkalde? Sigurado ka na bang siya na?" Tanong ni Nanay Vangie.
Umiling ako, at mas napangiti si Tita Vangie sa akin.
"Si Sergio..." Mas pinakompirma ko ang iniisip niya.
"Alam mo, hija. Pag gusto mo, ipaglaban mo. Wag mong hayaang agawin ng iba.." Ani Nanay Vangie, gaya ng sinabi rin sa akin ni Montecillo.
Tumango na lang ako.
Bumaba na kami ni Nanay Vangie at napahanga ako sa ganda ng buong ampunan para sa sayawang ito. Nakikita ko ang mga magagandang bata at ang mga bisita sa gilid ng sayawan. May sumasayaw na rin, ang mga bisitang may mga kapareha lamang ang sumasayaw sa harapan.
Pumunta si Nanay Vangie sa mga kapwa niyang madre habang ako ay naiwang nakatayo at pinanood ang mga nagsasayawang pares.
"Ang ganda mo, Freya.." Bati sa akin ni Montecillo.
"Bat ka pa umalis sa upuan niyo? Baka pagalitan ka ng iyong itay.." Ani ko sa kanya.
Umiling siya, "Mas mabuting kausapin ko muna ang magiging kapatid ko bago ka makuha nang torong nakatingin sa atin ngayon..." Ani Montecillo sabay tawa.
Tinapik niya ako at bumulong, "Paseselosin ko para lumapit at magkausap na talaga kayo..." Aniya.
Pero di ko maproseso ang lahat.
'Mas mabuting kausapin ko muna ang magiging kapatid ko bago ka makuha nang torong nakatingin sa atin ngayon...'
'Mas mabuting kausapin ko muna ang magiging kapatid ko bago ka makuha nang torong nakatingin sa atin ngayon...'
'Mas mabuting kausapin ko muna ang magiging kapatid ko bago ka makuha nang torong nakatingin sa atin ngayon...'
'Mas mabuting kausapin ko muna ang magiging kapatid ko bago ka makuha nang torong nakatingin sa atin ngayon...'
Mas mabuting kausapin ko muna ang magiging kapatid ko?....
Napatingin ulit ako sa kanya at nanghihingi ng permiso niya.
"Magiging adopted sister kita dahil aamponin ka ng Ina at Ama ko.." Ani Montecillo na nakapagpaluha sa akin.
Niyakap ko agad siya at sinubsob sa balikat niya ang mukha ko.
"Masaya akong maging kapatid ka.." Bulong niya sakin at humiwalay na ako sa magiging kapatid ko pero bago ako tumingin sa likod ko dahil nakangisi na si Montecillo ay naramdaman ko ang kakaibang hawak na ilang buwan ko nang naramdaman.
Hinila niya ako paalis ng sayawan at hinayaan ko lang siyang hilahin ako.
Huminto kami sa paanan ng pintuan, ang lugar kong saan kami nagkakilala...
"Mahal mo ba ang Montecillo na yun?" Bugad na tanong niya.
Napakurap ako sa magkahawak pa rin naming kamay.
Umiling ako kasabay ng pagtanggal niya ng kamay namin.
"H-Hawakan mo ulit ang kamay ko..." Ani ko.
Kumunot ang kanyang noo.
"Ikaw ang gusto ko, Sergio....k-kaya parang aw—" Magsasalita pa sana ako pero naramdaman ko agad ang pagdampi ng labi niya sa labi ko.
Ang kakaibang sensasyong naramdaman ko nang isang gabing nakita namin ang lalaking nanggagalaw sa akin, ang sensasyong protektado ka talaga sa mga bisig niya. Na mararamdaman mong mahalaga ka sa kanya.
"Mahal kita, Freya... Papakasalan na kita kahit bata ka pa..." Aniya at dinampi ulit ang matatamis niyang labi na nakapagpangiti sakin sa gitna ng halikan namin.
Mahal rin kita, Sergio.....
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Wakas!
So again, please vote. Comment. Do add my facebook account named "Dustin Takegawa". I will wait for your dm. Thank you for reading this short story. I hope you read and remember the lessons that you can learn about this story. I hope you're still supporting me to my next story.
Date I write: 08-10-21
Date I published: 08-11-21- syfl is signing off.........
BINABASA MO ANG
The Silent Whisper
Cerita PendekFreya Madrigal was an orphan girl that longing for a new family who would adopt her, but summon to her longing is a fear of someone who can't she see and it makes her bodies weak when this unknown person says something that only she knows that she c...