Balikbayan Box

466 24 6
                                    

Lumaki akong puno ng tampo at sama ng loob sa aking ina.

Lumaki akong malayo ang loob sa kanya.

Paano ba naman, limang taon pa lang lang ako noong iwan niya ako para magtrabaho sa ibang bansa. Hindi ko rin kilala ang aking ama dahil sanggol pa lang ako noong maghiwalay sila.

Hindi ko maintindihan pero parang pakiramdam ko ay hindi niya ako mahal.

Mas mahal niya ang pera dahil mas gugustuhin niyang kumita nang malaki kahit na ang kapalit nito ay ang matagal na panahong pagkakawalay sa kaisa-isa niyang anak.

Ganun ba ako kadaling iwan? Bakit madali lang para sa kanya na hindi ako kasama?

Habang tumatagal ay mas lalong lumalayo ang loob ko sa kanya dahil kahit kailan ay hindi ko naranasan ang pagmamahal ng isang ina.

Oo, binibigay niya lahat ng pangangailan ko pero hindi naman sapat iyon e.

Hindi ko kailangan ang mga balikbayan box na ipinapadala niya.

Hindi ko kailangan ng mga laruan at magagarang damit.

Ang kailangan ko ay isang ina.

Naisip ko noon na sana ibinigay na lang niya ako sa aking ama noong sanggol pa lamang ako. Para hindi ko nararamdaman ang lungkot at sama ng loob.

Ang tagal na panahon kong hiniling na maranasan ang pakiramdam na mayroong nanay.

Nanay na iipitan ka sa tuwing magulo ang iyong buhok.

Yung nanay na magpapasyal sa iyo sa parke at bibilihan ka ng manyika.

Yung nanay na araw-araw kang sasabihan ng "Ang ganda-ganda ng anak ko".

Yung nanay na papatahanin ka sa tuwing may magpapaiyak sa iyong mga kalaro mo.

Yung nanay na papagalitan ka sa tuwing makakagawa ka ng kasalanan.

Yung nanay na pagsasabihan mo ng mga sikreto mo.

Yung nanay na una mong pagsasabihan na may dugo ka sa palda noong unang beses kang datnan.

Yung nanay na paiinumin ka ng gamot kapag may sakit ka.

Pero bakit hindi niya naibigay sa akin iyon?

Bakit pakiramdam ko buong buhay ko ay mag-isa lang ako?

Walang kakampi.

Walang karamay.

Walang nagmamahal.

Bakit?

Ilang pasko ko siyang hindi kasama.

Ilang birthday ko ang wala siya.

Ang sakit-sakit.

Naalala ko noong kaaalis pa lang niya, gabi-gabi akong gumigising na umiiyak dahil naaalala ko siya.

Hinahanap siya.

Yayakapin na lang ako ni lola para makatulog at hindi na umiyak pa.

Bakit niya natiis at hinayaan na mangyari ang lahat ng iyon?

Kung puwede namang magkasama kami rito kahit na naghihirap.

Mas gugustuhin ko pa na maghirap kami basta't nasa tabi ko siya. Mas tanggap ko iyon.

Hindi yung araw-araw kang gigising na naghahanap ng pagmamahal at kalinga ng isang ina.

Noong tumuntong ako ng highschool, hindi na siya umuwi.

Sabi niya kailangan daw niyang mag-ipon para sa pag-aaral ko sa kolehiyo.

Hindi ko maintindihan. Pera na naman ba ang dahilan?

SinoSiKAT?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon