Poem: ABaKaDa

4 0 0
                                    

A Ba Ka Da E Ga Ha

Ilan sa mga letrang ginagamit sa ating wika

I La Ma Na Nga O Pa

Tunay nga bang nauunawaan na?

Ra Sa Ta U Wa Ya

Ngayon ay Buwan ng Wika sa gitna ng pandemya,

Kaya ating kilalanin ang ating ABaKaDa


A, Ang wikang nasira, at patuloy na nasisira

Ba, Babalik pa nga ba ang dating halaga?

Ka, Kasalanan nga bang hindi natin labis na maunawaan,

Da, Dahil sa panahon na nagdaan?


E, Edukado sa iba, pero halos estranghero sa sariling wika

Ga, Ganoon ba ang dulot ng pagdating ng iba't ibang salita?

Ha, Habang tumatagal, lalong nawawala, 

I, Ilan sa mga salitang mahiwaga.


La, Layunin natin na itaguyod, ating sariling wika.

Ma, Mayroon mang pandemya o wala.

Na, Nararapat lamang na ito'y makilalang lubusan.

Nga, Ngayong panahong nararapat na tayo'y lubos na magkaintindihan.


O, Oras na upang tayo'y muling mabuklod bilang isang Pilipinong pamilya,

Pa, Pamilyang magdadala sa atin sa kinabukasang mas maganda.

Ra, Ranas na natin ang hagupit nitong pandemya,

Sa, Sa maliit o malaki mang parte ng bansa.


Ta, Tama na ang kalokohang ito, at magising na dapat tayo.

U, Upang bayan nati'y muling umunlad at lumago.

Wa, Wakasan na ang dinaranas natin sa pandemyang ito.

Ya,'Yan ang dapat nating gawin, upang pag-unlad ay makamtan agad natin.


Ating muling naaral ang ABaKaDa,

Kahit nasa gitna tayo ng pandemya.

Ngayon, nararapat na ito'y huwag nang kalimutan,

Upang kahit na anong pagsubok ay ating malalampasan.


Written in 2020.

Bucket Of FeelingsWhere stories live. Discover now