Best advice while reading? Huwag mong iisiping mga hayop ang gumanap sa kuwentong ito.
TORO GRANDE: Ang pagmamahal ng Isang Ama
Minamahal kong Ama,
Naaalala ko pa, nang ako'y isang munting bata pa lamang, na wala pang masyadong alam sa mundong ginagalawan, isang batang wala pang prinoproblema at iniisip. Naaalala kita, ikaw ang nagturo sa akin ng lahat ng nalalaman ko ngayon, maliban sa isang bagay.
Sa kamalig na ating tinitirhan, kasama ang iba pang mga hayop, ikaw ang palagi kong kasama. At dahil wala na si Inay sa mundong ibabaw, tayo na lamang ang natitirang nabubuhay na toro sa probinsyang ito. Kaya naman, alagang-alaga sa atin ang ating amo.
Tay, lumaki akong ikaw ang kasama ko. Hindi tayo mapaghiwalay. Makikita nga ang pagmamahal sa ating mga mata.
Kinatatakutan ka ng iba pang hayop. Iniidolo nga kita eh. Naaalala mo pa ba noon? Madalas kong sabihin sa iyo na,
''Pa, ang galing mo po talaga. Ang ganda ng pangangatawan niyo. Paglaki ko, gagawin ko ang lahat para maging tulad niyo.''
Lalong-lalo na kapag napapanood ko pa kayong mag-ensayo para sa laban niyo sa paparating na panahon. At lagi naman kayong sasagot ng,
''Anak, darating ang panahon na magiging tulad mo rin ako, panigurado.''
'Tay, naaalala ko na ang pangarap niyong makatapak sa lupain ng bayan. Sa bayan kung saan laganap ang bull fighting. Alam kong pangarap niyong makatapak at manalo sa isang laban kaya nga nag-sanay ka ng nag-sanay upang dalhin ka sa sentro para dito.
Medyo bata pa ako nang biglang pasukin ng amo natin ang ating kamalig. Narinig ko pang sabi niya na
''Heto na ang araw. Mamaya, dadalhin na kita sa sentro para sa pinakaunang laban mo. Papalakihin ko naman ang anak mo dito.''
Pagkaalis niya, hinarap niyo ako.
''Anak, mukhang makakamit ko na ang pangarap ko. Heto na ang pinakahihintay kong pagkakataon. Heto na ang bunga ng aking mga page-ensayo. Aalis na ako. Magpakabait ka anak. Huwag kang magapabaya. Mahal na mahal kita.'' naaalala kong bilin mo sa akin.
''Opo Pa. Pangako, susunod ako sa yapak niyo. Mahal na mahal ko din po kayo. Balik po kayo ha?'' Niyakap mo pa ako bago kayo isakay sa sasakyan.
Hindi ko naman alam na iyon na pala ang huling yakap mo sa akin. Edi sana, hinigpitan ko pa. Ngiting-ngiti pa ako nang umalis ka dahil buong akala ko, babalik ka pa. Kaya nga lubos akong nagtataka kung bakit pagka-alis ng sasakyan mo, nakita kong may mga tumulong luha sa inyong mga mata.
Ilang taon din ang lumipas. Hinintay kitang bumalik, ngunit, wala. Hindi ka na nakabalik pa.
Tulad ng bilin niyo, nag-ensayo ako nang mabuti. Ngayon, nandito na ako. Tutuparin ko ang pangako ko. Pangakong lalaban din ako, na magiging tulad niyo. Aalamin ko ang dahilan kung bakit hindi na kayo bumalik.
Nang mga oras ng biyahe, nakita ko ang mga karatula ng mukha niyo. Nakamit niyo pala ang pangarap niyo, pa. Ang nakalagay kasi sa karatula:
Toro Grande, a Legendary Bull. Won about more than a hundred fights, defeated by one. You will never be forgotten.
Toro Grande. Ang pangalang sobrang ipinagmamayabang ko, ngayo'y mukhang mamamatay na. Sa linyang ''You will never be forgotten,'' tumulo ang mga luhang hindi ko naman inaasahang tutulo.
Sa wakas, nalaman ko rin. Nalaman ko rin ang masaklap na dahilan ng hindi niyo pagbalik sa atin.
Nanonood ako ng laban sa kasalukuyan. Ng tao, laban sa toro. Kailangang manalo ng tao. Alam ko iyon. Upang manalo, papatayin niya ang kauri ko, ng kauri natin.
Nalaman ko na rin ang dahilan kung bakit hindi niyo sinabi sa akin. Ama, pasensya kung masyado pa akong bata nang umalis kayo. Pasensya kung hindi pa ako mulat sa katotohanan ng panahong iyon.
Andito na ako. Hindi na mababago ang katotohanang lalaban din ako. Heto na ang pangako ko. Pero sa wakas, alam ko na ang dahilan ng pag-iyak niyo. Ang dahilan kung bakit hanggang ngayon, wala parin kayo. Pero Ama, nais kong malaman niyo, na mahal na mahal ko kayo.
Nagsusulat ako, dahil hindi sigurado kung anong mangyayari sa laban ko.
Pero heto na ang totoo. Ama, mahal na mahal ko kayo. Salamat sa hindi pagiging makasarili, at sa pagmamahal niyo. Napatunayan niyo na kahit anong mangyari, mangingibabaw parin ang pagmamahal ng isang magulang, ng isang tatay. Patawad dahil masyado pa aong inosente nang kayo'y nawala.
Pero muli, mahal na mahal ko kayo aking ama. Ngayon, bago pa mamatay ang pangalan niyo, sisimulan ko nang buhayin ito.
Nagmamahal,
Ang inyong anak.''Heto na talaga. Ang tutupad sa huling pangako ko kay papa. Sana matuwa siya'' sabi ko sa sarili bago sinunog ang liham.
Umaasa ako na makakarating iyon kay ama. Sana, gabayan niya ako, at maparating ko sa kanya na:
''Pa, heto na ako. Lalaban para sa ating mga toro, at para sa'yo.''
Sambit kong muli bago lumabas nang tawagin na nila ang minsa'y naging pangalan ng pinakasikat na toro sa mundo ng bullfighting.
TORO GRANDE.

YOU ARE READING
Bucket Of Feelings
RandomThis is only for me to write down all my feelings. I don't write to impres. I write to express my feelings na hindi ko masabi kung kanino. Fables, Short Stories, Letters, Spoken Word Poetry, name it! Depende sa mood ko kung anong gagawin ko. This, t...