Isang makulimlim na hapon ang sumalubong sa amin paglabas ng silid-aralan. Mapapansin nga ang madilim na kalangitan kahit alas-singko pa lamang ng hapon.
"Halikayo. Magkwuentuhan na muna tayo." Pumayag nalang ako dahil hindi pa naman dumarating si papa na susundo sa akin.
"Alam niyo ba, mayroon akong naramdamang kakaiba doon sa lumang gusali sa likod. Napadaan ako doon minsan nang biglang may naramdaman akong sobrang lamig na hangin. Kahit na sobra pa sa sobra ang init ng araw."
Magsasalita pa lang sana ako nang may marinig akong busina mula sa likod. Napalingon ako sa likod at nakita ko ang sasakyan ni papa. Nagpaalam na ako sa mga kaibigan ko at tumakbo kay papa.
Pagkarating namin sa bahay, napalingon ako sa paligid, napayakap sa sarili ko. May naramdaman din akong kakaiba sa bahay na ito. Ngayon lang ako nakapunta dito eh. Parang yung sinabi nga nung kaibigan ko kanina, may malamig na hangin. Mas malamig pa kaysa sa klima sa labas.
Hinayaan ko na muna ang naramdaman ko kahit na may namumuong takot sa kalooban ko. Pagkatapos naming kumain ng hapunan, dumiretso na kaming natulog ni papa.
"A-ate tulungan mo po ako." Napalingon ako sa likuran at nagulat. Napatalon ako papalikod dahil nakakita ako ng isang duguang babae. Palapit siya nang papalapit sa akin, at patuloy naman akong lumalayo.
"H-Huwag kang lalapit sa akin. Di-Diyaan ka lang" Nangangatog na ang mga tuhod ko pero nagawa ko parin siyaang tingnan. Mahahalata mo ang dugo sa bandang tagiliran niya, mukhang sinaksak ng ilang ulit. Makikita rin ang punit-punit na parte ng damit niya. Mapapansin kaagad ang malaking sugat sa bandang noo niya na tumutulo pa ang dugo.
Tumalikod ako at nakita ko si papa na mahimbing na natutulog sa lapag. Sinubukan ko siyang abutin ngunit tila ba may pumipigil sa aing para maabot siya. Nakita ko rin ang isang kamay na duguang inaabot din ang kamay ko.
Nagulat na lamang ako nang bigla kong maramdaman na mayroong yumuyugyog sa balikat ko. Napabangon ako bigla. Naramdaman ko ang mga butil ng pawis na tumutulo sa noo ko, at nanlalamig din ang mga kamay ko.
"Dey, ayos ka lang?" tanong sa akin ni Papa.
"Papa, may bata---" Ate, tulungan mo ako. Para bang may bumulong sa akin. Napalingon ako sa paligid, ngunit wala naman akong nakitang kakaiba.
"Ano iyon?" tanong muli ni papa. Para bang may pumigil sa akin at hindi ko na itinuloy sabihin kung ano ang nasa panaginip ko. "Ah. Wala po. Matulog nalang po ulit tayo." Sabi ko na lamang at natulog na muli.
Sabado na kinabukasan kaso mayroong pasok si papa. Kaya naman, naiwan akong mag-isa sa bahay. Tinapos ko na muna lahant ng ibinilon ni papa sa akin na gawin saka ako naidlip.
May naramdaman akong nag-aangat ng kamay ko, tila ba nilalaro niya ito. Akala ko, si papa yun na ginigising na ako.
Pagkamulat ko ng mga mata ko, nakita ko nanaman yung batang babae. "Ate, tulungan mo ako, parang awa mo na." bulong nanaman niya sa akin.
Nakita ko sa mga mata niya na desperada talaga siyang magpatulong. Kinilabutan ako. Pinangunahan ako ng takot. Lumayo ako at saka siya itinaboy.
Pero nang gawin ko iyon, nakita ko ang bahid ng lungkot at galit sa kanyang mga mata. Mas lalo akong natakot nang nakita kong nalisik yung mga mata niyang diretsong nakatingin sa akin.
"Lahat nalang kayo, ayaw niyo akong tulungan! Lahat nalang kayo, ipinagkakait sa akin ang oportunidad na maka-akyat sa langit. Lahat nalang kayo, ipinagkakait sa akin ang pagkakataong makita na sana muli ang mga magulang ko. bakit, dahil ba sa itsura kong ito? Kaya kayo natatakot? Hirap na hirap na ako."
Pagkasambit niya sa mga salitang iyon, doon ko naramdaman yung sakit at hirap na dindala niya. Naramdaman ko yung pagnanais na matulungan siya.
"Sige. Tutulungan kita." Sambit ko nang buong-puso.
Nagkalkal ako ng mga gamit dito sa bagong bahay namin. Napag-alaman ko rin na pagkatapos mamatay ng babae, dito lumipat ang mga magulang niya upang hanapin sana siya.
Nakita ko ang kanyang death certificate. Nakita ko ang cause of death: multiple injuries and--- nagulat ako sa nabasa ko. RAPE? Ni-rape ang batang ito?
"Oo. Ni-rape ako. Pinagsasaksak, saka itinapon ang bangkay ko kung saan saan na lamang. Pagkatapos 'non, napag-alaman kong hinanap ako ng mga magulang ko. Hindi pa ata nila alam na patay na ako. Nais ko na nga silang makita. Ngunit sa kasamaang-palad, mas nauna pa silang naka-akyat sa langit kaysa sa akin. Sinubukan kong hingan ng tulong ang bawat pamilyang lilipat sa bahay na ito, ngunit tatakbuhan lang nila ako at pilit na tinataboy. Kaya mayroon akong death certificate, nahanapan ng ibang tao ang bangkay ko. Ibinigay nila sa tauhan ng aming pamilya. Ngunit wala parin akong maayos na libing. Hanggang ngayon, nasa punerarya parin ang aking bangkay. Walang iniwan na pera ang aking mga magulang upang mabigyan ako ng maayos na libing." saad niya sa tila naiiyak na.
Kahit na may kaunting takot parin sa katawan ko, hinawakan ko ang mukha niya at iniangat, pinatingin ko siya sa akin.
"Huwag kang mag-alala. Tutulungan kita." sabay ngiti sa kanya.
Ang nais lamang niya ay mabigyan ng hustisya ang pagkamatay niya. Nagawa na naming ipakulong ang gumawa sa kanya ng karahasan. Nabigyan na din siya ng maayos na libing. Nakatawid na siya sa kabilang-buhay.
Isa lamang ang masasabi kong natutunan ko sa pangyayaring ito sa buhay ko.
Na kahit mayroon paring takot sa ating katawan, na kahit mayroong mga bagay na hindi man natin mabigyan ng eksplanasyon, magagawa at magagawa parin natin ang mga bagay na hindi natin inaakalang ating magagawa. Dahil ito ang sa tingin natin ay tama.
"Never stop doing what is right." Integridad. Heto ang kwento ko. Kwentong nagsimula sa bulong. Bulong ng hustisya.
YOU ARE READING
Bucket Of Feelings
RandomThis is only for me to write down all my feelings. I don't write to impres. I write to express my feelings na hindi ko masabi kung kanino. Fables, Short Stories, Letters, Spoken Word Poetry, name it! Depende sa mood ko kung anong gagawin ko. This, t...