Spoken Word Poetry: Hinanakit ni Inang Kalikasan

15 0 0
                                    


Ako, ako na inyong sinaktan,
Dahil sa inyong pangangailangan.
Alam kong hindi mo na maibabalik ang dating ako,
Pero alam ko, alam kong, kaya mong bawasan ang mga sugat ko.

Kayo, kayong mga tao!
Hindi niyo alam ang nararamdaman ko!
Kung kaya ko lang ipagsigawan sa buong mundo,
Gusto kong sabihin na, nasasaktan din ako.

Sa bawat iligal na inyong gawain,
damdamin ko'y puno ng galit.
Alam kong may kaya kayong gawin.
Ngunit bakit? Bakit dala niyo'y puro pasakit?

Kayo ay ginawa, upang ako'y pangalagaan.
Ako'y umaasa na inyo'y itong
kamtan.
Gamit ang inyong mga natatanging kakayahan,
Ako'y inyong gamutin at tulungan.

Bucket Of FeelingsWhere stories live. Discover now