Tulad ng buwan at kalangitan,
Ika'y madalas kong tingnan.
Tulad ng mga bituin na kumukutitap sa dilim,
Ikaw ang liwanag na pumukaw sa akin.
Matagal ko na itong inililihim,
Sa binatang kay ganda ako'y may pagtingin.
Ngayon, ako'y nagkaroon ng lakas ng damdamin,
Upang sa wakas ay ito'y aminin.
Aking ginoo, ika'y matagal ko nang minamahal,
Kaya pasensya na kung ganito ang aking inaasal.
Nawa'y walang magbabago,
Sa kadahilanang ito'y alam mo.
YOU ARE READING
Bucket Of Feelings
РазноеThis is only for me to write down all my feelings. I don't write to impres. I write to express my feelings na hindi ko masabi kung kanino. Fables, Short Stories, Letters, Spoken Word Poetry, name it! Depende sa mood ko kung anong gagawin ko. This, t...