020// Twitter

22 3 16
                                    

Twitter post  (05-27-23)
***

Colleen Lacsamana 🔒
@dbrokengurl_col

Lagi namang di tumutupad sa usapan. Sanay na nga ako, eh. Hindi ko alam kung pasensyosa lang ako o tanga na. O baka kasi kaibigan ko siya kaya hindi ko kayang magalit sa kaniya?

08:36 PM • May 27, 2023

***

Colleen Lacsamana 🔒
@dbrokengurl_col

Ang galing naman. Nakalimutan na nga na pupunta ako sa bahay niyo tapos nagdala ka pa ng babae🙃🙃. Haneppp. I mean di mo naman ako babae kaya wala akong karapatan.

08:37 PM• May 27, 2023

Show this thread...

Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • May 27, 2023
Ang punto ko lang, ako lang halos yung nagtrabaho!! Pagkatapos mong nagluto, pinagsilbihan mo yung bisita mo at pinabayaan akong gumawa mag-isa. Naibunton ko tuloy yung inis ko kay "Stacey" sa sementong binabakbak ko. Ang martir ko talaga, pumayag pa rin akong tumulong

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • May 27, 2023
Binigyan mo si stacey ang makakain kahit wala siyang ginawa. Samantalang ako binibigyan mo lang kapag may atraso ka o kaya may pabor. Tapos ang unfair. Ang ayos-ayos ng mukha at damit niya samantalang ako pawis na nga, marumi pa ang suot na shirt. So sinong pipiliin mo? Ang dayaaa.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • May 27, 2023

When they say love is something that you earn, ito ba yun? Kailangan ba gawin ko ang lahat ng 'to para magustuhan mo ako? Teka, may pag asa ba talagang magustuhan mo ako? O hanggang magkaibigan lang talaga tayo??

***

Colleen Lacsamana 🔒
@dbrokengurl_col

Bad news: di na ako nakapuntang school kasi nagpahinga ako pagkatapos gumawa. Idlip pala.

Good news: Siya na ang pumuntang school para ipasa yung lesson plan na ginawa ko

08:53 PM • May 27, 2023

Show this thread...

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • May 27, 2023
Bad news: mas gusto ko na lang dapat pumuntang school at magpasa ng lesson plan kaysa pagurin ang sarili ko habang naririnig ang dalawang yon na naglalandian. Sorry sa term, yon kasi ang napansin ko. Though nag-uusap lang talaga sila

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • May 27, 2023
Pero muntik na niya talaga akong buhatin kasi nakaidlip ako pagkatapos gumawa. Nakaupo lang kasi ako sa sahig at nakasandal sa pader, sa mismong tabi ng sementong binaklas ko. Ayoko kasing humiga dahil pawis ako

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • May 27, 2023
Pero ayun nga, nagising ako bago pa man siya makalapit sa akin. Pinauwi na niya ako pagkatapos. Dapat ba nagtulug-tulugan ako para buhatin niya ako? Joke ang landi.🤦‍♀️🤦‍♀️ Tumulong naman siya kaya alam kong pagod din siya. Just sayin'. Haha

Secret (Online #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon