Nerd (10-26-23)
***Nerd
Thu 20:18
Callme
Yoooow nerd
May tatanong ako. nakausap ko kasi si maam kanina. hahaha
Kailangan ko ng opinyon ng iba. Hahaha
Nvm pala sorry sorry parang nagagamit na yata kita. Lagi nalang pala akong nagtatanong ng puro tungkol sakin
Nerd
No prob. Wala rin naman akong ibang gaanong maisip na pwede nating pag usapan
Go ahead. Ano yung tanong mo?
Callme
Halaaaa
Thank u so much huhu ambait mo sobra
Nerd
Thanks haha
Callme
So ayun ngaa need ko opinyon ng iba
Nerd
Tinanong mo na ba yung kaibigan mo?
Callme
Nopeee. malamang kasi o-oo yun
Nerd
Bakit? Ano bang itatanong mo?
Callme
tingin mo dapat ba akong umamin kay prend tulad ng ginawa mooo?
Out of the blue to kasi bigla akong kinausap ni maam. hahaha
Nerd
Bakit ka ba aamin?
Callme
Wala langsss
Siguro anooo
para malaman kung may chance ba o wala
Malay mo gusto niya pala ako di ba? Minsan kasi nagbibigay siya ng motibo. ewan ko baaa
Nerd
Pwede rin. Malay mo gusto ka talaga niya
Callme
enebe nekekeheyeee
Ang landi ampotek. HAHAHAHA
Nerd
Hahaha
Callme
Ano sa tingin moooo?
Nerd
Pwede rin
Para gumaan na ang bigat sa dibdib mo. At least wala kang panghihinayangan kung sakaling gusto ka rin niya
Callme
E paano kung hindi
Nerd
Hanap ka na lang ng iba
Callme
eeehhh seryoso kasiiiii
Nerd
I'm not kidding. Hahaha
If that happens, don't worry. I got you
Callme
sasaluhin mo ba ako? Hahaha
Nerd
Bakit? Nahulog ka na ba?
Callme
Hala bumabanattt
Weyt di ako sanay. hahahahaha
kiligs. HAHAHA
Nerd
Nagtatanong lang ako. Di ako bumabanat. Hahaha
Callme
Pafall ka rin pala eh no
Nerd
Di ah. Hahaha
Pero kung sakali ngang di ka niya gusto, may iba naman sigurong nakalaan para sayo
Callme
Awww thanks for the lift
Cheers?
Nerd
Para saan? Hahaha
Callme
Cheers para sa pag amin ko sa kaniya. Hahahaha
Nerd
Cheers🍻
Callme
🥂🥂
BINABASA MO ANG
Secret (Online #3)
Teen FictionOnline series #3 An epistolary about unrequited love, fate, and a dating app. Date written: 08/07/21 Date published: 08/12/21-08/31/21 [Photo not mine. Credits to the owner of the photo]