112// Twitter

22 3 18
                                    

Twitter post (03-03-24)
***

Colleen Lacsamana 🔒
@dbrokengurl_col

Tama nga. Ang pinakamagandang ipanlaban mo sa taong galit sayo ay ipakitang hindi ka napipikon. Haha!! At 'di yon sumipot kanina. Sabi na hanggang salita lang siya. That user woman. Ginigigil niya ako

08:21 PM • March 03, 2024

Show this thread...

|
Colleen Lacsamana
🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Kanina, nadatnan ko si Klyde na tahimik na umiinom ng beer sa isang sulok. Nakakapanibago. Lagi ko naman siyang nakikitang umiinom ngayon pero ngayon yata ang pinakamalungkot na aura niya.


|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Dati nakangiti siya sa tuwing nakikita ko siya. Nagpapa-cute din na ewan. Pero ngayon, halatang masaya siya noong nakita niya ako pero hindi niya nagawang ngumiti.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Parang mas mabigat pa ang pinagdaraanan niya kumpara sa saya no'ng nakita niya ako.

At nakakalokaaa. Ang bungad niya sa akin, "pwede bang ako na lang ulit? Pwede bang tayo na lang?" Langyaaa. Seryoso ba siya??

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Akala ko sobra akong matutuwa kapag narinig ko sa kaniya ang linyang 'yon. Mali pala. Parang piniga ang puso ko kanina. Bakit? Dahil hindi ko na talaga siya mahal.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Tinanong ko kung ayos lang siya at kung anong problema niya pero hindi siya sumagot nang matino. Dahil sa inis at frustration ko, iniwan ko siyang mag-isang naglalasing.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Pero totoo pa rin pala ang sinabi niya. Hindi ko siya matiis. Hindi pa man ako nakakalabas ng bar, tiningnan ko siya ulit. Ang lungkot ng mga mata niya habang nakatingin sa kawalan. Hindi ko tuloy magawang iwanan siya sa ganoong kalagayan.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Grabe siya magpasalamat noong bumalik ako. Nagkaroon ng buhay ang mga mata niya. Hindi 'yon katulad noon kung saan alam niyang lagi akong nand'yan para sa kaniya kaya nasanay siya. Hindi siya nagpapasalamat.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Dahil doon, nilinaw ko na binalikan ko siya hindi dahil may gusto ako kundi dahil sa pinagsamahan namin. Binalikan ko lang siya para ihatid pauwi pero alam kong hindi na babalik ang feelings ko.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col •  March 03, 2024
Sana naintindihan niya kahit lasing siya. 'Yon na lang ang tanging magagawa namin para hindi lalong lumayo ang loob namin sa isa't isa. Ayoko rin namang putulin ang pagkakaibigan namin.

Secret (Online #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon