Ella Salazar (05-14-23)
***Ella Salazar
Active now •Sun 15:42
Ella Salazar
Anong balita? Pinuntahan mo pa rin siya kahapon no?
Itataya ko ang braincells ko
✓seen 16:0016:01
Colleen
Kung may brain cells ka. Hahahaha
Pero nope
Ella Salazar
Weh maniwala
Oy may brain cells ako. Tas yung puso ko di tanga di katulad ng iba jan
Pero di ka nga pumunta??
Colleen
Pumunta
HAHAHA ang gaga di ba
Ella Salazar
Sabi naaa ehh
Special talaga pinupuntahan
Yieee hahahaha
Colleen
Anong nakakakilig don? Ni di ko nga siya makausap nang maayos pagkarating ko. Puro lang siya papuri. Tss
Tapos kasama niya pa si Rep na hindi lasing. Kung makadikit akala mo sila talaga
Ella Salazar
Amoy jelly. Hahaha
Selos alert📢📢
Colleen
Sinong nagseselos? Ako??
Di ah. Sinasabi ko lang kung paano siya umasta
Ella
Sige kunwari naniwala ako
Ah basta Team Collyde pa rin ako
Colleen
Anong collide?
Ella
Colleen at Klyde
O di ba ang lakas makalove and hate collide. Hahahaha
Colleen Lacsamana
Luh bat may paganiyan. Dami mong alam
Ella Salazar
Tapos sa karibal mong si rep
Replyde
Ampanget parang siya
Colleen Lacsamana
ayt bat may pag atake?
Colleen Lacsamana: is typing...
Colleen Lacsamana
tsaka bat replyde? Di ba Rainie Patriz pangalan niya? Rep lang ang nickname.
E di dapat Raide. Parang ride lang din, mas cute lang spelling
Ella Salazar
Bakit naman aber? Reyni naman pagbasa sa pangalan niya ah.
Kung raide e di parang raid. Ano sila sindikato?
Atsaka sino ba talagang kakampi mo? Bat di mo ako tinutulungang mambash
At parang kanina lang ayaw mo ng loveteam ah. Tas ngayon nag isip ka na rin ng pangalan ng love team nila. Hahahaha choz
Colleen Lacsamana
Hahaha wala lang
Atsaka bat ko naman siya ibabash e di naman ako bitter. Hahahaha
Ella Salazar
Pero ano nga? bat ka pumunta roon?
Colleen Lacsamana
As usual para magsundo ng lasing. ang bigat pa niya!! Ayaw maglakad nang maayos. Pagewang gewang tuloy kami
Ayoko namang tumanggi sa kaniya. At alam naman ni papa na sinusundo ko siya. Gustung gusto pa nga para mas lumakas daw ako eh
Di niya alam na humihina naman puso ko. charrr hahahaha
Ella Salazar
Magagawan natin yan ng paraan sis. Tiwala lang. Hahahaha
Colleen Lacsamana
Send help. O kaya tatanda na lang akong dalaga. HAHAHA
Ella Salazar
Wag naman uy. Gusto ko pang maging ninang. hahaha
Bye naaa. Papaliguan ko pa si Max. Di pa marunong magpaligo ng 🐶 yung kapatid ko eh
Colleen Lacsamana
oksss
BINABASA MO ANG
Secret (Online #3)
Genç KurguOnline series #3 An epistolary about unrequited love, fate, and a dating app. Date written: 08/07/21 Date published: 08/12/21-08/31/21 [Photo not mine. Credits to the owner of the photo]