095// Twitter

20 4 13
                                    

Twitter post (12-25-23)

***

Colleen Lacsamana 🔒
@dbrokengurl_col
Maligayang pasko!! As usual umuwi ulit ako sa probinsya para magdiwang ng Pasko kasama parents ko. Pero umuwi rin ako agad kaninang hapon.

 10:37 PM • December 25, 2023

Show this thread...

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • December 25, 2023
Anong bago sa Pasko ko? Bukod sa may mga tao akong bagong binati, sina JJ at Theo, nakapunta rin ako sa bar ngayong Pasko 🙂🙂

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • December 25, 2023

Kanina, pinapunta ako ni Klyde sa bar. Hindi para magpasundo kundi para magpasamang uminom kahit malapit nang gumabi. Papagalitan ko sana kaso nakita kong ang lungkot ng aura niya kanina. Mukha siyang problemado.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • December 25, 2023
Bigla rin siyang naging clingy sa akin. Ni hindi niya binanggit si Rep o kahit sinong mga babae. Tahimik lang siyang umiinom. Tinanong ko kung pumunta siya sa kuya niya pero di siya sumagot. May problema nga kaya siya tulad ng sinabi ni theo dati?

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • December 25, 2023
Speaking of, nagkita kami ni Theo ngayon. Though hindi 'yon planado. Siya lang kasi kilala kong nakatira malapit sa bar na pinuntahan namin. Nag-insist si Klyde na ihatid ako pauwi pero tumanggi ako kahit na magkapitbahay kami. Baka kasi di kami makauwi nang buhay. Jk

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengurl_col • December 25, 2023
Medyo nahihilo na rin kasi akong maglakad. Nag-inom ako ngayon. Nahawa yata ako sa pagiging stressed ni Klyde. Kaya ang ending, nalasing siya at tipsy naman ako. Buti na lang talaga inalalayan kami ni Theo.

|
Colleen Lacsamana 🔒 @dbrokengul_col • December 25, 2023
Nakakahiya pero wala na kasi akong ibang matawagan. Pasensya sa abala. At salamat.

Secret (Online #3)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon