1

50 2 0
                                    

CHAPTER 1

Brenda Shane Aragon’s POV

“haaaaaay” paulit-ulit kong buntong-hininga.

Nasa canteen kami ngayon ng mga kaibigan kong sina Eunz, Kim, Elle at Grace. Break naming ngayon at malayo pa ang time for the next subject kaya dito muna kami tumambay.

“hoy, best!” tawag ni Eunz. “kanina ka pa ahh, may problem aba?”

“wala naman! Naiinis lang ako kay Ethan.” Agad kong sagot. Alam nila ang lihim kong pagtingin kay Ethan.

“bakit? Kasi hindi ka niya pinapansin??” kantyaw ni Grace.

“oo nga! At rinig ko pa may love life na raw yang bff mo girl!” segunda ni Kim!

Like WTH! Kalian pa nangyari yun? Ba’t di ko alam??

“tama! Narinig ko rin yun,. Sino nga ba yun??” at um-acting pang nag-iisip. “si Aya, yung cheerleader ng squad!” dagdag pa niya at sabay tingin sa’kin.

Hay! Napaka-thoughtful talaga ng mga kaibigan ko. Ang galing nilang mang-inis! Ahhmmp! Pagtatadyakan ko kayo ehh!

Napasimangot na lang ako sa mga pinagsasabi nila. Alam ko kasing gusto nung Aya si Ethan ko eh! (Ethan mo?) Oops! Paki-alam niyo ba kung yan ang tawag ko sa kanya? Basta, naiinis ako sa kanya. Alam ko naming walang namamagitan sa kanila kasi hindi gusto ni Ethan si Aya pero nayayamot pa rin ako kasi lapit siya ng lapit kay bff at kung maka-dikit pa, aie jusko po! Parang linta kung maka-kapit teh! Hindi naman siya pinapansin ni Ethan.

Hay nakuu! Ganyan na ba mga babae ngayon?? Sila pa mismo ang nag-sho-show ng motive sa mga kalalakihan??

“ano b aka---“ naputol ang sasabihin ko ng biglang sumigaw yung mga babae sa canteen.. agad kaming napalingun lahat doon sa mga babaeng nagkakagulo sa kabilang table.

Break na daw sila nung ysabelle – girl 1

Talaga? Totoo yun? – girl 2

Oo nga, sabi ko na nga ba hindi aabot ng isang lingo yun ehh.. – girl 3

At saka sila naki-gulo doon sa mga nagsi-sik-sikang mga babae.

“anong meron??” tanong ko sa kanila. “may dumating na artista??”

“sus! Nagtaka ka pa! hindi mo ba alam ang balita ngayon??” tanong ni Eunz.

“anong balita?” tanong ko. Hindi ko kasi talaga alam kung bakit nagkakagulo yung mga babaeng yun. At sino ba yung tinutukoy nilang Ysabelle? At yung nagging boyfriend nito??

They were all shocked upon hearing my question. Bakit kaya?? Ano bang meron sa balitang iyon at bakit ako na lang ang hindi pa nakaka-alam nun?

“best, break na si Sid at saka si Ysabelle.” Inform sa akin ni best Eunz.

“eh ano ngayon??” taking tanong ko. Bakit ba malaking issue yun? Sino ba yang mga yan? Mga celebrity para pagkaguluhan?? Well, alam kung sina Sid ang may-ari nitong school kaya sikat siya.

“anong ano ka diyan!” sabay palo sa akin ni best Kim. “syempre lahat ng mga babae ngayun nagsasaya dahil saw akas, available na ulit si Sid noh!” kilig na kilig na sagot niya.

“tama ka diyan girl!” sabay apir pa nila ni Grace. “sa tingin niyo, mapapansin na kaya ako ni fafa Sid ngayon?” at talagang pa-twinkle pa ang mga mata. Eeewww!

“tahimik nga kayo diyan!” saway ko sa kanila. “kayo? Bakit ba kayo nagkaka-ganyan over that self-centered playboy?? Eh, wala naming kwentang tao yan eh.. babaero  at napaka-feeling! Porke’t anak ng may-ari ng school ganyan na kung maka-asta! Hindi naman kagwapuhan para pagka-interesan niyo.” Hindi sila umimik sa mga sinabi ko. Napansin ko na lang at biglang tumahimik ang paligid. Pati si Eunz hindi rin naimik. Parang na-estatwa nga sila sa pagkaka-upo.  “hooooy!” sabay wagay-way ko ng mga kamay sa harapan nila pero hindi pa rin natinig.

Falling in Love with the CASANOVA!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon