CHAPTER 2
Shaun’s POV
~haaaay! Nakakapagod rin mangbabae.. pare-pareho lang kasi silang lahat.. katawan ko lang ang habol nila.. haha.. kung tumigil nalang kaya ako?? Sa tingin niyo?? pero di rin siguro. Kasi, kahit wala akong ginagawa, mga babae na ang lumalapit sa akin.. ganito pala kapag isinumpa kang gwapo! Haha
“hoy Shaun! Day dreaming ka na naman jan?” –Ariel
“oo nga! Si Grace na naman siguro iniisip niyan..” – Chris
“hoy! Kayong dalawa, tigil-tigilan niyo ako kung ayaw niyong mabatukan! “ sabay lingon ko kay Sid na ayun! Wala na naman sa sarili.. ganyan naman kasi palagi yan eh, simula nang maghiwalay sila ni Sharmaine.. “Sid, ang lalim ata nang iniisip natin jan??”
“shut up!”
Aba’t ang langhiya.. may period na naman siguro ngayun at nagsusungit..
“haha.. kaw kasi, wag mo munang istorbohin sa pag-mumuni-muni..” – Chris,
“Tamah! Hindi na nga namin inistorbo yan eh.. baka maka-tikim pa kami dyan pag-nagkataon.. haha” – Ed
“haay! Ang mabuti pa ay lumabas na nga lang tayo.. gutom na ako eh..” yaya ko..
“may alam akong bagong bukas na malapit lang sa school.”—Ariel
“tara!”
“hoy! Saan kayo pupunta?”
Natigilan kami ng nagsalita si Sid..
“kakain sa may bagong bukas na resto.. sama ka?” ani Ed.
At ayun! Sumama nga sa amin si menopausal king! Haha
Pagdating namin sa resto ay sakto namang pagka-kita naming sa groupo sa may gilid..
Teka! Kapatid ko yun ahh! Ano bang ginagawa ni Elle dito?
“bro? di ba si Elle yun?” – Chris
“oo nga ano.. kasama pa sina Brenda at tsaka si Ethan.,,” si Ed
Agad kong nilingon si Sid na hanggang ngayon ay nakabusangot pa rin..
Sayang ang kagwapohan ng taong to.. hindi na ginagamit..
Hmmmm… *lightbulb*
Mapuntahan nga!
“what’s up sis??” bungad ko sa kanila.. halatang gulat sila sa pagsulpot ko..
“at ano na naman ang ginagawa mo rito??” panimula ng mabait kong kakambal na si Elle.
“oo nga! Paano nakapasok ang tulad mo dito? Akala ko ba no pets allowed?” at nagsalit ang mahal kong si Grace.. mabuti naman at kahit papaano napansin niya rin ako.. kahit inis siya..
^___^ happy na ako..
Actually, isa sa mga purpose ko in life eh ang mapansin ako ni Grace.. haha.. ang babaw lang ng kaligayahan ko eh..
“papaano ba yan.. nakapasok ako, ibig sabihin hindi ako PET! “ and winked at her na siya namang ikinata-as ng kilay niya.. haha.. inis na inis talaga siya sa akin.. well, okay lang yun, ang sabi nga nila eh, The more you hate, the more you love.. sige Grace, mainis ka lang sa akin.. sooner or later magiging love rin yan.. “saka sa gwapo kung to?” sabay lapit sa kanya..
“ewwww.. lumayo ka nga!” sabay tulak sa akin.. “ayokong makapitan ng virus mo.. che!”
“hoy Shaun! Ano ba kasing ginagawa mo rito?” – Eunz