CHAPTER 3
_Eunz’s POV_
It’s already past 5, pero wala pa rin si Brenda. Kanina pa kami naghihintay sa kanya dito sa guardhouse. Ano kayang nangyari don? Akala ko maghahatid lang sya sa mga health cards naming sa clinic?? Ganun na ba kabigat ang mga health cards para matagalan siya ng ganito katagal??
“ang tagal naman ata ni Brenda??” –Kim
“oo nga, gutom na ako eh..” –Grace
“ako rin.. may inihanda pa namang cake si mommy ngayon.” –Elle
“talaga?? Pdeng maki-kain??” –Grace
“uie! Sama ako sa inyo.” –Kim
Haaay! Mga PATAY GUTOM talaga tong mga kaibigan kong to! Kanina pa ako nag-aalala kay Brenda, at sila pagkain ang inaatupag kaysa mag-alala kung ano nang nangyari sa kaibigan naming iyon.. kahit kalian talaga mga PG tong mga to eh! Hindi man lang nag-atubiling mag-check kung kumusta na iyon.
Kanina pa ako tawag ng tawag sa phone Brenda pro wala pa ring sumasagot. Kanina pa to eh.. nag-aalala na ako.
“girls, hindi pa rin siya sumasagot. Hanapin na kaya natin?” suggestion ko sa kanila pro nang harapin ko sila ay hindi naman pala nakikinig. Panay lang ang usap tungkol dun sa cake na ibi-bake ni Tita Celine. Mga PG talaga oh. “HOY!”
Agad naman silang napalingon sa akin with a WHAT look.
“kanina pa ako nag-aalala rito at kayo puro pagkain ang nasa isip nyo. Hindi niyo ba ako naririnig??”
Still no reaction.. nakatingin lang sila sa akin habang hinihintay kung ano ang nais ko pang sabihin.
“ang sabi ko, hindi ko pa rin ma-contact si Brenda. Kanina pa to eh. At saka past 5 na. baka kung anong nangyari na don.”
At saka lamang sila nag-worried. Inilabas nila ang mga cp nila.
“tatawagan ko si Shaun.. baka nakita niya si Brenda..” –Elle
“tatawagan ko si Ethan. Baka magkasama sila..” –Grace
“what if, hanapin na kaya natin??” suggestion ko. Wala naman kasing mangyayarin kung mag-hihintay lang kami rito. Baka kung ano nang nangyari don.”
Kanina pa talaga ako kinukutuban. Ang tagal kasi niya eh, maghahatid lang naman siya ng mga health cards. Sana pala sinamahan ko na lang siya kanina.
“hala! Hindi daw niya kasama si Brenda..” –Grace
Agad kaming nagtatakbo papunta sa room namin.. tinatawagan ko pa rin si Brenda. Baka kasi sumagot na siya.
Pagdating namin wala nang tao pro naririnig ko ang ring ng phone ni Brenda. Pag-check ko ay nakita ko ang bag niya. naiwan niya pala rito ang CP niya kaya hindi siya sumasagot. Halah! Nasaan na kaya ang babaeng yun??
Agad kaming nagpunta ng clinic. Baka kasi nandun pa siya. Pagdating naming ay sarado ang clinic. Aalis n asana kami pro binuksan ni Andie ang pinto. Nagbabakasakali na nandun nga si Brenda..
At hindi kami nagkamali. Nandun nga siya. Sitting in the floor while hugging her knees..
Huh?? Nagtaka kaming lahat..
Agad namin siyang nilapitan.
“Best??” niyug-yug ko siya. Agad naman siyang lumingon sa akin but ang ikinagulat ko ay ang hitsura niya. I think she just cried. Mugto pa rin kasi ang mga mata niya. “bakit? Anong nangyari??” worried kong tanong. Pati sila ay worried na rin. Hindi naman ito sumagot, bagkus ay tumayo lang ito.
“sorry, natagalan ako. Kukunin ko muna yung mga gamit ko sa room.” At agad siyang umalis ng clinic.
I know something happened to her. Based on her reactions and on what we have seen, there is really something going on.
“what happened to her?” –Kim
“oo nga, anong nangyari don?” –Elle
“bakit kaya nagkaganun yun?” –Grace
“aba malay ko! Tayo ang magkakasama kanina kaya huwag niyo akong tanungin!” at lumabas na rin ako ng clinic.
Haay! Maaga akong magkaka-wrinkles dito sa mga kaibigan kong to eh! Diyosmio! Bakit po ako nagkaroon ng mga kaibigan na tulad nila.. ??
Agad kong sinundan si Brenda sa room. Gusto ko sanang tanungin kung anong nangyari sa kanya. May kutob kasi ako eh.
“best??”
“huwag muna ngayon best. Ipapaliwanag ko na lang sa inyo some other time. But not now.” At saka lumabas na.
Sabay kaming umuwi ng araw nay un, pero hindi pa rin namin alam kung ano talagang nangyari sa kanya. Ano kaya?? Aiiessshhh! Kainis naman oh! Bakit kaya ayaw niyang sabihin?? Ano nga kayang nangyari sa kanya??
_END OF POV_
Brenda Shane Aragon’s POV
After nila akong maihatid ay nagpaiwan si Mae sa bahay. alam kung nag-aalala siya sa akin kaya pina-una na niya sina Jane, Andie at Lian.
“best??” sabay upo sa tabi ko
“best..” yun lang ang nasambit ko saka ko siya niyakap ng mahigpit. Gusto ko sanang umiyak kaso, wala na akong luha, ubos na sa kaiiyak ko kanina pa.
OA na kung OA ang reaction ko, pero masisisi nyo ba ako?? Sobrang halaga lang naman kasi sa akin yung kinuha ng gagong yun. FIRST KISS ko yun! FIRST! And to think, matagal ko nang inilaan yun kay Ethan tapos sa kanya lang mapupunta?? SH!T na gagong yun!
“ok. If you still don’t want to talk about it, hindi na muna kita kukulitin about what really happened to you. But always remember. We’re just here for you. And I’m always here, ok??” and she patted my back. I just cried and cried until my last teardrop falls.
_END OF POV_