Sid Michael Villaflor’s POV
Nasa bench lang ako sa ilalim ng puno sa may court nang may marinig akong nagsisigawan..
As usual, kilalang-kilala ko ang mga boses na un..
Ang enemy couple ng campus na naman yan..
Oo, yan ang bansag sa kanila dito..
Sikat na sikat silang dalawa rito,
Papaano naman kasi bangayan ng bangayan ang dalawang yan pag nagkikita.. wala nang ginawa kundi mag-inisan..
Ang hindi ko naman alam dito kay Shaun, bakit niya palaging iniinis si Grace kung may gusto naman pala siya dito??
“grabeh talaga silang dalawa, kahit saan wala nang ginawa kundi mag-bangayan!” si Ariel
“oo nga, papaano siya sasagutin ni Grace kung gaganyanin lang rin niya??” –Ed
“what’s up mga brad?”
Medyo nagulat pa ko ng bigla na lamang sumulpot si Shaun..
“oh, ang saya mo ata?? Akala ko galing ka sa world war III?? Ang lakas ng sigawan niyo kanina ahh!?” --Ed
“oo naman, dapat lang.. pinansin na naman niya ako ehh..” at ang WAGAS ng ngiti parang aso lang..
“alam mo, kung di lang kita barkada, aakalain kong baliw ka na!” sabi ko sa kanya..
“bakit naman?” sabay akbay sa’kin..
“kasi, ikaw lang ang kilala kong Masaya pagkatapos magbangayan sa babaeng gusto niya..” seryoso kong saad sa kanya..
“ok lang yun,..” sabay ngiti ng loko.. “kung sa ganung paraan lang ba niya ako mapapansin, susunggaban ko nay un..”
“corny mo, pare!” sabay batok ni Ariel
“oo nga,” at sinundan pa ni Ed..
“ganyan lang kayo magsalita, palibhasa hindi pa kayo na-i-in-love, di ba, Sid?” sabay siko sa akin..
Hindi ko na lang pinansin..
Naalala ko na naman si Sharmaine..
Sigh!
“haha.. bilib talaga ako sa trip mo, Shaun.. haha”
“oo nga, di kasi kayang suyuin kaya ganyan, iniinis.. haha.. wala ka talaga Shaun.. haha... di ka talaga uubra kay Grace..”
“kayo, tigil-tigilan niyo ako ahh..” naiinis na si Shaun..
“oo nga Shaun, bakit di mo subukang suyuin si Grace instead of palagi mo nalang ini-inis?? Kaya ka hindi na-asenso sa kanya ehh..” ako..
“tama ka dyan, Sid.. naturingan pa namang matinik sa chicks.. tapos hindi umubra kay Grace.. haha..”
“tigilan niyo ako haah!.. hindi naman kasi ordinary girl si Grace.. she’s different..” anito at biglang sumeryoso..
“different kasi hindi nagagana ang charms mo!.. haha” si Ed
“tama ka diyan! “ at nag-high five pa.. “para lang rin si Sid ehh.. di tumalab ang Charm lkay Brenda,, haha..”
“kayo, tigil-tigilan niyo ko haah.. bakit kayo, gumana ba sa kanila charms niyo??”
“gusto niyo, try natin???” panghahamon ni Ariel..
Hmp!.. palibhasa, walang mga conflict tong mga taong toh.. atsaka, good terms rin cla sa mga babaeng yun!..
“ano?? Lapitan natin sila??” si Ed naman..