Best friend.
"Do you have a problem? You can share with me, I'll listen." tanong niya sakin habang naglalakad kami papuntang parking lot.
"Wala naman." kibit balikat kong sagot saka nagpaunang maglakad papuntang sasakyan niya. Pinaubaya na naman ako ng kuya sa shokoy na to. Talaga naging driver na siya ng tuluyan ni Ate Mary Joy, ang pagkakaiba lang niya sa mga driver ay kusa siyang nagdadrive at walang suweldo.
"Kanina ka pa walang kibo, dahil ba sa jersey?" tanong niya. 'Oo kinginang yan' sagot ko na lng sa isip ko. -.-
Pinagbuksan niya naman ako kaya pumasok ako saka siya pumasok sa driver seat. Ang sabi niya kanina ay susunduin pa namin si Gianna bago ako ihatid.
"Kung yun ang dahilan kung bakit ka walang kibo. Sorry, hindi ko siya napigilan." paumanhin niya agad. "Kaninang nasa locker kami yung plain black t-shirt ko ang binigay ko sa kanyang damit pero dahil nakita niya yung jersey ko sa loob ng locker ko kinuha niya iyon at patakbong pumunta sa comfort room." pagpapaliwanag niya, tumingin pa siya sakin bago binalik ang tingin sa daan.
"Ayos lang. Naiintindihan ko naman." buntong-hininga kong saad. "Bagay nga sa kanya." diko napigilang naibulong yun pero lakas talaga ng pandinig.
"Marami pa akong jersey. Baka gusto mong isuot mas bagay sayo." ngising sagot niya.
"Tsk."
Hindi nagtagal ay nasa harapan na kami ng school nina Gianna. Tanaw ko siyang nakaupo sa waiting shade na malapit sa entrance ng school nila kaya nagagawa paring mabantayan ng guard si Gianna. Nang makita niya ang kotse at agad itong tumayo at lumapit sa gilid ng kalsada. Tumingin ang guard at sumalado dito, agad naman siyang binusinaan ni Brix.
"Hi ate!" bati sakin ni Gianna sa back seat.
"Hi baby girl, how's your day?" malambing na tanong ko.
"Okay naman po. Look, I got star." pinakita niya sakin ang star sa kamay.
"Wow." nasabi ko na lng, diko na alam sasabihin ko e.
"Pfft, you really look stupid buti na lang Dean's lister ka." sinamaan ko siya ng tingin
"Really? Congratulations ate!" masiglang bati sakin ni Gianna.
"Thank you, baby."
"How about you, kuya?"
"Tss, ako pa?" ngising sagot niya sa kapatid. Umiling na lang ako sa inasta niya. Hambog.
"Yieee I knew it, I knew it. You never failed to make me proud!" gumulong gulong pa siya sa likod.
"You never failed to make me smile, baby. What I am doing is all for you and to ate Jasmine."
"Bakit sakin?" takang tanong ko.
"Because the day you answer me is the day you become part of my plans." ngising sagot niya.
"Whatever. Congratulations by the way."
"Congratulations to both of us, baby." ani niya. Ang sarap lang pakinggan .
Nasa kwarto ako na nagsasagot ng assignments ko ng biglang may kumatok sa pintuan.
"Come in!" sigaw ko sa kung sino man.
"What are doing?" Hindi ko man lingunin ay alam ko na kung sino ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Assignment kuya, bat ang aga mo ata?" tanong ko sa kanya. Kalimitan kasi alas onse o alas dose na siya dumadating. Maaga din siyang umaalis sa umaga kaya bihira lng kami magkita kahit nasa iisahang bahay lang kami.