chapter 26

35 15 0
                                    

Azrael.

"Jam, bat parang galing ka sa gyera?" tanong ni George nung nakarating kami sa canteen.

"Nakakita kasi ako ng ahas dun. Binigyan ko lang siya ng leksyon."

"Ahh talaga, saan? Malaki? Ano namang leksyon ang tinuro mo? Dapat pinatay mo na." sunod sunod na sabi ni Zione.  Tumawa namn si Brix sa inasta nito. Niliteral ba naman na ahas. -.-

"Wala. Kumain na tayo." saad ko sa kanila.

"Tumawa si papa Aldrin, sabi sayo e happy pill niya ako." kinikilig na bulong ni Zione kay George pero narinig ko namn.

"Libre mangarap hehe." sagot namn ni George.

"Here." linapag ni Nix ang pagkain ko sa harapan. Binuksan na rin niya ang ang mga iyon para sakin.

"Salamat."

"What are you craving for? I'll order." tanong ni Brix sa akin pero umiling na ako at tinuro yung pagkaing inihanda para sa akin.

"U sure?" tanong niya ulit kaya tumango lang ako. Tinap niya pa ang ulo ko saka kami iniwan para umorder ng kanya.

Nagsimula na kaming kumain ng dumating si Brix. Pinipilit kong buksan ang bottled water ko pero mahirap.

"Ako na." pang-aalok ni Nix sakin ng makitang mahihirapan akong buksan iyon. Binigay ko naman sa kanya saka nagpasalamat. Sa gilid ng mata ko, kita kong nakatingin si Brix sa amin. Pinagsawalang- bahala ko na lng saka kumain na lng ulit ng biglang magnagpunas sa gilid ng labi ko.

"Sorry. May ano kasi..." saad ni Nix sa akin.

"Ako na. Salamat." sagot ko na lng saka kinuha yung tissue. Napatingin kaming lahat nung biglang tumayo si Brix.

"I'll go ahead. Baka hinahanap ako ng mga co-officer ko dun, kailangan ako." paalam niya saamin.

"Pero dimo pa naubos yung pagkain mo." sagot ko habang turo ang mga pagkain sa mesa.

"Busog na ako. Kita na lng tayo mamaya." tinapik niya ulit ulo ko saka naglakad palabas ng canteen.

"Selos." bulong ni Yam sakin.

Natapos ang klase na walang kibo si Brix kaya balak kong kausapin siya ngayon pero naunang maglakad papunta sa parking lot. Tumakbo tuloy ako papalapit sa kanya saka hinawakan siya sa pupulsuhan.

"Huy, kanina ka pa walang kibo a. May problema ba?"  tanong ko pero nag-iwas sya ng tingin.

"Wala. Tara hatid na kita sa inyo." Nagpatuloy siya sa paglalakad hanggang sa makarating siya sa kotse, pinagbuksan pa niya ako ng pinto.

Nung nasa driver seat na siya. Agad niyang pinaandar iyon ng walang salita. Hindi ako sanay sa ganitong treatment niya. Nakakaiyak punyeta.

"Hi ate, hi kuya!" bati ni Gianna nang sinundo namin siya sa school niya. Ngumiti lng ako ng tipid sa kanya, hindi na din naman siya nagsalita pa muli mukhang inaantok.

Nang makarating kami sa tapat ng bahay tinignan ko ulit siya pero gaya ng dati nag-iwas parin siya ng tingin. Hinawakan ko siya sa mukha saka tinitigan.

"What?" tanong niya.

"May problema ba tayo?" mahinang tanong ko baka magising si Gianna.

"Wala nga." sagot niya. Hindi ko namalayan tumulo na pala luha ko. "hey, what happened? May problema ba?" tanong niyan na siya na nakahawak sa pisngi ko habang pinupunusan luha ko.

CRAFT 360Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon