chapter seven

74 57 9
                                    

Reasons







Ilang araw na ang nakakalipas ngunit ganun pa din pakikitungo ni Mr. President sa akin - isang ka-competensiya. May mga oras na gustong lumapit ni Nix ngunit pilit kong iniiwasan. Alam ni Yam ang namamagitan sa aming dalawa kaya kung minsan tinutulungan niya akong umiwas

"Mauna na kayo"  utos ko kina Yam, George at Zione

" Bakit?"  tanong ni Yam

"Tumatawag si kuya. Mauna na kayo susunod ako. Umorder na rin kayo"

" Hintayin ka na lang namin Jam" Saad ni Zione

" Hindi na. Mauna na kayu" tinulak tulak ko pa sila

" Oo na basta bilisan mo ha" sagot ni Yam at tumango ako bilang sagot

Lunch break na pero kanina pa nagvi-vibrate cellphone ko at alam kong si Kuya yun. Siya lang naman tumatawag sa akin ng tatlong magkakasunod means masyadong importante.

"Hello kuya" sagot ko sa tawag. Ako na lang naiwan sa room. Humarap ako sa may bintana

" Haan naka masundo ni manong Ricardo tatta. Napan da mommy ken daddy jay Ilocos" Sabi niya sa tuwing ganitong nagsasalita siya ng Ilokano ay ayaw niyang maintindihan siya ng mga taong nakapaligid sa kanya

Translate: Mang Ricardo can't pick you up later. Mom and Dad went to Ilocos.

"Bakit?" tanong ko

" Adda jay ospital ni lola, tinext ko ni Kyle nga makisakay ka kanyana damdama pinaga-awid" Sabi niya

Translate: Grandma is in the hospital, I told Kyle to just ride with him when he gets home

"Okay lang si lola?" tanong ko ulit

"Jammo. Tumawag tayo damdama kina mommy"

Translate: I don't know. Ill just call Mom later

"Sige ingat kuya"

"Ingat rin kayo lil sis" sagot niya tsaka pinatay. Lalabas na sana ako ng room pero diko inaasahan ang naghihintay sa akin

"Jam" tawag niya sakin

" Kanina ka pa diyan?" tanong ko nakatalikod kasi ako sa pintuan kaya diko alam na may tao pala

"No, kadadating ko lang. Can we talk?" tanong niya papalapit sakin

"About what?" tanong ko habang nakatingin deretso sa kanyang mga mata

His eyes.

"Us. About us" kumunot ang noo ko

" Matagal na tayong wala Nix. Simula nung iniwan mo ako sa lugar na yun, tapos na tayo" walang emosyong sabi ko

"I'm sorry. Hiniwalayan kita dahil kailangan ako sa America" nakayuko siyang nagsasalita "Gusto akong ipakasal sa iba ng magulang ko dahil bumabagsak ang kumpanya namin" pagpapatuloy niya

"Bakit ngayon mo lang sinabi?"

"Dahil ayaw kitang saktan at natatakot akong malaman mong ikakasal ako sa iba" nakayuko pa rin siya. Nasa sahig ba yung kausap niya? O nasa sahig yung sinasabi niya?

"Nasaktan na ako e" nag-iwas ako ng tingin dahil nagbabadyang luha sa aking mga mata. Naalala ko na naman yung mga panahon na iniwan niya ko dun sa fountain pagkatapos niya akong hiniwalayan. Iniwan niya akong ang daming katanungan sa aking isipan

"I know and I'm sorry. Hindi ko sinabi yung rason dahil gusto kong maayos ko Ang problema ko at patunayan sa mga magulang ko na ikaw ang gusto kong pakasalan balang araw" nanlalabo na mga mata niya dahil sa nagbabadyang luha pero di ako nagsalita kaya pinagpatuloy niya

"Naayos ko na Jam" nabasag ang boses niya pagkasabi nun sabay tulo ng kanyang luha. Umiwas ako ng tingin dahil hindi ko kayang tignan siya ng ganun ang kalagayan. "Naayos na namin nina Mama at Papa Jam" Saad niya ulit "Sa katunayan gusto ka nilang makilala. Jam, pwede bang ipakilala kita sa kanila?" tanong niya sakin saka lang siya nag-angat ng tingin. Nagulat pa siya na may patak ng luha sa aking mga mata. Bakit e sa nahawa ako sa kanya! Psh "You know I hate seeing you crying"papahiran na sana niya Ang mga luha ko gamit ang kanyang mga kamay ngunit umatras ako

"Kinaya mo nga akong  iwang luhaan ,diba?" tanong ko at nagbaba siya ng tingin

"Sorry" sagot niya ulit

"Puro ka na lang sorry. Dalawang taon kong hinintay explanasyon mo. Dalawang taon simula noong iniwan moko lagi kong tinatanong sarili ko kung saan ba ako nagkulang? Bakit iniwan ako ng taong minahal ko?"

" Walang kulang sayo. Ako yung nagkulang" napayuko siya ngunit hindi ko pinansin bagkus pinagpatuloy ko

" Dalawang taon akong naghintay na sana balikan moko at sabihing mahal mo pa ako" pinunasan ko ang luha ko ganun din siya. Pareho kaming luhaan "P-ara a-kong baso na nabasag noong iniwan moko ngayon buo ulit ako babalik ka para basagin mo ulit?"

"No" Saad niya " Of course not. I won't hurt you again just please come back to me" hirap na hirap niyang sabi " I promise I won't hurt you again"

"Ang kaso bumalik ka ngayon panahong Hindi na kita gusto. Ngayon hindi na kita mahal" tuloy tuloy ang bagsak ng luha niya habang binibigkas ko ang mga salitang iyon

" No. You still love me Jam" umiling iling ako sa sinabi niya "You just want to hurt me like what I did to you"

"Alam mong hindi ako ganung to Nix. Alam mong kahit gaano kasakit yung ginawa at ginagawa nila sakin ay hindi ko ugaling gumanti sadyang hindi na kita mahal"

" J-am please I'm begging you" lumuhod siya sa harapan ko! " Anong gagawin ko para lang mahalin mo ulit ako?" tanong niya

" Wala dahil hindi mo na maibabalik ang nakaraan"

"Minahal mo ako nun hindi malabong mahalin mo ulit ako ngayon" Saad niya na pinupunasan ang luha

"Is she your ex girlfriend you are talking about?" sabay kaming lumingon say may pinto. Hindi ko aakalain na may nakarinig sa usapan namin

"V-enice"  bulong ngunit narinig kong sabi niya

"I'm asking you Nicholas" nagkatinginan silang dalawa narinig ko ang buntong hininga ni Nix

"Yes" he answered

"So she's the reason why you can't love me back?"

"Yes" nakayukong sabi niya. Tinignan ako ni Venice at walang salitang tinalikuran niya kami. Ooookkkkaaaayy? That's it? HAHA just kidding

"You should talk to her" I suggest

"She knew everything about us. She knew that I love you. Ang hindi niya lang alam at kung sino ang tinutukoy ko kaya siguro nagulat siya kanina. Mas papalalain ko lang ang sitwasyon kung kakausapin ko pa siya" umiling iling niyang Sagot

"Why don't you give her a chance?"

"I don't love her" may diin Ang mga salitang niya

"Matutunan mo siyang mahalin. Try to give her a chance Nix. Huwag mong paikutin Ang mundo mo sakin dahil gaya ng sinabi ko wala ka nang babalikan. Why don't you try to open your heart to someone? Huwag mong sayangin yung chance mo dahil baka darating yung araw na mare-realize mong Mahal mo na siya kung kailan may mahal na siyang iba. Baka sa huli ikaw ang magsisi" Hindi ko hinintay ang sasabihin niya at saka umalis

Ti-next ko si yam na mag-aabsent ako dahil gusto kong magpahinga. Masyadong marami ang nangyari ayaw magsink in sa utak ko. Ang nangyari Kay Lola at  pinag-usapan namin ni Nix. Hindi pa man tapos ang lunch break kaya tinawanan ko si Kuya Kyle para ipaalam na mauuna na akong uuwi

- - - - - - - - - - - -

Follow me @beannnggggg

 

CRAFT 360Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon