Chapter Five

366 30 0
                                    

The Importance of True Love

"Anak, mabuti naman at nakauwi kana, kanina pa kita hinihintay."Nag-aalalang sabi sakin ni nay rosie.

"Sorry po. Nay pwede niyo po ba akong ikuha ng tubig medyo nauuhaw po kasi ako." Mahina kong sabi. Na agad naman niyang sinunod.

Umupo ako sa sofa habang hawak-hawak ko ang aking dibdib dahil hanggang ngayon naninikip pa rin ang dibdib ko at hindi pa rin bumabalik sa normal ang paghinga ko.

Lumabas na rin si nay rosie sa kusina dala-dala ang baso na may tubig, agad siyang lumapit sakin para iabot sakin at nang mainom ko ito. Umupo si nay rosie sa tabi ko.

"Anak, namumutla ka! Ano bang nangyari at nagkasagutan na naman kayo ng mga kuya mo!?"

"N-nay, h-hindi..... p-po.... a-ako-" hindi ko natuloy ang nais kong sabihin dahil sa sobrang paninikip ng dibdib ko.

"Isay! Pakitawagan nga sila Third sabihin m-" Agad kong pinigilan si nay  rosie sa sasabhin niya at nang tinignan ko siya nakikita ko sa kanya ang labis na pag-aalala. Umiling ako sa kanya hudyat na ayaw kong tawagin niya ang mga Kuya ko.

"K-kunin... n-niyo na.... l-lang po... a-ang... m-mga g-gamot k-ko" hindi ko makahingang utos sa kanila.

"Isay! Kunin mo ang mga gamot ni Samantha sa kwarto niya pati na ang inhaler niya bilis." Nagpapanik niyang sabi.

Buti na lang wala sila Kuya ng maihatid ako ni Knight dito. Hindi ko alam kung nasaan sila.

"N-nay n-na-sa-an p-po-" hindi ko na natuloy dahil alam na agad ni nay Rosie ang nais kong sabihin.

"Tumawag sila kanina sakin at sinabing hindi muna sila uuwi dito dahil nagkasagutan na naman daw kayo! Kaya hinabilin kana lang muna sakin."

Tipid akong ngumiti kay rosie. Ganun naman sila kung kilan ko sila kailangan lagi naman silang wala gaya na lang noong panahon nalaman kong may sakit pala ako sa puso.

Flashback

Five years ago....

"Birthday na birthday mo pero malungkot ka." Nay Rosie said.

"Thirteen years old na po ako nay pero hanggang ngayon hindi pa rin umuuwi sila Kuya or si mommy at daddy."malungkot kong sabi, yumuko ako para hindi makita ni nay na naiiyak ako.

"Sige para hindi kana malungkot kapag tumawag sila sasabihin kong umuwi na sila dito."nakangiti niyang sabi.

Inangat ko ang aking tingin sa kanya. "Kilan niyo pa po sasabihin sa kanila? Hindi naman po sila tumatawag ehh." Naiiyak kong sabi sa kanya.

"Tumatawag naman sila mommy mo diba?" Nakangiti niyang sabi.

"O-opo, tumatawag po sila.... p-pero... h-hindi para kamustahin a-ako!.... k-kundi tanungin kung anong p-pong kailangan dito sa bahay at kung may babayaran sa school ko. Feeling ko po hindi na nila ako Mahal." Hikbi kong sabi.

Nay Rosie immediately wiped away my tears na walang balak huminto.

"Samantha! Huwag mong sasabhin na hindi ka nila Mahal! Ginagawa nila ito para sa inyong magkakapatid para mabigyan kayo ng magandang buhay!" Galit niyang sabi.

"Buti na pa sila kuya.... kasama nila sila mommy at daddy." I still cried. She immediately hugged me tightly.

"Shh... Tahan na... Birthday mo ngayon kaya dapat masaya ka." Pinaharap ako ni nay rosie habang nakahawak siya sa magkabila kong balikat. "Samantha anak, lagi mong tatandaan na Mahal ka ng mommy at daddy mo ganun din ang mga Kuya mo."nakangiti niyang sabi.

The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)Where stories live. Discover now