Self!
After ng mga nangyari sakin, kay knight at sa mga realizations ito ako ngayon nakaupo sa aking higaan hindi ko alam kung anong unang gagawin ko, marami akong gustong gawin kaso dko alam kung paano sisimulan. Ang hirap pala ng ganito, oo alam na nila yung tunay kong kalagayan and inaalagaan naman nila ako, hindi na nga sila bumalik sa Korea pero parang pakiramdam ko na kung wala lang akong sakit baka bumalik na sila sa Korea. I forgive them naman pero hayst! Hindi ko alam.
Maya-maya may biglang may kumatok sa door ng kwarto ko at walang iba kundi si kuya Clyde.
"Samantha, baba kana, kakain na Tayo." Malambing na saad ni kuya Clyde.
"Opo kuya." Mahinang sagot ko then narinig ko na yung footsteps niya na palayo sa kwarto ko.
Agad kong inayos ang aking sarili and back to normal ulit need kong mag pretend na okay lang ako, ayoko kasing pati sila madamay sa kadramahan at kalungkutan ko, gusto ko na yung makita nila sakin yung Samantha na masayahin, brave at walang sakit. Pagkababa ko agad akong dumeritsyo sa dining area, kompleto silang lahat at nararamdaman ko na hindi lang kami kakain kaya agad akong tumalikod para sana bumalik sa kwarto ko ng hindi pa ako nakakaalis ay agad naman akong napansin at tinawag ni Daddy.
"Samantha" My dad called me.
Bumuntong-hininga ako. Sinasabi na nga bang gusto lang akong makausap nila Mommy and Daddy. Hindi kasi kami nagkaroon ng pagkakataon na mag-usap at talagang iniiwasan ko na Sila.
Ayokong malaman o makita kung gaano Sila kalungkot. Agad akong umupo sa upuan kung saan katabi ko si Clyde. Super tahimik and hindi ako sanay sa ganito kaya dahan dahan akong tumayo at nagpaalam.
"Babalik na muna po ako sa kwarto ko-"
"Mananatili kang nakaupo diyan o itatali kita sa isang upuan?" Napigil ang pagtayo ko sa sinabi ni Mommy. Hindi tumitingin sa kanila na tahimik na umupo na lamang ako.
"Live your life, Samantha." Napaangat ako ng tingin at nagtama ang mga mata namin ni Daddy. Wala akong nakikitang galit sa mga mata niya, nandoon lang ang pang-unawa.
"I don't know what you mean, Da-"
"Hindi ka namin pinipilit na maging masaya, pero sana wag mo din itago sa amin na nalulungot ka. Na nahihirapan ka. We're your family. We will always share your pain."
"Daddy."
"You don't always need to be strong. Sometimes, you need to loosen your grip and let yourself lean on to someone." Mommy said.
Malungkot na umiling ako. "Ginawa ko na iyon, Mommy. At tignan niyo ako ngayon."
Naramdaman ko na hinawakan ni Daddy ang kamay ko. "You don't know how I struggled not to hurt that man. You know why I didn't? It's because I know that you love him. I certainly can't hurt someone who's linked to my girl's heart." Malungkot na ngumiti si Papa at tumingin kay Mommy. Saglit na nagtama ang mga mata nila bago nila ibinalik sa akin ang atensyon nila. "We will always regret that we haven't tried enough for you. I don't know what exactly we can do...but God knows we will make anything impossible possible if it means saving you from what happened."
Iyon ang ayokong mangyari. Ang sisihin nila ang sarili nila sa mga naging pagkakamali ko...sa mga desisyon ko. Naging mabuti silang mga magulang sa Amin at sa mga kapatid ko even though dko Sila kasama madalas pero nagpapasalamat ako na sila yung naging magulang ko at wala na akong mahihiling pa. Wala silang kasalanan. This is all on me.
"Wala kayong kasalanan, Daddy and Mommy." Mahinang saad ko sa kanila.
Before ulit magtalk sila Mommy and Daddy nagpaalam na ang mga kuya ko dahil may mga pasok pa Sila yung iba sa company namin at yung iba sa school, nung nakaalis na sila kuya agad bumalik sakin ang attention nila Mommy and Daddy.
YOU ARE READING
The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)
Teen FictionLee Siblings Series #1 Samantha Smith Lee is the youngest and only girl among Lee siblings. She is fragile, soft hearted and innocent. Her parents were both busy at work and she have Seven older brothers pero iniwan din siya. May sakit siya sa puso...