Shocks!
Katulad ng mga nagdaang oras ay tahimik lang ang naging byahe namin hanggang sa makabalik kami sa Callianna Resort. Wala siyang narinig mula sa akin at nagtuloy-tuloy lang ako hanggang sa loob. Alam kong hindi na siya nakasunod sa akin.
Dumiretso ako sa kwarto naming mga babae at dumiretsyo sa may Cr. Mariin na pumikit ako at sumandal sa pinto. It'll be okay, Samantha. Just a little more time. We'll be okay.
Kinabukasan......
I can't let him think that he hurt me. I need to act fine because in the first place...I shouldn't be hurting. Maybe this is some body malfunction, if there is such a thing.
Tumuloy ako sa dining hall at muntik na akong lumabas ulit kung hindi ko lang napigilan ang sarili ko. Umupo ako sa isang tagong bahagi ng dining hall. Pilit na pinigilan kong mapatingin sa kinaroroonan ni Knight at ni Chel.
Chel looks happy as she looks at Knight. I can't see his face since his face is burried at her neck. Chel is happy. Chel is happy. I should be happy too right? For her? I shouldn't be feeling this. But why do I feel like I'm dying inside. I dont know what to do anymore.
"Wait for me here. May kukunin lang ako."
"What is it?" narinig kong tanong ni Knight.
"Just wait for me here."
"Hurry back."
Nakangiting tinapik ni Chel ang pisngi ni Knight bago tumakbo paalis. Muli akong yumuko at nanatiling nakatingin lang sa mga kamay ko. I bit my lower lip but a tiny cry escapes my lips. No!
"Are you okay?"
Pinahid ko ang mga luha ko at tinignan ko ng masama si Knight. "Of course I'm okay. Napuwing lang ako. What are you doing here?"
"Nakita kita-"
"Are you deaf or what? Sinabi ko ng huli na ang kagabi diba? Maybe I didn't say it clearly. That was a closure. We're done."
"Hell I know that, Samantha."
"Then stay away from me. Stay far away from me. You've done enough. I need to get back on my life. My fun life where I can wrap any men around my finger. That I can have any men I want-"
Naputol ang sasabihin ko nang bigla na lang niya akong halikan. Pilit na itinulak ko siya ngunit hindi niya ako pinakawalan. Tears blurred my eyes as I wiggled away from him.
Nang magawa kong makakawala sa kaniya ay mabilis na tumayo ako at sa nagbabagang tingin ay hinarap ko siya. "You jerk!"
"Samantha. I'm sorry."
Bago pa ako muling makapagsalita ay napaatras ako ng maramdaman ko ang pagdapo ng isang palad sa pisngi ko kasabay ng malakas na pagsinghap ng mga taong nasa paligid namin.
Nanlalaki ang mga mata na nag angat ako ng tingin at animo may mahigpit na pumiga ng puso ko ng makita ko si Chel na nakatayo sa harapan ko. Wala akong makita sa mga mata niya kundi galit.
"Chel...I-I can explain. It was nothing."
"Why Sam? Bakit ikaw pa? Mang-aagaw ka. Selfish ka. From the very start, lagi mo na lang gusto na sayo ang lahat. Why can't you just let me be happy? Bakit ba hindi ka na lang mawala?!"
Umiling ako. "Chel, hindi. Mali ka ng iniisip."
"Hindi ako bulag! Gusto mo ba siyang kunin sakin? O katulad ng mga lalaki sa buhay mo gusto mo din siyang paglaruan? Hayaan mo na kami. Hayaan mo na kaming maging masaya!"
Umangat ang kamay niya ngunit kaagad na napigilan ko iyon. Lumuluhang sinalubong ko ang tingin niya. "Sa tingin mo hindi iyon ang ginagawa ko? Hindi ko ba gustong maging masaya ka? Lahat kaya kong ibigay. Lahat lahat kaya kong iwanan, para sayo!"
YOU ARE READING
The Woman Who Doesn't Believe In Love (Lee Siblings Series#1)
Teen FictionLee Siblings Series #1 Samantha Smith Lee is the youngest and only girl among Lee siblings. She is fragile, soft hearted and innocent. Her parents were both busy at work and she have Seven older brothers pero iniwan din siya. May sakit siya sa puso...