Hope
Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa sinabi ni Mimosa, hindi ko rin mabasa sa mukha niya kung nagbibiro ba siya o ano.
She also mentioned that she was once a traveler that got lost and discovered the village. And to think na nandito pa ito ay sigurado akong hindi ito nagbibiro.
Lumingon ako kay Rafael na katulad ko ay hindi maka paniwala sa narinig.
"Yung mga ibang tao ba dito? Hindi rin ba nila alam?" Tanong nito na halata mong kinakabahan din.
"Hindi rin nila alam ang daan. Kung gusto niyo dadalhin ko kayo sa pinuno ng nayon" Wika nito at tumingin sa amin na para bang tinatanong kung papayag kami.
Tumango si Rafael at tumayo para sundan ang babae. Wala na kaming nagawa pa kundi sumunod nalang din dito.
Habang naglalakad kami ay mapapansin mo ang ibang mga tao dito na nakatingin sa amin. Siguro nagtataka ang mga ito kung ano ang ginagawa namin dito.
Mapapansin mo rin sa lugar ang ganda ng paligid dahil napapalibitan ito ng mga matataas na puno at ibat ibang mga bulaklak.
Kung titignan ito sa labas ay nakakatakot pero pag nakapasok kana ay mararamdaman mo ang kapayapaan ng lugar.
Lumingon ako kay Mimosa na ngumingiti sa mga taong nakaka salubong namin.
Naligaw lang ito at hindi na nakabalik pa sa siyudad. I wonder how lonely she felt during those times. Hindi man lang ba siya hinanap ng kanyang pamilya?
Naramdaman siguro nito na may naka tingin sa kanya kaya lumingon ito sa akin at ngumiti ng matamis.
I was stunned by her smile. Mimosa is no doubt pretty. May maganda itong ngiti at napaka among mukha. Ngayon ay nagtataka ako kung bakit napag kamalan itong aswang ni Tim.
Tumatawang umiling ako ng maisip ko ang pagka lawak ng imahinasyon ni Tim.
"Hope, okay ka lang?" Nabalik ako sa huwisyo ko when Rafael snap his finger in front of me.
"Huh?"
"Okay ka lang kako?" Muli nitong tanong.
"Oo naman, bakit?" Tanong ko pabalik.
"Sabi ni Mimosa andito na tayo pero nakatingin ka lang sakanya" Paliwanag nito.
"Ah, naisip ko lang kung wala man lang bang humanap sakanya" Sagot ko.
Sumeryoso ang mukha ni Mimosa ng bangitin ko iyon ngunit hindi rin nagtagal ay muli itong ngumiti.
"Hindi ko alam. Wala din naman makakahanap sa akin dito dahil hindi ito saklaw ng gobyerno" Wika nito. Bumintong hininga ito at muling timingin kay Rafael.
"Pasok na tayo" Aya nito.
Nang makarating kami sa may tapat ng pinto ay kumatok ito.
"Kapitan Ben" Tawag nito. Lumabas ang matandang lalake na sa tingin ko ay nasa 64 na edad.
"Magandang gabi po kapitan" Bati nito at paglakapos ay nagmano ito dito.
YOU ARE READING
Still With You
FanfictionAn unknown village was found by seven men while they're trying to find their way to the city. What will happen to this seven young man who got lost in this unknown village. Justin Hope who was searching for help inside the village met this mysteriou...