Hope
Naghahanda na kami ngayon sa pag alis para balikan ang daanan na tinahak namin kahapon. 4:30 palang ng umaga kaya may oras pa kami para maghanda.
Madilim pa sa labas at malamig din ang simoy ng hangin mabuti nalang at may mga pamproteksyon kami sa lamig.
Pagsapit ng alas singko ay lumabas na kami sa bahay ni Mimosa hindi na namin ito ginising para hindi na ito maabala pa. Siniguro din naming naka lock ang pinto bago kami tuluyan na lumakad.
"Handa naba kayo?" Tanong ni Rafael sa amin. Tumango lang kami sa kanya at nagsimula ng humakbang.
"Wait lang"
Hindi pa kami nakakalayo sa nayon ng magsalita si Jm. Hawak nito ang kanyang camera na nakasabit sa kanyang leeg.
Pinanood namin siyang kinukuhanan ang kabuuan ng nayon sa kanyang camera. "Tara na" Wika nito ng matapos at nagsimulang lumakad.
"What was that for?" Tanong ni Jake sa kanya.
"I was just taking some memories" Pilyo itong ngumiti bago tinignan ang mga nakunan sa kanyang camera.
"Right, kung makabalik man tayo sa siyudad pwede nating ipakita ang picture sa otoridad para narin matulungan ang mga nandoon lalo na si Mimosa" Mahabang litanya ko.
"You're right Hope" Pagsang ayon ni Rafael.
"Then let's get going" Sabi ni Jin at nauna na itong maglakad.
Nagsimula na kaming maglakad, hindi na din masyadong madilim kaya wala kaming naging problema sa daanan.
"Wala paring cignal cellphone ko" Pagmamaktol ni Timothy, tinataas nito ang kanyang kamay na may hawak na cellphone para maghanap ng cignal.
Lahat ng cellphone namin ay walang nasasagap na signal kaya hindi kami makahingi ng tulong.
Huminto kami sa paglalakad at tumitig sa tatlong magka hiwahiwalay na daanan.
"I think we should take this path" Suhesyon ni Jm habang nakaturo sa daan na nasa kaliwa.
"No, my gut tells me we should go this way." Ani ni Jake habang nakaturo sa kanang daan.
"San ba talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni Timothy habang palipat lipat ang tingin sa dalawang lalake na nagtatalo ngayon kung saan pupunta.
"Dito na tayo, nararamdaman kong dito na ang daan papunta sa siyudad" Wika muli ni Jm.
"Hindi, dito tayo sa kabila" Nakangusong saad ni Jake.
Mariin kong pinikit ang mata ko ng magsimula silang magdebate kung saan ba ang daanan.
"Seriously, kalahating oras na tayong nakatayo dito" Inis na bulalas ko. Tumigil and dalawa sa pag dedebate at tumingin sa akin.
They all looked at me.
"Why don't we take the center path then." Suhesyon ko.
Sumang ayon sa akin si Hugh at kinumbinsi ang mga iba na sa gitnang daan kami dadaan.
Isang oras din kaming naglakad ngunit dead end lang ang naabutan namin sa dulo.
"Tangina, isang oras na lakaran na naman pabalik sa ibang mga daanan" Mura ni Timothy. Katulad nito ay pagod narin kami.
"Pahinga na muna tayo" Wika ni Arjin at umupo sa kahoy na nandoon.
Pinalo ko sa braso si Jake ng pabiro gumanti ito sa akin at nag simulang mag sparring habang tumatawa.
BẠN ĐANG ĐỌC
Still With You
FanfictionAn unknown village was found by seven men while they're trying to find their way to the city. What will happen to this seven young man who got lost in this unknown village. Justin Hope who was searching for help inside the village met this mysteriou...