Hope
Hindi ko alam kung paanong kaming pito ngayon ay tahimik at mabilis na kumakain ng wala man lang gamit na kubyertos.
"Kanin pa?" Tanong ni Mimosa at inilapag ang isang pingan na gawa sa kahoy na may lamang kanin.
Nang mapadpad kaming muli dito sa nayon ay hindi na kami nag dalawang isip pa na pumunta sa bahay ni Mimosa dahil na rin sa pagod at gutom.
Mabuti nalang din ay may pagkain pa siya na para bang may bisita itong darating dahil sa dami ng mga niluto nito.
Hindi ko din alam kung saan ba niya nakukuha ang mga karne na niluluto nito dahil ang pagkaka alam ko ay walang palengke dito.
"May kailangan paba kayo?" Tanong nito. Nakangiti ito na para bang amused na amused sa amin.
"Mimosa, pahingi pa nga ng ulam" Halos hindi maintindihan na wika ni Timothy dahil sa kanin na nasa kanyang bibig.
Tumawa nalang si Mimosa dito at tumango. Walang nagsasalita sa amin habang kumakain na para bang isang malaking kasalanan pag nagsalita ka.
Nang matapos kami sa pagkain ay dumiretsyo kami sa likurang bahay ni Mimosa para makapag pahinga, sariwa ang hangin na malalanghap mo dito at napaka presko.
"Jake, ligo tayo sa ilog?" Dinig kong sigaw ni Timothy kay Jake.
"Gago tanong muna natin kay Mimosa kung pwede" Sagot ni Jake kay Timothy.
Sabay silang nagtungo sa babaeng naghuhuhas ngayon ng mga pinag kainan namin. Nag alok kaming kami na ang maghugas pero nagpumilit parin itong siya na.
Lumingon ito sa dalawang lalake at ngumiti. Pinapanood ko lang sila habang nag uusap.
Tila parang may kung anong tumama sa dibdib ko ng lumingon sa akin si Mimosa na may ngiti sa kanyang labi. Ang mga ngiti nito ay bumabagay sa ganda ng kanyang mukha.
Para bang sa isang ngiti niya lang ay malalaman mong isa siyang mabuting tao.
"HOPE" Halos mapatalon ako sa gulat ng biglang sumigaw si Jin.
"Gago kanina pa kita tinatanong kung maliligo kaba, nakatulala ka jan habang nakatingin kay Mimosa" Ani ni Jin sa akin. "Type mo?" Tanong nito na may kasama pang pagtaas ng kilay.
"Hindi no!" Singhal ko. Narinig ko naman siyang tumawa at iniling ang kanyang ulo.
"Naisip ko lang, kung paano siya napadpad dito at kung san siya nangaling" Pag depensa ko. Pero totoo din naman na iniisip ko iyon. Kami nga na isang araw palang dito ay malungkot na kami paano pa kaya siya na matagal na dito.
"Yan din ang iniisip ko, paano niya nakayanan mabuhay dito" Sang ayon nito.
Bumuntong hininga naman ito at tumayo. "Mamaya nalang natin siya kausapin, maliligo muna ako sa ilog sunog ka nalang" Wika nito at umalis.
Naiwan naman akong nakaupo doon at pinapanood ang papalayong si Jin. Nahagip din ng mata ko ang mahimbing na natutulog na si Hugh.
"Hindi ka maliligo?" Napalingon ako sa nagsalita at nakita si Mimosa na nakatayo sa tabi ko. Nakatingin ito sa mga kasama kong masayang naliligo ngayon sa ilog.
Tumawa ito habang nakatingin sa mga kasama ko. Lumingon ako sa kanila at nakita ko si Jm na mahigpit na nakayakap kay Jake.
Natawa nalang din ako sakanila habang tinutukso si Jm na pandak. Napayuwid naman ako ng upo ng maramdaman kong umupo sa tabi ko si Mimosa.
"Ilang buwan kana dito?" Pag basag ko sa katahimikan sa pagitan naming dalawa.
Tumingala ito at tila ba nag iisip. "Hmm. Mahigit anim na buwan na"
Why is she like that? She's still smiling despite of the circumstances she experienced.
Did she really gave up on finding her way out?
"Hindi kaba humanap ng paraan para makabalik sa siyudad?" I asked.
"Sumubok. Halos mamatay na nga ako sa gitna ng gubat dahil sa paghahanap ng daan. Mabuti nalang ay nakita ako ni Kapitan Ben.
"Sa Seoul ka rin ba nangaling?" Muli kong tanong sa kanya, sana lang ay hindi ito mainis sa akin.
Tumango ito sa akin. Hula ko ay marangya ang buhay nito sa siyudad dahil narin sa pananamit nito na may mga sikat na tatak.
"Pasensya kana sa mga tanong ko ah" Paghingi ko ng paumanhin.
Ngumiti ito ng matamis at umiling. "Ano kaba. Okay lang magtanong kalang kung may gusto kang malaman sasagutin ko hangat kaya ko"
Ngumiti na rin ako sa kanya dahil sa totoo lang ay nakakahawa ang ngiti niya.
"Ganun ba" Napakamot ako ng ulo at yumuko.
"Napaka payapa ng nayon na ito at sariwa ang hangin" Wika ko habang inililibot ang paningin sa paligid, lumanghap narin ako ng sariwang hangin, hindi mo mararanasan ito sa siyudad dahil narin sa polusyon.
"Tama ka. Kaya nga nagugustuhan ko na dito" Nakapikit nitong saad. Lumingon ako sa kanya ng may kuryosidad na ekspresyon.
"Mukha ngang masaya ka na dito. Ayaw mu na bang bumalik sa Seoul?" Napadilat ang mga mata niya sa tanong ko. Ang kaninang nakangiting mga labi nito ay biglang tumikom.
Narinig ko itong bumuntong hininga at pilit na ngumiting muli. "Gusto ko. Pero may parte sa akin na ayoko."
Tumitig lang ako sa kanyang mga mata. Mahina itong tumawa at yumuko.
"Ang gulo no? Pero kung tatanungin ako kung gusto ko na bang umalis dito ay hindi ang sagot ko. Noong una ay gustong gusto kong makabalik sa siyudad pero iba na ngayon mas malaki na ang kagustuhan kong manatili nalang dito kesa sa bumalik doon" Mahabang litanya nito.
"Iwan na muna kita" Tumayo ito at nagpaalam sa akin.
Naramdaman ko ang lungkot sa boses nito nakita ko din sa mga mata nito ang galit maging ang kanyang ngiti ay hindi totoo.
Bakit nga ba ayaw na niyang bumalik ng seoul? Did something happen?
Come to think of it. How did she got here? Isang tanong sa isipan ko ang gumugulo sa akin ngayon.
I want to know what happen to her. I want to know more about her.x
-
YOU ARE READING
Still With You
FanfictionAn unknown village was found by seven men while they're trying to find their way to the city. What will happen to this seven young man who got lost in this unknown village. Justin Hope who was searching for help inside the village met this mysteriou...