[Hikari]"Ganun na ba ako kadaling magtiwala?" Tanong ko sa sarili ko habang nakahiga gabi na kasi matutulog na dapat ako kaya lang di naman ako makatulog...
Ipinikit ko yung mata ko pero wala talaga, ayaw ako dalawin ng antok.
"Ano ba, matulog ka na nga!" Naiinis na sabi ko sa sarili ko tsaka ako pumukit ng madiin.
"ANO BA?! ANG INGAY INGAY MO MAY NATUTULOG DITO!" Galit na sigaw saakin ng Tita ko dahilan para mapapikit ako kaagad, naramdaman ko agad yung antok na kanina ko pa hinihintay, kailangan pa pala akong masigawan ng Tita ko bago ako dalawin ng antok.
_♤_♤_♤_
"Nakaluto ka na?!" Galit na tanong saakin ng Tita ko na halatang masama ang gising, umiling ako. "Nagsasaing palang po."
"Ano ba yan! Ang kupad mong kumilos na bata ka!" Sabi nya saakin, sabay hila sa buhok ko.
"A-aray tita yung buhok ko, masakit po..." nasasaktan kong sabi pero mas lalo nya lang hinila ito.
"Araw-araw nalang ganyan! Di ba sabi ko sa'yo agahan mo gising mo?! Pinag-aaral ka na nga namin sa mamahaling eskwelahan na yan tapos kukupad kupad kapang kumilos dyan!" Galit na sigaw nya malapit sa tainga ko kaya napapikit ako, "hala! Sige, magluto ka at wag kang sasabay saamin! Maglalaba ka pa! Hindi ka papasok hanggat di mo natatapos ang mga gawain mo." Sabi nya saakin na may halong inis sabay tulak tulak saakin dahilan para mapadikit yung braso ko sa may kaldero.
"Yan tanga." Napayuko nalang ako, sanay naman na ako sakanila eh. Umalis muna ako para ayusin ang mga lalabhan ko para nakababad na sya habang nagluluto ako.
"Ang sakit..." sabi ko ng mahina ng maramdaman ko yung hapdi nung pagkaka-paso sa braso ko, haay! Ang tanga ko naman kasi!
"Bagay lang yan sayo, tatamad tamad kasi..." napaangat ang ulo ko sa nagsalita at nakita ko yung pinsan ko na nakangisi.
"Pasensya na, tinanghali kasi ako ng gising masama kasi talaga pakiramdam ko." Paghingi ko ng tawad, pero inirapan nya lang ako. "Dami mong palusot ang sabihin mo tinatamad ka lang!" Sabi nya saakin habang naka turo saakin yung daliri nya.
"O ano yan?" Tanong saamin ni Tita nang madatnan nyang dinuduro ako ng anak nya na pinsan ko.
"Eh yan kasi ma! Gumagawa ng palusot para makatakas sa trabaho nya!" Pagsusumbong nya sa mama nya, tinignan ako ng masama ni Tita. "Hay naku! Wala na talagang maaasahan sa'yong bata ka! Tandaan mo, nakikitira ka lang dito at kami nagpapa-aral sayo kaya wag kang tatamad tamad." Sabi nya saakin na naiinis sabay alis kasama yung anak nya na dinilaan pa ako bago sya sumunod sa mama nya.
_♤_♤_♤_
[8:20 AM Takahasi University]
"Tsk, late nanaman ako!" Sabi ko habang tumatakbo papuntang roo, late ako ng isang subject at late na rin ako ng 20 minutes sa second!
"Sorry Ma'am I'm late!" Sigaw ko pagka-bukas na pagka-bukas ko ng pinto na nagpagulat sakanila.
"Miss Evangelista, ano bang nagyayari sa'yo? 3days straight ka nang late sa first at second subject mo, minsan naman pati sa 3rd subject mo late ka?" Tanong saakin nung Adviser namin kung alam nyo lang Ma'am.
"Ah....tinatanghali lang po ng gising Ma'am, promise po hindi na mauulit." Sabi ko nalang tumango sya saakin sabay pinapasok na ako sa room.
Buong klase di ako makapag-concentrate dahil sobrang sama ng pakiramdam ko hindi pa ako kumain ng umagahan kasi ayaw ako pakainin ni Tita, parusa daw nya saakin yun dahil sa katamaran ko.
"Class Dismissed, Miss Evangelista follow me, mag-uusap tayo." Narinig kong sabi ni Ma'am kaya kahit di na ako makatayo dahil sa hilong hilo na ako pinilit ko parin, kailangan kong kayanin, kailangan.
"Y-yes Ma'am." Nanghihina kong sabi kay Ma'am. Tumayo ako pero napaupo rin agad dahil pag tumatayo ako parang umiikot paningin ko, idagdag pa yung lalong pagsakit ng ulo ko.
"Are you okay Miss Evangelista?" Nag-aalalang tanong sakain ng Adviser namin.
"Huh? Y-yes Ma'am na out of balance lang po ako." Palusot ko, tumango nalabg sya saakin pero bakas sa mukha nya na hindi sya sangayon sa sinabi ko.
"Ma'am may meeting daw po ngayon na, dadating daw po kasi ang may-ari nitong school." Nagmamadaling balita ng Student Council President sa Adviser namin.
Dahil sa sinabi ng President maraming nakarinig at nagbulong bulungan. Bibihira lang kasing pumunta dito ang may-ari nitong school, pupunta lang sila rito kapag may importanteng sasabihin sa mga Teacher at meeting.
"O sige susunod nalang ako." Sabi saka ya ng adviser namin sabay tingin saakin. "Pumunta ka nalang sa faculty mamayang uwian, dun nalang tayo mag-usap." Tinanguan ko nalang ai Ma'am ng dahan dahan.
Nang makalayo na si Ma'am, tumayo na ako kahit hindi ko kaya, pupunta nalang siguro ako sa garden at tatambay sa favorite spot ko. Wala rin naman akong pambili ng pagkain dahil hindi ako binigyan.
Habang naglalakad ako ng dahan dahan papunta sa garden nakarinig ako ng tilian ng mga babae, narinig ko din kasi habang naglalakad ako na pupunta din yung model na anak ng isa sa bussiness partners at matalik na kaibigan ng mga Takahashi, ang mga Aoyama.
Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ko kahit para na akong zombie na naglalakad dahil sa sobrang hilo ko, nakagabay na nga yung kamay ko sa pader eh para hindi lang ako matumba.
Pero nanghihina na nga talaga siguro ako dahil napa-upo na ako sa sahig, buti nalang walang nakapansin kundi pagtatawanan nanaman nila ako. Sinubukan ko ulit tumayo na kinaya ko naman pero umiikot na talaga ang paningin ko kaya hindi ako makalakad sinandal ko muna yung braso ko sa may pader para hindi ako matumba, hindi ako pwedeng magkasakit magagalit saakin sila tita.
Sinimulan ko ulit maglakad pero bawat isang hakbang titigil ako, hanggang sa naramdaman kong medyo kaya ko na humiwalay ako sa pader at naglakad pero sa isip ko lang pala na maayos na pakiramdam ko dahil saktong pagkalayo ko sa pader dun na tuluyang umikot ang paningin ko at sumakit lalo ang ulo ko, napansin ko ring tumahimik yung mga babae na kanina lang eh nagtitilian.
Matutumba na dapat ako ng maramdaman kong may sumalo saakin.
_____
Ano kaya nangyari sakanya? Sino ba yung sumalo sakanya? Haha....
SEE YOU ON NEXT CHAPTER! ^_^
BINABASA MO ANG
Miss Invissible No More [Part II]
Short Story"Hey! You should respect her! kinakausap ka pa nya wag mo syang talikuran. Know your place bitch, she's the daughter of the owner of this school" "really? fine." humarap ako sakanya, sabay tingin dun sa babaeng nagsalita. "Happy? Can I go now? may p...