[Takahashi Auditorium 10:30 AM]
[Narrator]
"Nasaan na ba si Yoshihiro? 30 minutes late na sya" tanong ng di katandaang babae sa asawa nya. "Wala parin ba sya?" Medyo naiinis na sabi ni Nadehiko sa kanyang matalik na kaibigan, sanay na ito sakanya dahil papalit palit ito ng mood. Bipolar kumbaga.
"Pasensya na Nadehiko, lagot na talaga saakin ang batang iyon mamaya." Sabi ng di katandaang lalaki sa kaniyang kaibigan, mahahalata sa boses nito na naiinis na sya sa kanyang anak na na-late sa meeting.
"Anyway, simulan na natin ang meeting with or without him. Kayo nalang ang magsabi sa kanya." Sabi ng asawa ni Nadehiko na bumasag sa katahimikan, sumang-ayon ang mag-asawa na sila nalang ang magpapaliwag sa anak nilang si Yoshihiro tungkol sa meeting.
_♤_♤_♤_
Kasalukuyan namang kausap ni Yoshihiro ang school nurse kaugnay sa kalagayan ni Hikari. "Maayos naman na ang kalagayan nya, medyo bumaba na rin ang lagnat nya dahil sa pinainom kong gamot ng magising sya kailangan nya lang talaga magpahinga." Sabi nito at umalis na, tawagin nalang daw ito kapag may kailangan.
Pumasok si Yoshihiro sa kwarto kung saan nagpapahinga si Hikari, hindi nito alam kung bakit ang gaan-gaan ng loob nito sa babae marahil ay naaalala niya rito ang nawawala nyang matalik na kaibigan.
Tinignan nya kung maayos na ba talaga ang kalagayan ng dalaga at tsaka umalis na sya sa silid na iyon.
_♤_♤_♤_
[Hikari]
Nagising ako sa clinic na madakit ang ulo, sabi nung school nurse dinala raw ako nung model na Yoshihiro ang pangalan.
Nandito ako ngayon sa may garden papunta na dapat ako sa favorite spot ko ng makita ko sya--- si Jhay-Dhrick.
"Hikari!" Tawag nya nang makita nya ako, tumalikod na ako at maglalakad na sana papalayo ng bigla nyang hinawakan ang braso ko dahilan para mapatigil ako.
"Ano ba kailangan mo?" Sabi ko sakanya ng mahinahon. Ayoko kasi ng gulo.
"Gusto ko lang humngi ng tawad." Nainis ako sa sinabi nya kaya marahas kong tinanggal sa braso ko.
Hindi ko sya sinagot at umalis na, hindi ko pa kayang magpatawad. Lalo na at masakit saakin yung ginawa nya.
Naalala ko yung nagdala daw saakin sa clinic kailangan ko syang mahanap para makapag-pasalamat ako sakanya.
Pero paano ko nga ba sya makikita kung hindi ko alam itsura nya? Kahit na model sya hindi ko parin sya kilala.
Nakayuko ako habang naglalakad sa hallway hindi ko din alam kung saan ako dadalhin ng paa ko, hanggang sa may mabangga ako.
"Hey! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?! Look at my dress! Argh!" Napatingin ako sa damit nya, may mantsa ito ng juice.
"Sorry." Yun lang at umalis na ako sa harap nila ng biglang may humila ng buhok ko. "A-aray!" Hiyaw ko dahil sa sakit. Napatumba ako dahil sa paghila sa buhok ko.
"Buti sana kung maibabalik pa ng sorry mo sa dati yung damit kong namantsahan! Eh hindi eh!" Sabi nya na nanggagalaiti sa galit, dahil lang sa namantsahang damit nagalit na sya saakin. Tsk. Di pa ako nasanay lagi namang mainit ang dugo nyan saakin eh!
"Nag-sorry na ako ano pa bang ipinuputok ng butsi mo?!" Naiinis kong sigaw sakanya naiinis na nga ako kanina dinagdagan pa nila ngayon.
"Aba't sumasagot ka na ngayon ah!" Sabi nya at hinila ang buhok ko mula sa likod habang yung mga kasama nya sinasabunutan din ako meron pa ngang kumakalmot saakin eh.
"HEY! GIRLS WHAT THE FUCK ARE YOU DOING?!" May biglang sumigaw na lalaki na nagpatigil sakanila sa pagsabunot at pagkalmot saakin.
"Y-Yoshi, Kasalanan nya! Sya nagumpisa gumanti lang kami." Pagdedepensa nila sa sarili nila, nilapitan ako nung Yoshi atsaka tinulungan akong tumayo.
"Stop calling me that name! BAKA!" Iritang sigaw nya sakanila, napatingin sya saakin. "Are you okay Yu---Miss?" Nagaalalang tanong nya saakin, tumango nalang ako dahil hindi ako makapag-salita, after shock kumbaga.
{Translator Note : 'Baka' is 'Stupid/Idiot' in English...}
Dinala nya ako sa sasakyan nya nandun daw kasi yung First Aid Kit nya, tumangi ako pero mapilit sya kaya napilitan akong sumama sakanya, harmless naman siguro sya diba?
"S-salamat." Nakayuko kong pasasalamt sakanya, nahihiya kasi ako...ewan ko kung bakit (?)
Nginitian nya ako atsaka nagsalita. "Your welcome. Ano ba nangyari at pinagtutulungan ka ng mga yun?"
"Nabangga ko kasi yung isa sakanila atsaka natapon sa damit nya yung juice na iniinom nya, nag-sorry naman na ako pero pinagtulungan parin nila ako." Pagsagot ko sa tanong nya, tumango sya saakin atsaka ginamot yung sugat ko sa pisngi.
"Ang o-OA naman nila para damit lang ganun na makareact. Tsk tsk...Girls." sabi nya saakin ng pailing iling pa.
Medyo nadiinan nya yung paggagamot bya sa sugat ko sa pisngi dahilan para mapa-aray ako. "A-aray!"
"Gomenasai..." napatingin ako sakanya na naguguluhan, mukhang nakuha naman nya yung ibig kong sabihin kaya nagsalita ulit sya. "Uhmm...I mean sorry..."
"Japanese ka?" Maang na tanong ko sakanya.
"Uhm...yeah, why?"
"Wala lang..." tumango nalang sya atsaka tinuloy ang paggagamot sa mga sugat ko.
Mga ilang minutong walang nagsasalita saamin nakatuon kasi yung paggagamot nya sa mga sugat ko sa braso habang ako pinapanuod lang sya.
"Uhmm....ano pangalan mo?" Tanong ko sakanya pampabasag lang ng katahimikan, naa-awkward-an ako sa atmostphere eh...
"Yoshihiro....Yoshihiro Aoyama."
"Aah...okay."
Ang awkward nanaman. Teka...Yoshihiro? Yung sinabi nung nurse na nagdala daw saakin sa clinic? "Uhmm....i-ikaw ba yung nagdala saakin sa clinic?" Nahihiya kong tanong, baka kasi hindi sya yun at kapangalan nya lang.
"Yeah."
"Thank you." Pasasalamt ko ulit sakanya at ayun tumango nanaman sya, ano bang magandang topic? Promise ang awkward nanaman.
"Uhmm...Yoshihiro?"
"Yeah?" Napatingin sya saakin, kasalukuyan kasing nilalagyan nya ng betadine yung iba kong sugat.
"Salamat ng marami."
____
Wala lang gusto ko lang i-tag mga fwends ko :3
^____^v
Hahaha..
Hope you like this chapter!
GoodEvening...
DUKITEISHI111
BINABASA MO ANG
Miss Invissible No More [Part II]
Short Story"Hey! You should respect her! kinakausap ka pa nya wag mo syang talikuran. Know your place bitch, she's the daughter of the owner of this school" "really? fine." humarap ako sakanya, sabay tingin dun sa babaeng nagsalita. "Happy? Can I go now? may p...