[Ld Li]
"Your hopeless, nasa huli ang pagsisisi Jaz-Mhine..." sabi ko habang nakatingin na parang naaawa sakanya. Maya maya pa nagpaalam na ako dahil magrereview pa ako sa room.
Sa totoo lang naaawa talaga ako sakanya, naaawa rin naman ako sa kapatid nya. May mali sya at may mali rin ang mga magulang nya, mas binigyan nila ng pansin yung nakababatang kapatid ni Jaz-Mhine, so ang lumabas na ichapwera si Jaz-Mhine sa mga magulang nya. Mas binigyan nila ng pansin at pag-aaruga yung nakababatang kapatid nya.
At the same time, may mali rin si Jaz-Mhine, winala nya yung kapatid nya nung binisita nila yung mayordoma nila sa bahay nito dahil may sakit. Asawa kasi ng mangingisda yung mayordoma nila kaya malapit sa dagat ang bahay ng mayor doma nila.
Natigil ako sa pagmumuni-muni ng biglang binalibag nung isa kong kaklase yung pinto. Haist! Kahit kailan talaga ang gugulo nila.
"Magtigil nga kayo!" Sigaw nung president namin sa harap tinignan nya ng masama yung mga boys na magugulo pero dahil nga magugulo sila nagsigawan pa sila.
Hindi na ako makapagpigil kaya tumayo ako sa upuan at sumigaw. "WILL YOU SHUT THE FUCK UP?!" Napahinto sila sa sigaw ko, minsan lang kasi ako magsalita at alam nila ang ugali ko na kinatatakutan nila.
Tumingin saakin yung President at ngumiti. "Thanks Ld." Tinignan ko lang sya na naiinis at umupo na ulit. Sakto nanan na dumating yung teacher namin.
"Are you ready for your quiz?" Bungad agad saamin nung Math Teacher namin.
___
nakatayo ako sa may waiting shed sa school habang hinihintay yung service ko, nang biglang may kumalabit saakin. "O, bakit Jax?" Tanong ko dun sa President namin nginitian nya lang ako atsaka tinaas yung libro nang Math. " nakalimutan mo, buti nalang nakita ko." Nginitian ko sya at ganun din naman sya. "Ganun ba? Thanks."
"Hinihintay mo ba service mo?" Biglang tanong nya saakin napatingin ako sakanya. "Hmm...oo bakit?"
"Ah...sabay ka na saakin?" Tanong nya saakin habang namumula yung tainga nya at nakatingin sa malayo. "Eh? Paano yung service ko?" Napatingin sya saakin at nginitian ako ng malapad. "Kaka-text ko lang sakanya, sabi ko saakin ka na sumabay."
"San mo nakuha number nya?" Tanong ko.
"Secret." Sagot nya habang nakangiti ng malapad.
"Sabay ka na!" Sabi nya habang hinihila ako hindi na ako pumalag pa dahil wala naman na akong masasakyan dahil nagpaalam na sya kay manong na sya na maghahatid saakin.
"Hoy, papunta sa park 'to aah!" Napatingin sya saakin pero saglit lang at bumalik na sa dinadaanan namin habang nakangiti. "Gala muna tayo."
"May curfew kaya ako!" Nginitian nya lang ako atsaka hinila papasok ng park. "Mamayang 10pm pa ang curfew mo, anong oras palang o! 5:10pm" paano nya nalaman ang oras ng curfew ko?
"Stalker kita 'no?" Mapang-asar na tanong ko sakanya ng makaupo na kami malapit sa pond.
"H-hindi ah!" Namula yung tainga nya at di makatingin ng diretso saakin. "Ahm...bili lang ako ng makakain natin." Hindi pa ako nakakapagsalita ng bigla syang umalis habang namumula parin. An'yare dun?
Pagkabalik nya may dala na syang pagkain at talagang puro favorite ko pa ang binili nya. "Waah~ cotton candy!" Parang bata na sigaw ko habang inaabot yung cotton candy.
Ng maka-upo na sya, nilabas ko yung cellphone ko at binuksan yung camera. Hindi ako gumagamit ng camera 360 nakakatamad mag download eh. "Selfie tayo." Sabi ko at lumapit na sakanya, bigla naman syang namula. "Eh? Bakit?"
"Wala, sige na selfie na tayo." Sabi nya nang namumula parin.
Ng magsawa na kaming mag-selfie medyo lumayo na ako sakanya, nawala na rin yung pamumula ng tainga nya. "Tara na, 9:30 na o!" Pagyayaya ko sakanya at nauna nang maglakad papuntang kotse nya.
"Ld li...." napatingin ako sakanya.
"Hmm, bakit?" Tanong ko, napailing sya na parang sinasabing wala lang. "Asdhg asghf you...." bulong nya pero hindi ko masyadong narinig at yung 'you' lang ang narinig ko. Ang gulo ko 'no?
"Thank you Jax! Sa uulitin!"
"Sige, Ingat, Sweetdreams, Goodnight."
"Goodnight din, ingat sa pagmamaneho loko ka!" Paalam ko habang kumakaway, ng hindi ko na makita yung kotse nya pumasok na ako sa loob ng bahay. An'saya ko ngayon!
____
[4:00am][Hikari]
Nagising ako sa tunog ng alarm ng cellphone ko kinapa kapa ko ito sa gilid para patayin yung alarm baka kasi magising sila Tita eh.
Nagtoothbrush na ako at bumaba sa para pumunta sa kusina para makapagluto ng umagahan. Habang nagluluto ako naglilinis na rin ako ng bahay para mabilis akong matapos sa mga gawain at para hindi na ako ma-late.
Paglatapos kong magluto at maglinis naligo na ako at nagbihis ng pang-pasok, tinignan ko yung oras sa cellphone ko. 6:30am na pala, ang bilis talaga ng oras.
Hindi na rin ako nakakain ng umagahan, baka kasi ma-late ako kapag kumain pa ako. Naglalakad lang kasi ako papasok hindi kasi ako binibigyan ni Tita ng baon.
"O! Himala! Maaga ka yatang pumasok ngayon?" Sigaw nung kaklase ko pagkapasok na pagkapasok ko sa classroom hindi ko nalang sila pinansin at dumiretso na ako sa upuan ko. Inaantok pa ako.
"Good Morning Class!" Naalimpungatan ako nang marinig ko yung teacher namin. Napatingin ako sa wallclock at nakitang 7:01 na pala, saglit lang din ang tulog ko.
Pagkatapos ng 3rd subject ay vacant na namin, kaya pumunta ako sa garden magbabasa muna ako ng libro ni Jack London, sya yung 3rd favorite Author ko.
Nakayuko lang ako habang naglalakad ng may mabangga ako. "Sorry po." Paghingi ko ng tawad at lumuhod para kunin yung mga gamit ko lumuhod din sya para kunin yung mga gamit ko na nahulog kaya napatingin ako. "Naku, ayos lang hija" Literal na napanganga ako, ang ganda nya kasi tsaka first time na may tumulong saakin!
"Salamat po." Sabi ko habang nakayuko. "Your welcome! Chin up, ang ganda mo pa naman kahit may salamin ka." Napaangat ako ng tingin at nakita ko syang nakangiti saakin.
"Ah! Sige hija mauuna na ako at may meeting pa eh." Pagpapaalam nya saakin bineso nya ako atsaka nagpaalam na.
Maglalakad na sana ako ng may mapansin ako na parang card, nahulog siguro ito nung babae kanina nung nabangga ko sya, binasa ko yung mga nakalagay sa card at ang nakakuha ng pansin ko ay yung pangalan nya.
Nadeshiko Takahashi
BINABASA MO ANG
Miss Invissible No More [Part II]
Proză scurtă"Hey! You should respect her! kinakausap ka pa nya wag mo syang talikuran. Know your place bitch, she's the daughter of the owner of this school" "really? fine." humarap ako sakanya, sabay tingin dun sa babaeng nagsalita. "Happy? Can I go now? may p...