IX

17 2 0
                                    

[Nadeshiko]

"Goodmorning Mom....Si dad?" Tanong ni Jhaz-Mhine sa akin.

Hindi ko pwedeng sabihin sakanya na pinagpapatuloy namin ang paghahanap sa nawawalang kapatid nya.

Alam kong magseselos sya at iisiping mas mahal namin. Alam kong may pagkukulang ako kay Jhaz-Mhine at sobra akong naiinis sa sarili ko dahil hindi ko sya nabibigyan ng oras.

"Jhaz-Mhine, anak, may gagawin ka ba mamaya?" napatigil sya sa pagsubo ng pagkain dahil sa tanong ko, ngumiti sya ng bahagya at umiling.

"Wala naman masyado, bakit?"

"Samahan mo sana akong pumunta ng mall mamaya, kung ayaw mo naman okay lang," nakangiti kong sabi sakanya, mukha naman syang nagulat sa sinabi ko pero nakabawi din agad.

"Oh uhm...sige."

_♤_♤_♤

[6:45 A.M]

[Jhaz-Mhine]

"Oh uhm...sige." pagpayag ko sa pagaaya ni Mom saakin, sa wakas! Naisipan nya ring makipag-bonding saakin!

Ang saya ko! Bonding with my Mom...sana nandito rin si Dad.

Pagkatapos kong kumain ng breakfast ay dali dali akong pumasok sa kwarto ko at naghanda na para sa pagalis.

Sa sobrang excited ko, hindi ko na alam yung mga pinagkukukuha kong damit sa closet ko basta hila nalang ako ng kung ano.

Pagkatapos kong magbihis at magsuklay bumaba na ako kaagad at nandun narin si Mom na naghihintay saakin.

"Simple natin ngayon ah!" Masayang pahayag ni Mom saakin habang pinapasadahan nya ako ng tingin.

Naisipan naming pumunta sa Botique sa Mall at mamili ng mga damit nang matapos ay bumalik kami sa kotse para ilagay yung mga pinamili namin, sunod ay nanuod kami ng movie, bumili ng mga sapatos at nag grocery.

Hapon na ng makauwi kami sa bahay, dire-diretso ako sa kwarto ko pagkatapos ayusin yung pinamili at magluto ng dinner kasama si Mom.

Tinawagan narin ni Mom si Dad para sabay sabay na kaming kumain.

Pagkababa ko ko sa first floor ng bahay ay wala doon sila Mom at Dad, nalungkot naman ako at magtatampo na sana sa kanila ng lumapit yung katulong namin saakin ng makita akong paakyat na sana sa kwarto ko.

"Ma'am kung hinahanap nyo po sila Ser andun po sila sa Movie House nyo po, pinapasabi po nila na pumunta daw po kayo dun at dun kayo magdi-dinner habang nagmo-movie marathon." Mahabang lintanya nya saakin, sa sobrang saya ko ay hindi ko na napansing nginitian ko yung katulong at excited na lumabas nagulat pa nga sya sa inakto ko eh.

"Akala ko umalis nanaman kayo at mag-isa nanaman akong magdi-dinner," reklamo ko sakanila ng mapasok na ako sa movie house, hindi magkadugtong yung movie house at yung bahay namin, nasa likod ng bahay itong movie house kung titignan mo sa labas, mukha lang syang garahe.

Nang makita nila akong dalawa ay parehas silang ngumiti saakin at hinila para yakapin.

"I missed you both!"

Miss Invissible No More [Part II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon