[Jaz-Mhine]
"Argh! Nakakainis na sya!" Sigaw ko sa galit habang pabalik-balik na naglalakad.
"Sino na naman 'yan?" Tanong saakin ni Ld Li, oo si Ld Li. Hm! Bayaan mo sya!
"Wala kang pake!" Galit na sigaw ko sakanya, inirapan nya lang ako.
"Bestfriend kita,at may pake ako! Si Hikari nanaman iyan 'no?" Inirapan ko sya dahil sa sinabi nya, narinig ko nanaman ang pangalan ng babaeng iyon!
"Alam mo naman na pala nagtatanong ka pa? Tanga lang?" Binatukan nya ako dahil sa sinabi ko. "Hindi. Naninigurado lang ako kung sya nga."
"Ano ba kasing nangyari? At kung maka-panic ka wagas?" Dagdag nya pa.
"Nagkita na sila ni Mommy! Nakakainis! Paano kung malaman ni mommy na sya yung---" naputol ang sasabihin ko nang biglang pumasok si Yaya.
"Ma'am eto na po yung miryenda ninyo." Inirapan ko yung yaya namin atsaka pasigaw ko syang pinaalis, nakayuko sya habang mabilis na lumabas ng kwarto ko.
"Bwisit. Bad timing yung babaeng 'yun!" Naiinis kong sabi, kinuha ko yung isang baso ng juice at ininom ito.
"Maging mabait ka nga sakanila!" Napairap ako sa kawalan ng marinig ko yung sinabi nya.
"At bakit aber? Katulong lang sila rito."
"Pero tao parin sila! Sayo kaya gawin 'yan?" Naiinis na sabi nya saakin habang galit na nakatingin saakin.
"Hinding-hindi mangyayari 'yon."
"Kala mo lang 'yon, wag kang pasisigurado." Tumayo sya atsaka lumabas ng kwarto ko. Hindi manlang nagpaalam ang gaga. Bahala sya sa buhay nya!
"Aaah!! Nakakainis talaga!" Sigaw ko habang nakatakip ang unan sa mukha ko.
___
[Takahashi University 11:11 am][Yoshihiro]
"Yoshihiro Aoyama." Pagpapakilala ko sa harap habang nakangiti ng malawak at nakatingin sa isang direksyon. Kay Hikari.
'Di ko alam pero.....natamaan na yata ako sa babaeng ito.
"Uupo na ako Ma'am ah!" Paalam ko sa Teacher namin, may nakita kasi akong bakante malapit sakanya. O sige na! Katabi nya!
Tumango lang saakin si Teacher. "Yey! Arigatou." Masiglang sabi ko atsaka nag-bow.
Habang naglalakad ako papalapit sakanya maraming nagaalok ng upuan sa tabi nila. Mga babae talaga! "Sorry girls but I found where I want to sit." Nakangiti kong sabi sakanila. Lumukot ang mga mukha nila at masamang nakatingin ka Hikari nakita kasi nilang papalapit ako sa pwesto nya. Sa likod.
"Hey, whats up?" Napatingin sya saakin na gulat ang ekspresyon.
"Y-Yoshi?" Gulat na tanong nya saakin, maski ako nagulat, sya lang ang tumawag saakin ng Yoshi. Sige na, sya yung pangalawa. Pero hindi ako nagagalit wala akong naramdamang galit kundi.....saya?
"Huh? M-may problema ba?" Tanong nya ulit na nagtataka.
"Ah...wala, sabay tayo mamayang break?" Tumango nalang sya at nakinig na sa Teacher.
Nakakatamad naman, tinatamad ako makinig sa Teacher sa harap kaya tumingin ako sa gilid ko, kay Hikari. Napatingin sya saakin pero nag-iwas rin agad.
"Mag-review kayo sa calculus...
May quiz kayo bukas." Yun lang at nagpaalam na si Ma'am, Nakakatamad mag review.Tumayo na ako sa upuan, kinuha ang bag ko atsaka nagmamadaling lumabas, nauna na kasi si Hikari. Iniwan ako.
BINABASA MO ANG
Miss Invissible No More [Part II]
Short Story"Hey! You should respect her! kinakausap ka pa nya wag mo syang talikuran. Know your place bitch, she's the daughter of the owner of this school" "really? fine." humarap ako sakanya, sabay tingin dun sa babaeng nagsalita. "Happy? Can I go now? may p...