V

79 5 0
                                    

[Jaz-Mhine]

Kasalukuyan akong nakakulong sa kwarto ko ngayon dahil nandito sila Mom at Dad, tiyak na si Yukina nanaman ang bukambibig nila kapag bumaba ako duon.

Lagi nalang sya, pati kapag nagbo-bonding kaming tatlo iniisip parin nila sya kaya hindi ko nae-enjoy.

Simula pagkabata ko lagi nalang sya ang priority, lagi nalang Yukina, Yukina, Yukina. Paano naman ako? Lahat ng ginagawa nya tama sa paningin nila, samantalang ako puros mali.

Kapag sya humiling ibibigay agad. Samantalang ako, kapag ako yung humiling hindi nila sinusunod lagi nalang nilang sinasabi na next time nalang.

Nung mga panahong nawala na sya, ang akala ko mabibigyan na nila ng pansin yung existence ko, pero nagkamali pala ako. Sya parin yung hinahanap nila kahit na nasa tabi naman nila ako. Sya parin kahit na wala naman sya...

Ginawa ko lahat para mapansin nila ako, ginalingan ko sa klase. Nagfi-first honor ako, pero hindi nila ako pinapansin mas tutok sila sa trabaho simula nung nawala sya. Hindi manlang nila inisip na meron pa silang isang anak na kailangan ng kalinga nila.

Nung Recognition ko nung grade 6 ako nag valedictorian ako nun, dun lang nila ako pinansin nag-promise sila saakin na dalawa silang aakyat ng stage para sabitan ako ng medal. Pero nung araw na nang Recognition, ni isa sakanila wala akong naaninag mag-isa akong umakyat ng stage nun, ni ngumiti nga sa camera hindi ko magawa. Naghintay lang ako sa wala.

Nung singging contest naman nun nung highschool ako, nagpromise ulit sila saakin sabi nila, saakin daw muna ang time nila at hindi muna sa trabaho. Laking tuwa ko nung dumating sila sa contest, pero nung nasa kalagitnaan na ako nung kanta nawala ako sa focus, tumayo kasi nun si Dad at sinagot yung tawag nya. Bussiness. Pinagpatuloy ko ang pagkanta nun dahil okay lang nandyan pa naman si Mom, pero nung pagkatingin ko sa upuan nila wala na rin sya duon.

Hindi ako nakakanta ng maayos nun at pinagtawanan pa ako ng mga ka-schoolmate ko. Nung time na nakauwi ako sa bahay tinanong ko si Manang kung nasaan sila Mom at Dad, sabi nya tumawag daw sila bago ako dumating hindi daw sila makakauwi kasi may biglaang meeting sa company.

Iyak ako ng iyak sa kwarto ko nun, hindi rin ako lumabas at pumasok ng isang linggo, nakakulong lang ako sa kwarto ko dinadalhan lang ako ni manang ng pagkain.

Nung mga panahong down na down ako at nawalan ng kumpyansa sa sarili walang nagpagaan ng loob ko, dinala ko lahat yung sakit physically and emotionally dahil bunubully rin ako nuon sa school.

Duon ko ipinangako sa sarili kong magbabago na ako, hinding-hindi na ako iiyak. Nuong araw rin na iyon ipinangako ko sa sarili kong gagawin ko ang lahat hindi lang sya makita nila Mom at Dad.

Sisiguraduhin kong hinding hindi sila magkikita.

_♤_♤_♤_
[Takahashi University 12:12pm]

Vacant namin ngayon kaya naka-tambay kami ng Bestfriend ko sa Canteen.

"Best, bakit ba kasi hindi ka nalang maging mabait sakanya? Makipag friends ka." Napairap ako sa sinabi nya, sya nga yung nawawala--winala kong kapatid tapos makikipagkaibigan ako sakanya?! Kaya ko nga sya winala kasi akala ko kapag nawala na sya mapapansin na ako nila Mom at Dad.

"Ayoko nga, ayoko syang mapalapit sa mga magulang namin este KO...mga magulang KO, ayoko syang maging kaibigan." Binatukan nya ako. "Para saan yun?!" Inis na sigaw ko sakanya, inirapan nya lang ako atsaka umiling.

"Tanga ka ba?! Kahit anong gawin mong paglalayo sakanya sa mga magulang mo--- I mean NYO magkakalapit at magkakalapit parin sila, at hindi mo mapipigilan si Tadhana na gawin iyon. Wala kang magagawa, kahit maghirap ka pa sa paglalayo sakanya, magkikita't makikita parin sila...sinadya man o hindi sinasadya." mahabang paliwanag nya, whatever kahit sino pa ang kakalabanin ko wala akong pake, hindi nila ako ako mapipigilan walang makakapigil saakin...wala at kapag sinabi kong wala. Wala talaga.

"Whatever you say, walang makakapigil saakin kahit na si Tadhana pa o kung sino man." Sabi ko sabay inirapan sya inirapan nya din ako habang nakatingin saakin na parang naaawa sya.

"You're hopeless. Nasa huli ang pagsisisi, Jaz-Mhine." Sabi nya habang ina-ayos ang gamit nya atsaka tumayo para umalis. "Una na ako, magre-review pa ako sa room." Tinanguan ko nalang sya nawala ako sa mood sa sinabi nya.

Minsan iniisip ko kung bestfriend ko ba talaga sya, kasi kung bestfriend ko sya maiintindihan nya ako. Oh well, wala na akong pake sakanya mukhang hindi naman talaga kami bestfriend at naggagamitan lang kami dito para sa own benefits namin.

Nag-stay pa ako sa canteen ng ilang minutes, saktong papunta na ako sa room tumunog yung bell. Nakakatamad ng mag-aral. Tsk.

---

Miss Invissible No More [Part II]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon