Savannah's pov...
Kringgg... Kringgg... Kringgg...
Ilang beses ko na bang idenial ang landline namin pero bakit wala pa ring sumasagot. Haist, I hate this! Nasaan na ba ang mga p*nyetang taong 'yun? I almost throw the telephone sa inis ko pero huminga ako ng ilang beses at saglit na pumikit.
"Savannah, Savannah..." anas ko as I am trying to calm down. Nang ok na ulit ang pakiramdam ko ay nagdial ulit ako hanggang sa mapataas ang kilay ko, sa wakas. "Unde ești?!" (Nasaan ba kayo?!) bulalas ko pa rin kahit na pinipigilan ko ang inis ko.
Ako 'yung taong ayaw na ayaw maghintay pero ano'ng nangyayari sa akin ngayon?
"Ne pare rău ra Savannah, în sala de sora... fără tine aici papa." (Sorry Miss Savannah, nasa kwarto po kasi ako ng kapatid niyo... wala ho rito ang papa niyo.) nag-aalangan nitong sagot pero napunta na ang atensyon ko sa sinabi niya.
"De ce ce sa întâmplat cu el?" (Bakit anong nangyari sa kanya?) 'di ko maitago ang pag-alala ko sa kanya. Simula nang magkasama kami ay wala na akong hinangad kundi' ang kalagayan niya. "Unde pot obține tata, de ce a făcut-o lase în pace?" (Saan ba pumunta si papa, bakit niya iniiwan 'yan ng mag-isa?) napakunot noo na naman ako nang maisip ko ang magaling naming ama.
Eversince malayo na ang loob ko sa matandang 'yun. Wala nang ginawa 'yun sa buong buhay niya kundi' mamuno sa isang walang kwentang Satanism.
"El sa întâlnit Dr. ho Agustin rupt ho brut pe drum." (Sinundo ho niya si Dr. Agustin, nasiraan ho raw sa daan.)
Pagkarinig ko sa sinabi ng katulong ay bahagyang nawala ang pag-alala ko. Bumuntong hininga ako at inayos ang boses ko.
"Sige, just tell to them na nakarating na ako rito two days ago pa." bilin ko kay Antonia at ibinaba na ang telephone.
Hindi na ako nagromanian, alam ko naman na nakuha niya ang sinabi ko kahit 'di siya gaanong nakakaintindi ng English lalo na ang tagalog.
Muli kong sinulyapan ang pinapanuod kong Dark Shadows habang napasandal ako sa inuupuan kong rocking chair. Nakatitig lamang ako sa pinapanuod ko pero iba ang tumatakbo sa isipan ko. Napabuntong hininga na naman ako at kinapa ang long neck wine glass na kanina ko pa sinasalinan nang nabili kong Margeux.
Hemmm, how I ended up here?
Tanong ko sa kawalan at 'di ko sinasadyang pagmasdan ang buong paligid. Napaka-old fashion nang ambiance ng bahay na'to. Well 'di na ako magtataka dahil sariling design ni Martina ang lahat ng 'to. My greatest step mom' who ruined my world. Sinira ba niya ang buhay ko or ako lamang ang 'di tumatanggap sa kanya as family member lalong lalo na ang maging ina ko.
I grinned for the thought na magiging ina ko siya. No, never... wala nang makakapalit kay Mommy Aurora ko. And kahit wala na siya, kahit 'di ko na siya nakakapiling ay nasa puso ko pa rin ang lahat ng memories namin.
Bahala na if kontrabida ang labas ko sa new family ni daddy. In other side naman ay magkasundo kami ni Stella, my stepsister. And that's why I'm here at her hometown para hanapin ang gamot sa kanyang sakit.
Napa-upo ako nang maayos at naibaba ko ang magkabila kong paa na nakapatong sa center table. Agad kong binuksan ang envelop at isa-isang inilabas ang tatlong pictures ng batang lalaki na nakuha ko sa Maguellas City Academy. What's in the hell bakit tatlo pa ang nagngangalang Abraham?
BINABASA MO ANG
BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng Busaw
Horror. . Kilalanin natin si Abraham, ang isa sa kambal ng mag-asawang Manuel at Elvira (from the Busaw Series, Busaw 1: Busaw, Unang Pagsibol). Kasing lakas siya ng kanyang mga magulang, kasing-makapangyarihan pero sa pag-ibig ba'y kasing tapang rin nila...