Kabanata- 9.

4.1K 144 6
                                    

(Sa mga nagko-comments, sorry guys hindi ako makacomment eh, need pang mag-log in ako sa cp. Shomai! 'alang ''iyang account 'to.)



Savannah's pov...

"Maghubad ka, kailangan nating umalis rito kundi' katapusan na ng buhay mo..." aniya sa paos na boses.

The f*ck with this monster, halimaw na nga pero kung anu-ano pa'ng pumapasok sa isipan.

Ano ang connected nang paghuhubad sa pag-alis namin?

Kaya hindi man lang ako kumilos. Nakatingala lamang ako sa kanya at pilit tinitignan ang kabuuan niya ngayon. I can't believe it, first time na makakakita ako ng ganito. Half human half monster ba ang tawag sa kanila? 'O ito na nga ang tinatawag na aswang?

Haist... hell! Hindi ko alam!

Just one thing I know and definitely sure for it, hindi ako nakakaramdam ng takot sa kanya. Dahil siguro mas iniisip ng utak ko ang dati niyang mukha, ang malalalim niyang titig lalo na ang ngiting minsan ko lang nakita sa kanya.

"Hubad..." anas niya at mabilis nang lumapit sa akin sabay hawak sa kamay ko.

Doon lang ako parang natauhan at nagsimula na akong makaramdam ng kaba at pagkalito.

"Huh, come again?" tanong ko sa kanya at agad na nabawi ang kamay ko. Hindi ko alam kung nandidiri ba ako sa makapal niyang balahibo o sa nakakatakot niyang mukha? "Maghuhubad ako... you mean as in wala akong ititira?"

Nakita ko siyang mabilis na tumango at muling tumingala sa kisame. Wala na ang mga lagabog na narinig namin kanina pero bakit nakakaramdam naman ako ngayon ng panlalamig. Parang may mga aninong lumilitaw sa madilim na paligid pero agad rin namang nawawala.

Muli ko siyang sinulyapan at tahimik nang tumalikod, nagsimula na nga akong maghubad. Hindi ko alam kung bakit sumusunod ako sa gusto niyang mangyari, ang gusto ko lang naman ay mangyari ang sinasabi niyang "pag-alis namin".

Alam kong may something sa pagkatao niya pero 'di ko iniexpect na ganito ang malalaman ko. All my life eh ngayon lang ako nakakita ng kakaibang nilalang.

Well, lately ko nang nalaman at nakilala kung sino ang hinahanap ko. Sa tulong ni Vods, ang ipinadala ni daddy ay na-identify na nga namin ang Abraham na hinahanap ko. Walang iba kundi' siya nga, si Abraham San Amorsolo.

Pumikit ako at huminga nang malalim saka dahan-dahang humarap sa kanya pero napalinga-linga ako nang makitang wala na siya sa harapan ko.

"Where the hell he goes...?" anas ko at kahit natatakot man ay pinilit kong maglakad para abutin ang switch ng ilaw. Pero 'di pa man ako nakakalapit napabulalas ako nang may humila sa akin. "Ugh Ay!" pinilit kong magsalita pero lalo lamang niyang idiniin ang kamay sa bibig ko.

"Sabi ko maghubad ka... bakit may itinira ka pang saplot sa katawan mo?" paanas niyang tanong sabay hila sa akin papuntang kusina.

Halos makaladkad ako dahil kulang na lang ay buhatin niya ako sa paglalakad namin. Pagsapit namin sa isang sulok ay nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang hilahin ang bra ko pati na ang panty ko at nagpumiglas na ako nang maramdamang kinakapa na niya ngayon ang kwentas na ibinigay pa ni lolo.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon