Kabanata- 11.

4.5K 156 4
                                    

"Singit Note"

LORENZO, Ang Pagdayo (before: Her Chosen Destiny), may possibility hong maging book rin at if final na ang announcement. May revisions hong mangyayari sa BOOK 2 (Lorenzo at Agatha's own story) ng Busaw Series. Available na in all "bookstores" nationwide, KABIT and BUSAW, Unang Pagsibol.

"Totoo ba ang lahat nang sinasabi ng kapatid mo Abraham?" malumanay na tanong ni ama sa akin habang tahimik na nakatingin sa akin ang buong pamilya ko.

Si Amang Amorsolo ay nakaupo sa kanyang upuan at nakikinig lamang sa simula. Sina ina naman at Althea ay magkatabing nakaupo paharap sa akin habang si ama ay nakasandal lang sa bintana.

Hindi ko napigilan ay nagsumbong na nga ang kapatid ko.

Tahimik akong tumango at tiningala si amang nakatingin lang din sa akin.

"Maaari na ba akong magsalita ngayon ama?" magalang kong tanong sa kanya at nang tumango naman siya'y marahan akong umupo nang maayos at sumandal rin sa kawayang upuan. "Kung naaalala mo ina, may kaklase ako noon na naging matalik kong kaibigan... si Grace." simula ko at tinignan siya. "Siya 'yung batang nakakita sa totoo kong itsura."

Napatangu-tango si Inang Elvira at marahang humiwalay sa pagkakayakap kay Althea.

"Ibig sabihin ang pagbabalik niyang ito dito'y may kinalaman sa mga estrangherong nilalang?" tanong niya sa akin at tiningala si ama. "Balak ko na kasi 'yang hanapin para 'di na maging problema pa pero sa mga oras na 'yun, ayaw mo naman akong bitiwan mahal ko." tingin niya sa akin at tiningala si ama. "Kung gayon' mahal ko'y nasa peligro ang buong talindawang... dapat rin talagang mawala ang mortal na 'yan." aniya at marahang tumayo saka lumapit sa akin. "Akin na nga ang kamay mo anak."

Tahimik ko namang inalalayan si inang maka-upo sa tabi ko at marahang pinisil ang kanyang kamay.

Ngumiti ito at dinama na nga ang kamay ko saka masuyo pa niya itong idinantay sa kanyang pisngi. Alam kong pilit na tinitignan ni ina sa kanyang imahenasyon si Grace pero nakalipas ang ilang minuto ay agad rin itong dumilat at pakunot noong tinignan ako.

"Sigurado ka bang walang halo ang kanyang pagkatao... purong mortal ba?" tanong niya sa akin at nilingon si Althea na nahahalata pa rin ang pagka-inis kay Grace.

"Sinabi ko na inyo ma', problema ang dala ng mortal na 'yun sa atin... ayaw lang makinig ng lalaking 'yan sa akin." singit niya at inirapan ako.

"Alam ko ho na hindi siya kayang basahin ng isipan natin kaya nga gusto kong malaman ang pagkatao niya at tulungan na rin sa hinahanap niyang gamot sa kanyang ina... ako ang dahilan nang pagkakasakit nilang dalawa." pagdadahilan ko. "At tungkol naman sa mga estrangherong bigla na lang sumusugod ay segurado akong hindi niya 'yun kasamahan... nakita mo Althea, pati siya'y gustong patayin ng mga nilalang na 'yun."

"Hindi ka isang mortal Abraham para magpalinlang ng ganyan sa babaeng 'yun..." sagot pa rin ni Althea. "Mas makapangyarihan tayo, mas may alam... sa tingin mo'y nagsasabi ng totoo ang mortal na 'yun, hindi." aniya at tiningala rin si ama. "Pa' napaka-imposible namang nagkataon lang na dumating ang babaeng 'yun at ang mga estranghero sa Maguellas at kami... tayo pang mga busaw ang pakay nila."

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon