Kabanata- 22

4.6K 160 12
                                    



         Takip-silim na, any moment from now ay aalis na raw kami. But still, di' ko pa rin siya nakikita mula sa mga talindawang na gising na gising pa rin hanggang ngayon. Syempre, ang iba sa kanila'y may kapamilya na sasama sa amin. We're just only 15 ladies, take note babae lahat ang susugod. Althea and Aveluan will stand as their leaders while ako naman ay may special role.


I was just advised to kill my own stepmom', hindi ako tumutol pero sa loob-loob ko eh kaya ko bang pumatay ng tao? Naalala ko kasi kahapon ang sinabi nang tinatawag nilang wasiwan na ako lang ang makakapatay kay Martina. Meaning, may something din sa pagkatao ng babaeng 'yun.


Kahapon naman sa gatherings ay kinausap ako ng kanyang tatay, late na nga ako nakasipot kasi nakatulog pala ako after nung', alam niyo na. And to think na mula pa nga kagabi ay hindi ko na siya nakita. Gusto kong magtanong kay "Sir" Manuel kung saan napunta ang anak niya. Pero dahil sa nahihiya ako'y mas pinansin ko na lang ang kanyang sinabi sa akin....


"Iha maaari ba kitang maka-usap?" lapit nang tinatawag nilang Pinunong Manuel sa akin. Nang ngumiti ako at tatayo sana mula sa pagkakaupo ko katabi ang mga "amazona" ay umiling lang siya at siya ang naupo 'di kalayuan sa akin."Di na, may itatanong lang naman ako iha."


"Yes po, ano 'yun Sir?" mas feel kong tawagin siya in that way keysa naman sa pinuno at reyna for Maam Elvira.


Sa totoo lang ay naeexcite at kinakabahan ako kung ano ang pag-uusapan namin. Unang pumasok sa isipan ko'y baka ako na ang ipagkakasundo nila sa kanilang anak pero napangiti rin ako ng malungkot nang maisip kong tao lang pala ako while they're one of a kind.


"Iha?"


Napapitlag pa ako nang muli niya akong tawagin.


"Yes Sir, sorry po..." hingi ko nang despensa. "Ano pong itatanong niyo sa akin?"


"Wala ka bang alam o narinig na kakaibang kwento mula sa mga ninuno mo?" tanong niya habang lalong nalaglag ang balikat ko for expecting that I will hear something from him. "Hanggang ngayon kasi'y 'di ka raw mabasa ng wasiwan, kahit ako'y sinubukan ko na rin pero wala rin akong makita."


Ngumiti ako sabay iling.


"Wala ho Sir, ang natatandaan ko lang bago kami umalis ng Pilipinas ay may ibinigay si lolo sa'kin na panlaban raw sa mga ispiritu." sabi ko sabay kuha ko sa kwentas kong nakatago sa maluwag kong damit. "Eto ho, ang pendant po na 'yan." hinubad ko at ibinigay sa kanya.


Tahimik niya itong pinagmasdan at maya-maya'y muling ibinigay sa akin.


"Pilitin niyong manalo sa pupuntahan niyo iha," sabi niya at muling tumayo. "Sa pagbabalik niyo'y baka masasagot na ang malaking tanong sa pagkatao mo..." sabi lang nito at tuluyan nang nagpaalam.

BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon