Kabanata- 24

3.9K 153 6
                                    

Author's Note: Dito ko na sasabihin ang mga last messages ko bilang "author" ng kwentong ito ok. Well, sasabihin ko lang naman na ilang chapters (2 or 3 more to go...)na lang ay magpapaalam na rin si "Abraham" at ang iba pang characters sa inyo. Patapos na eh, so 'yun lang. Nagpapasalamat pala "sila" at ako na rin na kahit 'di man kalakas ang reads nito, 'di kagaya sa story (Busaw, Unang Pagsibol) ng mga magulang nila eh nagpapasalamat pa rin "kami" (pati ng mga characters ko) dahil binasa niyo pa rin. Sa mga magbabasa pa nito eh salamat sa inyo!"



************


"Manuel ano ba, hindi ka ba nakikinig?!" naalimpungatan ako sa isang boses na may kalakasan. "Sige, 'wag mo nang paniwalaan ang sinasabi ni Agatha pero Manuel naman kahit ako na dating mortal ay alam ko ang tungkol sa minumulusa... babalik at babalik 'yun kay Victor hangga't 'di ang bata ang babawi sa kanyang minumulusa, unang nawalay ang batong 'yun sa kanya kaya walang makakabawi 'nun kundi' siya... Kahit nga ang ibang minumulusa, natatandaan mo ang minumulusa ni Lucas, naalala mo 'yun ah... 'di ba umaalis rin kay Lorenzo."


Hindi ako kumilos, nanatiling nakapikit lamang ako habang pinilit kong isipin ang mga nangyari.


"Elvira, hindi ako makakapayag na hayaan kong haraping mag-isa ni Abraham ang lalaking 'yun." narinig kong sagot ni ama. "Sa akin siya may galit, hindi kay ama, hindi kay Abraham kundi' sa akin."


"M-manuel... pinapaalala ko lang sa'yo na mapapahamak ka kung gagawin mo ang ninanais mo." isa na namang tinig ang sumingit at agad ko na itong nakilala. "Nakita ko na ang usok na 'yun pero binalewala ko, kasalanan ko ang lahat nang nangyari."


"Mahal ko, wala na tayong magagawa... nangyari na at magpasalamat na lamang tayo na ligtas ang buong Ukbiran." tugon naman ng isa pang tinig. "Tingin ko rin Manuel ay hintayin muna nating magising si Abraham."


"Intindihin niyo ako Lorenzo... Mahal na wasiwan pero anak ko ang nasasangkot na sa problemang ito..." pilit pa rin ni ama. "Hindi ko mahahayaang may mangyari sa kanya, nasa labanan na ang isa ko pang anak... ayukong pareho ko silang inaalala ngayon."


"Kung ganyang hindi ka na mapipigilan, sasamahan kita, tapos." ramdam ko nang galit na si ina kaya kahit hindi pa talaga bumabalik ang lakas ko'y nagkusa na akong dumilat at bumangon. 'Di nga nagtagal ay patakbo nang lumalapit si ina sa akin, kasunod nila ama. "Anak, anak gising ka na..." sambit ni ina at hinalikan ako sa noo.


Pinilit ko namang ngumiti at agad hinanap ng mga mata ko si ama. Nang makita ko siya'y agad kong tinignan ang kanyang lalamunan, ni' bakat sa kanyang leeg ay wala akong makita.


"A-ama..." anas ko na lamang at muling tinignan si inang hinahaplos ang lalamunan ko. "Wag' ho kayong mag-alaala... babawiin ko po ang pagmamay-ari ko." Alam kong kusang bumalik ang kani-kanilang minumulusa. "Si Amang Amorsolo ho, kumusta ho siya?"


"Nasa labas 'nak, pinupulong ang lahat ng kawal... ang grupo kasi ni Gaston hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakabalik" sagot ni ina.


Napatingin ako sa kanya habang nagtatanong ang mga mata ko.


BUSAW 4: ABRAHAM, Anak ng BusawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon