Chapter 9 - Promises we should keep

29 3 0
                                    

Maghapon kong hindi tinext o sinagot ang tawag ni Red. Eto na yung pinaka matagal naming away. Matapos niyang iexplain sakin ang dahilan kung bakit hindi matutuloy ung date namin sa monthsarry ay in-off ko na ang tawag.

Oo, dapat intindihin ko siya. Dapat sumuporta ako sa mga lakad niya na hindi ako kasama. Pero, mali ba na kahit papanu ma disappoint ako? Syempre, pinaghahandaan niyo yun tapos di matutuloy. 90 percent ng baon mo napupunta sa ipon para makapunta dun. Tapos hindi pala matutuloy.

Simple lang naman kasi. Debut ng pinsan niya at isa siya sa mga 18 roses. Hindi niya alam kung anong oras matatapos at hindi niya matanggihan yung pinsan niya. Eh ako palang girlfriend niya, matitiis niya? Tama ba?

Wala namang kaso sakin kung hindi matuloy yung lakad o date namin eh. Pero ung iparamdam niya sakin na matitiis niya ako, di ko kaya yun eh. Di ako sanay. Lagi kasi siyang nanjan kapag kelangan ko siya. Hindi ko pa man siya tinatawag, nasa paligid na siya. Hindi niya ako makakalimutan kahit kelan. Pero iba ngayon.

Napabuntong hininga na lang ako at nag browse sa news feed ng facebook ko. Napunta pa ako sa wall ni Red. Kaming dalawa ang profile picture niya pati cover photo niya. Ung nasa beach kami. Nang ibrowse ko ang mga status niya, may nakatag sa kanyang photo na may babae na nag selfie at siya nasa background. Parang stolen shot siya at ang background mall.

Nakuha pa niyang mag mall samantalang andito ako at iniisip kung panu na yung celebration ng monthsarry namin. At sino naman tong babaeng to? Hindi kaya kabet niya to? Ang ganda naman niya. Hindi kaya, hindi na niya ako mahal? Agad agad? Tanungin ko kaya? Bakit ko tatanungin? Eh di kapag tinext ko siya, iisipin niyang hindi ko siya matitiis at itetake for granted na niya ako?

Nagpapapadyak ako sa kama dahil gulong gulo ang isip ko. Relax ka lang, ok? Wag kang masyadong mag isip. Inilayo ko na sakin ang cellphone ko at bumaba na sa sala. Bakit ba weekends ngayon. Eh di sana hindi ako naiinip na hintaying mag Monday para makita ko na ulit sila Lara at Nicole.

"Alfie!" Tawag ko sa chowchow ni Red. Dito na din ata nakatira si Alfie. Halos dalawang araw lang siya sa bahay nila Red at ibabalik na siya ulit dito. Mabilis na lumapit sakin ang aso. Gumagalaw yung buntot niya habang nakaupo sa harap ko. Lumuhod ako sa harap niya at hinimas ang ulo niya.

"Buti ka pa Alfie, andito ka sa tabi ko, samantalang yung amo mo, andun sa babae niya, nag eenjoy." Sabi ko. Alam kong hindi sasagot si Alfie. Baka mapatakbo ako o atakihin ako sa puso kapag ginawa niya yun. Pero okay na to kesa walang kausap. Nag indian seat ako sa damuhan at humiga naman ng nakatihaya sa harap ko si Alfie. Napangiti naman ako sa lambing at mabilis na pagbabago niya. Dati kasi suplado ito parang si Red. Ngayon, maamo na, parang si Red din.

Hindi na napapaaway si Red simula nung naging kami. Palagi naman kaming magkasama. Panu kaya siya mambabae? Baka naman ginagago ko lang sarili ko?

"Ang lalim ng iniisip mo, iha ha? Hindi mo na ako napansing nakauwi na ako."

Napatingala ako at nandun na pala si mama sa harap ko. May dalang isang plastic na orange at saging at may lulutuin na ulam. Mabilis akong tumayo at nagmano kay mama saka tinulungan siya sa mga bitbit nitong plastic at nagpatiuna ng pumasok sa bahay.

"Kamusta po kayo, ma?" tanong ko habang inaayos ang mga pinamili ni mama sa lamesa.

"Okay lang naman, iha. Himala, wala si Red?" Tanong ni mama na kumukuha ng tubig sa ref at nagsalin sa baso ng tubig.

Natigilan ako pero agad ding nakabawi at nagpilit ng ngiti. "Busy po siya ma. Syempre, kahit kami na, maganda pa din na gumagawa siya ng mga bagay na hindi ako kasama."

Napangiti si mama sa sinabi ko. "Yan. Tama yan. Para hindi masakal sayo yung boyfriend mo. Bata pa kayo. Dapat nag eexplore kayo kung anong merun sa mundo na hindi kasama yung isa."

The story that can't be told (COMPLETED)Where stories live. Discover now