"Happy Birthday, Red.." Mahinang sabi ni Red ng iblow niya ang anim na candles mula sa chocolate cake na binigay ng kapitbahay nila sa kanya kanina.
Nginitian niya ang usok na nagmula sa kandila na nawalan ng apoy. Anim na taon na siya ngayon. Masaya sana kung andito ang mama niya, papa at si Cindy.
Ng maisip ang nakababatang kapatid ay nawala ang ngiti sa mga labi niya. Kusang tumulo ang mga luha niya na hindi niya pinilit ang pagtulo.
Maya maya, nakarinig siya ng sigawan sa sala. Sigawan ng isang babae at lalaki. Bumababa siya sa upuan at nilakad ang pinto ng kusina. Kurtina lamang ang nagsisilbing pinto ng kusina nila.
Hinawi niya ang kurtina at nagtago sa likod niyon para silipin ang mga nag aaway sa sala.
"Eden! San ka pupunta? Wala ka na ba talagang kahihiyan? Iiwan mo kaming mag ina mo para sa babae mo?!" Tili ng mama niya na hinawakan ang papa niya sa braso para pigilin ito sa paglakad.
Tumigil naman ang papa niya. Nakakuyom ang kamao nito at nakakunot ang noo.
"Pagod na ako sa pamilyang ito, Aida!"
"Ginagawa mong dahilan ang pagkawala ni Cindy para magsama kayo ng babae mo!"
"Hindi mo ako pinagkatiwalaan kahit minsan!"
"At bakit kita pagkakatiwalaan ha?" Naglakad ang mama niya palayo sa asawa. "Araw araw pinaparamdam mo sakin na hindi mo ako mahal. Dalawang linggo pa lang ng malibing si Cindy, Eden. Wala ka ba talagang konsensya?!"
"Ayokong makita ka. Ikaw ang dahilan kung bakit nawala saten si Cindy!" Sigaw ng papa niya.
"Walang ina ang gustong mawalan ng anak, Eden!" Sigaw ng mama niya na lumapit na ulit sa asawa.
"Bakit pinabayaan mo siyang mamatay?" Malumanay na tanong ng papa niya na nakipagtitigan sa asawa.
"Hayop ka! Anong tingin mo sakin?! Kriminal? Anak ko ang nawala. Anak naten! Hindi lang sayo." Pinagsususuntok ni Aida ang dibdib ng asawa na pinigil naman ng huli sa paghawak sa pulso nito.
"Tumigil ka na. Wala ng makapagpapabago pa ng isip ko! Sa tuwing makikita kita, naiisip ko ang pagkawala ni Cindy. Nawawalan lang ako ng respeto sayo!" Sigaw ng papa niya kaya tumigil ang mama niya sa pagwawala ay tiningala ang asawa.
"Si Red? Panu si Red?" Maya maya ay tanong ni Aida.
Napalingon ang papa niya sa kanya kaya humalukipkip siya lalo sa likod ng kurtina.
"Red.. Halika dito kay papa dali.." Nginitian siya ng papa niya.
Nagaatubili siyang lumapit sa papa niya kaya tumalikod ang mama niya at alam niyang nagpupunas ito ng luha.
"Anak..." Lumuhod sa harap niya ang papa niya para magpantay sila ng tingin. Hinaplos ng papa niya ang mukha niya na parang kinakabisado ang bawat kanto nun. "Happy Birthday."
Habang umiiyak ay napangiti siya. "Naalala niyo po." Natutuwang sabi nito.
"Syempre. Makakalimutan ko ba naman ung araw na dumating ka sa buhay namin ng mama mo? Ikaw ang pinaka special na regalo samin ng Panginoon." Nakangiting sabi ng papa niya.
"Eh bakit po kayo aalis? Bakit inaaway niyo po si mama?"
Narinig niyang humikbi ang mama niya kaya napalingon ang papa niya dito. Pero siya, nakatitig lang sa naluluhang mata ng ama. Na baka pag niyakap niya ito ay hindi na ito umalis. Na baka pag nakita nila ung cake sa kusina ay piliin nitong ibalik na ang dalawang maleta nito na punong puno ng gamit.
"Kailangan ito ng papa, anak. Maiintindihan mo din ito paglaki mo." Hinalikan siya ng papa niya sa noo niya at ginulo ang malagong buhok niya. "Babalikan kita anak ha?"
"Pero kelan po?"
"Soon anak... Soon." Hinila siya ng papa niya para yakapin ng mahigpit. Lalong lumakas ang hikbi niya.
Ilang segundo ang lumipas, pinakawalan siya nito at marahang tumayo. Ilang saglit siyang tinitigan. Sinulyapan lang din ang mama niya saka kinuha na ang mga maleta at nagmamadaling lumabas ng bahay.
Ng magstart ang kotse nito ay lumingon ang mama niya at tumakbo sa labas.
"Eden! Bumalik ka dito! Eden!" Sigaw ng mama niya na hinabol ang sasakyan ng asawa palabas ng tarangkahan.
"Eden! Wag mo kaming iwan ni Red! Eden!" Histeryang sabi ni Aida habang umiiyak na napaupo sa gitna ng pathway nila papuntang gate.
Siya nama'y nasa pinto lang. Nakahawak sa hamba nito habang umiiyak at iniisip kung kelan ung soon. Kelan ung soon na sinasabi ng papa niya na babalik daw ito.
Hanggang sa ilang buwan na ang lumipas. Halos hindi na niya makita ang mama niya. Madalas lang itong nasa kwarto. Habang siya, siya ang gumagawa ng mga gawaing bahay. Wala silang katulong dahil wala namang nagpapasahod dito. Sabi ay binabayaran pa ng papa niya ang kuryente at tubig nila kaya merun pa sila noon.
Pinagluluto niya ang sarili at siya na din ang lalakad papunta sa school na isang oras kapag nilakad mo. Mag isa siyang natuto sa buhay.
Hanggang sa nalaman iyon ng lola niya sa mother's side at kahit papanu, naging okay na ang buhay niya.
YOU ARE READING
The story that can't be told (COMPLETED)
RomansaIsabel and Red fell in love with each other. Pareho nilang naisip na perfect love na ang lahat ng nangyayare sa kanila. Pero isang pangyayare sa nakaraan ang makapagsisira ng istoryang binubuo nila. Flames Series presents : Anger The story that...