Chapter 12 - Trying

22 2 1
                                    

"Wag kang kabahan." Sabi lang ni Red sakin habang naglalakad kami papasok sa bahay nila. Mansion ang bahay nila. May anim na veranda sa taas na sa tingin ko bawat isa ay kwarto.

Malawak din ang bakuran nila. Sa kanan ay may fountain. Napapalibutan ng bermuda grass ang lupa. May apat na poste sa bawat kanto ng balkonahe nila. Buong bahay nila ay kulay puti ang pintura.

Halatang narra ang pinto. Pag pasok namin ay bumungad sakin ang isang maluwag na space na kung icocompare ko ay parang pumasok sa isang museum. Sa pinaka gitna ay isang paikot na hagdan. Napatingala ako. Wow! Napakalaking chandelier na may mga diamonds.

"Hi guys!" Napalingon ako sa kaliwang bahagi ng bahay nila. Sa magkabilang side ng malaking space na yun ay tig isang pinto na hindi ko alam kung anong merun sa loob. Lumabas dun ang isang babae na nasa mid 30s ata na naka black na long gown na long sleeves at nakaupdo ang buhok.

"Hi Red, anak." Sabi nito na napaka eleganteng naglakad papunta samin.

Bumeso siya kay Red at inikot naman ni Red ang braso sa bewang niya. Hindi ko ineexpect na ganito ang itsura ng mama niya. Para lang silang magkapatid.

"Mommy, this is Isabel, my girlfriend." Pagpapakilala sakin ni Red sa mama niya.

"Iha!" Nilaparan nito ang mga braso para yakapin ako. Naramdaman ko ang mahigpit na yakap sakin ng mama niya and i felt welcome. Niyakap ko din siya at ngumiti kay Red to assure na okay lang ako dahil kung titignan ko ang mukha niya ay parang naiilang siya.

"Come. Kanina ko pa kayo hinihintay. I prepared alot for this dinner." Sabi lang nito ng bitawan ako at hawak ang kamay ko ay sabay kaming naglakad papunta kung san siya lumabas.

"Salamat po sa pag iimbita Mrs Santos." Sabi ko habang magkaakay na kaming naglalakad.

She smiled bitterly as if may naalalang hindi maganda sa sinabi ko. "Tita Adel na lang iha, you're too formal." Maya maya ay sabi nito ng makabawe sa parang pagalala ng isang masamang panaginip.

"thank you po ulit sa pagwelcome sakin sa bahay niyo, tita Adel."

"No problem. Alam mo, this is the first time na may nakilala akong girlfriend nitong anak ko. Aba, akala ko, bakla ang anak ko na yan." Natatawang sabi ni tita Adel sakin.

Napalingon ako kay Red. Inirapan niya ako kaya lalo akong napangiti sa kanya.

Pagpasok namin sa pinto ay tumambad sakin ang malaking kusina. Nahahati iyon sa tatlo, isang malaking kusina, dining room na may dining set na pwedeng 12 na tao ang umupo, at sa gilid ay isang mini bar na napakaraming alak na nakalagay.

Kulay Dark brown ang mga kabinet. May mga design na halaman sa pader. All I can see is Green, Black and white. Ang linis tignan.

"Come!" Hinila na ako ni Tita Adel na umupo sa isa sa mga upuan sa dining table. Sa left side sa tabi ng gitnang upuan. Dun umupo si Tita Adel. Umupo naman sa kanan ko si Red.

"Josefina, serve us everything please." Sigaw ni Tita Adel habang inaayos ang sarili sa upuan.

Maya maya, tatlong nakaunipormeng babae ang lumabas galing sa kusina. Isang medyo may katandaan at dalawang medyo may kabataan. Ung isa na medyo malapit kay Red ay parang namumula habang nakatingin sa binata. Napakunot noo tuloy ako.

"Are you alright, iha?" Nag aalalang sabi ni tita Adel sakin.

"Opo. Napakaganda po ng bahay niyo." Sabi ko na lang at nilihis na ang paningin ko sa katulong nila Red na babae na hanggang ngayon ay nag aayos pa din ng mga gamit sa lamesa.

"Im glad you liked it." Sabi niya saka ngumiti at naglagay ng table napkin sa legs nito.

Napakadaming niluto ng mommy ni Red. May caldereta, chicken curry, adobong manok, shanghai, spaghetti at mga prutas at vegetable salad.

The story that can't be told (COMPLETED)Where stories live. Discover now