"San ba tayo pupunta?" Tanong ko kay Red na abala pa din sa pagdadrive. Nakatingin ako sa kanya. Nakangiti siya at parang komportable sa kinauupuan.
"A place na alam kong komportable ka." Sabi niya lang na hindi inaalis ang tingin sa unahan.
Nagtataka man ay hindi na ako ulit nagtanong pa. Tumingin lang ako sa labas. Sa loob loob ko, gusto kong matuwa dahil sa effort na pinakikita ni Red sakin. Ganito pala yung pakiramdam ng may boyfriend. Kaya pala may mga tao na gagawin ang lahat para makita ang mga ganitong tao sa buhay nila.
Tumigil kami. Tinignan ko siya at tinignan niya din ako. Nakangiti siya sakin at hinawakan niya ang kamay ko na nakapatong sa mga tuhod ko. "We're here." Sabi niya at hinalikan ang kamao ko saka nagmadaling lumabas ng driver's seat at bago ko pa buksan ang pinto ay nandun na siya para buksan iyon para sakin.
Dahan dahan akong bumaba habang alalay niya ako. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang set up sa damuhan. Isang kulay pulang blanket ang nakalatag sa damuhan at nakaharap sa baby's breath field. May ilang unan sa gilid, isang basket, may mga nakalatag na pagkain at tsitsirya, mga gamit sa pagkain at isang poste na dim yellow and ilaw. Napapalibutan iyon ng pulang roses na shape na heart at mga kandilang maamoy mo ang bango sa hangin.
Napatingin ako kay Red na parang hinihintay akong magsalita. Nakangiti siya na parang amused na amused sa sarili.
"Like it?" Tanong niya. Hindi pa din niya binibitawan ang kamay ko.
"Red..." Bulong ko. Napayuko ako. Hindi ko alam ang sasabihin ko. Sobrang... Saya... Na parang gusto kong maluha sa effort na to na ginawa niya.
"I want to make this day memorable kahit nasira yung plano naten." Sabi niya.
"This is better, Red." Sabi ko sa garalgal kong boses dahil naluluha na ako.
"Hey." Bulong niya saka hinawakan ang baba ko at inangat ang paningin ko papunta sa kanya. Napilitan akong humarap kahit na nahihiya ako sa mga luha sa mga mata ko. "Hindi mo ba nagustuhan?" Nag aalalang sabi niya.
"Ano ka ba?" Pinunasan ko ung luha sa pisngi ko. "Nagustuhan ko, syempre. Sa dami ng naging girlfriend mo, hindi mo ba sila nakikitaan ng tears of joy?" Tanong ko. Alam kong nahalata niya sa boses ko ang sarcasm.
Ngumisi siya sakin. "You liked it so much na naiyak ka?" Tanong niya.
"Hindi ko alam kung slow ka o ano eh." Natatawang sabi ko.
He pulled me to a hug. Yumakap na lang din ako sa bewang niya at sinamyo ang amoy niya. Red... The smell of Red... Ang gaan sa pakiramdam. Napapikit ako.
"Let's dance." Bulong niya sa tenga ko.
Nilayo ko ang mukha ko sa kanya at tinitigan siya. "Wala naman tayong tugtog." Sabi ko na nakataas pa ang isang kilay.
Tinanggal niya sa bewang niya ang braso ko at nilagay sa balikat. Siya namay sa magkabilang bewang ko. And then we started moving. Swaying under the stars. He started humming. Napangiti na lang ako at niyakap ang mga braso ko sa balikat niya at sinandal ang pisngi ko sa dibdib niya. Hmmm. Ang bango talaga niya.
"You will always be the love of my life, Isabel." Bulong niya.
"Red..." Bulong ko. "Bakit nagbago ka? I mean, from bad boy to this?"
Matagal bago siya sumagot. He started humming again. Para namang nakalimutan ko yung tanong ko sa kanya and closed my eyes to feel him. His love for me.
Minutes later, magkatabi na kaming umupo sa blanket facing the field.
"I prepared some spaghetti and fried chicken." Natatawang sabi ni Red.
YOU ARE READING
The story that can't be told (COMPLETED)
RomanceIsabel and Red fell in love with each other. Pareho nilang naisip na perfect love na ang lahat ng nangyayare sa kanila. Pero isang pangyayare sa nakaraan ang makapagsisira ng istoryang binubuo nila. Flames Series presents : Anger The story that...