Jasmine's POV.
Kung hindi ko kilala si Red, iisipin kong inlove pa din talaga siya kay Isabel. She looks at her quite different. Lalo na pag nagyayakapan sila ni Justine.
I observed him each time na kakausapin niya si Isabel and I can feel the tension between them. Yung titigan nila. Ung mga simpleng haplos ng mga balat nila.
Nung dumating ako sa ospital at nakitang halos magkayakap sila ay nag isip na lang ako ng dahilan. Na kelangan ng masasandalan ni Isabel sa mga panahong iyon. Ng dumating si Justine at nagkaroon ng ibang kasama si Isabel, akala ko, okay na. Na hindi na ganun ang tingin ko sa closeness nila ni Red. Pero mali pala ako. Mas lalo kong napapatunayang may iba sa kanilang dalawa.
Kanina sa canteen ng hospital, kinekwentuhan ko si Red sa nangyare sa medical mission namin. Pero pakiramdam ko hindi siya nakikinig at naiwan ang isip niya sa waiting area ng emergency room na iyon.
Ngayon nga ay okay na ang mama ni Isabel. Stable na ang kondisyon nito. Pero kahit ganun parang hindi ako nag eexist sa mundo ni Red. Napayuko na lang ako habang nakaupo sa isa sa mga upuan habang si Red ay nakasandal sa pader sa harap nila Isabel at Justine na obvious ang closeness sa isat isa pero bakas pa din naman ang pagkatigagal sa mukha ni Isabel.
"I'll take care of Madel. You guys should take a rest. Lalo ka na Jasmine. Malayo pa ang pinanggalingan mo." Maya maya ay lumitaw si tito Eden na may dalang mga papeless at nakatingin partikular sakin.
"I'll stay." sabi lang ni Isabel.
"No! I'll take you home!" Eksaheradong sabi ni Red na tumalima pero agad ding napaatras ng walang nagsalita samin. Kahit siya siguro ay nagulat sa reaksyon niyang iyon. Pero ako hindi. Hindi na ako nagulat pa sa naging reaksyon niyang iyon.
"I mean, you should go home. Let Justine go with you." Bawi nito saka lumapit sakin. "Sorry about that. Alam kong pagod ka. Gusto mo na bang umuwi?" Masuyong sabi niya sakin.
Tumango lang ako. Oo. Gusto ko ng umalis at lumayo sa lugar na ito. Na hindi na ako nakikita ng taong tinititigan ko.
Nauna kaming umalis kila Isabel pero alam kong napagdesisyunan na nilang bumalik sa bahay dahil na din sa pagpupumilit ni tito Eden.
Habang nasa daan kami ay walang umiimik samin ni Red. Walang gustong magsalita. Baka kasi may masabi pa kami sa isat isa na ika sama lang ng loob namin. Hanggang sa makarating kami sa hotel room niya.Inilapag ko ang mga gamit ko sa sofa at umupo doon habang siya ay nagpunta sa kusina at ng muling bumalik sa sala ay may dala na itong isang basong tubig.
"Magpahinga ka na babe. You can take a shower." Malumanay pa ding sabi niya. Nilapag niya ang baso sa center table. "You want anything to eat?" Tanong niya habang naghuhubad ng pang itaas sa harapan ko at pasalampak ding umupo sa tabi ko. Para siyang hapong hapo at napabuntong hininga pa habang nakapikit na nakasandal.
"Are we good?" Yun ang unang mga salita na lumabas sa bibig ko matapos ang eksenang iyon.
"What do you mean?" Tanong niya.
"Are we good, Red? I mean, you still love me right?" Sabi ko.
Dumilat siya at bahagyang lumapit sakin at hinapit ako palapit. "Yes. We're good." Yumakap siya at naramdaman ko ang pagsamyo niya ng buhok ko. "I missed you." Sabi niya lang sakin. Humigpit ang yakap niya sakin.
"I've missed you too." Sabi ko na lang.
Nagyakap lang kami ng ilang saglit pa bago ko napagdesisyunang maligo.Habang nasa banyo ay nag isip ako. wala namang nagbago sa kanya. Siguro ay nag aalala siya bilang kapatid dito kaya ganun. Isa pa, may Justine na si Isabel. At ikakasal na kami. Wala ng makapagpapabago nun.
YOU ARE READING
The story that can't be told (COMPLETED)
RomanceIsabel and Red fell in love with each other. Pareho nilang naisip na perfect love na ang lahat ng nangyayare sa kanila. Pero isang pangyayare sa nakaraan ang makapagsisira ng istoryang binubuo nila. Flames Series presents : Anger The story that...