Chapter 38 - Epilogue

66 3 1
                                    

Nahihilo at dahan dahan ko pang idinilat ang mga mata ko. Nakatunghay sakin si Red habang hawak hawak ang kamay ko.

"Isabel. Thank God!" Hiyaw ni Red na hinahalik halikan pa ang kamay ko. "I'm so glad."

"Baby..." iyon ang una kong sinabi. Hindi ko maigalaw ang kamay ko para maramdaman ang tyan ko.

"The baby's okay, Isabel. Thank God." Masayang sabi ni Red.

Iyon lang ay sapat na para kumalma ang pakiramdam ko at mawalan muli ng malay.

Muli akong nagising dahil pakiramdam ko ay puputok na ang pantog ko.

"Isabel." Bulong ni Red.

"Hi." Sabi ko na ngumiti pa sa kanya. "I need to pee." Akmang uupo ako ng pigilan niya ako.

"You have a catheter." Sabi niya.

"No. I need to go." Sabi ko.

"Please, you'll worry me." Nag aalalang sabi niya.

"Red please. I can walk. There's nothing to worry about." Sabi ko.

"I just... i almost lost you. And..." he paused. "The baby."

"It won't happen. I need to pee. Please." Sabi ko. Atubili niya akong tinulungan para makapunta sa cr. Kulang na lang ay buhatin niya ako na parang prinsesa pero humindi ako.

"Leave and then close the door." Sabi ko.

"I can't do that. Baka mawalan ka ng malay."

"Red, please."

"Bakit ka ba nahihiya? I've seen that before."

Inirapan ko siya. "Leave. I'll call you kapag tapos na."

"Promise, hindi ka tatayo ng wala ako?" Tanong niya.

Tumango lang ako. Atubili naman siyang umalis at sinara ang pinto.

Matapos kong mag cr ay inalalayan nanaman niya ako pabalik sa kama at non ko lang napansin na iyon pa din ang suot niya nung nagpropose siya sakin.

"Ilang araw na ba ang lumipas?" Tanong ko.

"Mag iisang araw ka ng natutulog."

Napabuntong hininga ako. Akala ko ay matagal na akong natutulog. Naisip ko ang naging kalagayan ni Red habang hinihintay akong magising.

"Hindi ka pa umuuwi?" Tanong ko sa kanya.

Umiling lang siya. "Gutom ka na ba?" Tanong niya.

"Yes." Mabilis kong sagot. Naramdaman kong kumalam ang sikmura ko. Oh no. Kawawa naman ang baby ko. Wala pang kinakain.

"I'll buy you food." Sabi niya na akmang tatayo pero pinigilan ko siya.

"No. Dito ka lang please."

"Pero kelangan mong kumain. Kayo ni baby."

"Yes. Pero..." hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Napayuko na lang ako at nilaro laro ang mga daliri ko.

"I'll be back, Isabel. Like always, I will always come back to you no matter what." Sabi niya na kinuha ang kanang kamay ko at hinalikan iyon bago niya nilagay sa pisngi niya ang palad ko. "I love you Isabel."

Napakagat labi ako para pigilan ang luhang nagbabadya nanaman na pumatak. "Also kung di ko pa nakita ang chart mo mula sa doctor, hindi ko pa malalaman na buntis ka. Kung hindi sana eeh, noon pa man ay bumalik na ako ng Pilipinas."

"Ha? Wala ka sa Pilipinas?" Tanong ko.

"Yup. Nasa Japan ako for business. Pagkababa ng eroplano sa Pilipinas dumiretso agad ako sa bilihan ng singsing to propose to you." Natatawang sabi ni Red. "Why? Did you think I'll marry anyone else?"

Napakagat labi ako dahil iyon nga ang nasa isip ko bago ako mawalan ng malay.

"Isabel alam mong ikaw lang ang babaeng mamahalin ko ng ganito. At hindi nagbago yun sa ilang taon na lumipas. You're still the one. You will always be the one."

Hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Red ng mahigpit. At ganun din ako sa kanya.

Saglit niya nilayo ang katawan niya sakin. At alam ko ang gagawin niya. Hinanda ko na ang sarili ko sa pagdampi ng mga labi namin.

"I love you, Red." Bulong ko ng hindi na kalayuan ang labi namin sa isat isa.

Pero natigil ang ginagawa namin dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon si Carmi, mama, Justine at isang babae na kung hindi ako nagkakamali ay girlfriend ni Justine.

"Hey! Anong ginagawa niyong dalawa jan, ha?"eksaheradang tanong ni Carmi.

Napakamot na lang ng ulo si Red na itinuloy pa din ang paghalik sa labi ko bago umupo sa upuan niya.

"You know, just making sure na yes ang sagot sakin ni isabel sa tanong ko sa kanya."

"Oh, you asked her?" Tanong ni mama.

"Yes kaso nawalan siya ng malay. Masyado atang kinilig." Sabi ni Red.

"Well, you got my yes. The most important yes is from her." Sabi ni mama.

Napatingin sakin si Red. "Narinig mo ba un? Boto sakin ung nanay mo." Nangingiting sabi ni Red.

"What's not to love, Red?" Sabi ko na lang sa kanya.

"So, san ba tayo naputol kanina. Oh yes." Tumayo si Red at may kinuha mula sa bulsa. Yun ung singsing na dala niya nung nag propose siya.

"Infront of our whole family, Isabel Agustin..." kinuha niya ang kaliwang kamay ko at isinuot ang singsing sa palasingsingan ko. "Marry me. And that's not a question." Sabi niya lang na hinalikan ang kamay ko.

Tumango lang ako sa kanya. "Yes. Yes, Red." Sabi ko. At sa sobrang excite ko, hinila ko ang kwelyo ng damit niya at siniil siya ng malalim na halik.

Narinig ko na lang ang tawa at palakpakan ng apat na nasa pinto na alam kong masaya para saming dalawa ni Red.

End.

The story that can't be told (COMPLETED)Where stories live. Discover now