FALLING GAME
"Cress, sali ka na!" Aya sa akin ng kaibigan kong si Torie.
"Ayaw ko." Mabilis kong tanggi, akala ko titigil na sya ngunit nagkamali ako.
"Sige na sumali ka na, wala ka naman jowa e'." Pilit nya pa, humarap ako sa kanya at tumingin sa kanya ng masama.
"Wala akong oras para diyan, kaya tigilan mo na ako." Mas gugustuhin ko pang manood ng anime kaysa sumali dyan.
"Sayang, kasali pa naman yung crush mo." Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.
"Wait, what? Kasali si Jace?" Napangisi naman siya sa tanong ko.
"Oo, sayang nga eh, ayaw mo su-"
"Sasali na ako!" Excited kong sinabi kaya bigla naman akong tinawanan ng bruha.
"Ano nga ulit sabi mo? Wala akong oras para diyan kaya-" Sinamaan ko sya ng tingin kaya tumigil na sya.
"Welcome to the Falling Game!"
"Don't fall inlove because once you fall, you'll lose." Paalala nila after nilang sabihin yung rules at regulations. As if naman mafafall agad ako, duh.
Nagsimula na sila magpares at nagulat ako nang nalaman ko kung sino ang magiging partner ko. Si Jace! Yung crush ko.
"Hi, Cress. Ako yung magiging partner mo." Nakangiting sabi niya nang lumapit siya sa akin. Enebe kenekeleg eke, luh muntanga lang cress umayos ka nga!
Naging kami simula non, araw-araw syang sweet sakin kaya araw-araw rin kinikilig ehe pero may tampuhan rin, syempre 'di naman maiiwasan yun e'. He also makes me happy and feel special.
Habang tumatagal, narerealize ko na malapit ko ng makain yung mga sinabi ko. Nafall na ako sa kanya and yes I forgot the rules that 'Don't fall inlove because once you fall, you'll lose.' Pero malay natin, na baka nafall na rin siya sa akin diba.
Nang mag-one month na kami, inamin ko na sa kanya ang totoo.
"Jace, I love you. I love you for real." I confessed but my expectations turn into a disappointment.
"Nakalimutan mo na ba yung rules, Cress? Don't fall inlove because once you fall, you'll lose. Sorry but I don't love you for real because it's just fake love for me." Para akong sinaksak ng paulit ulit dahil sa sinabi niya kasabay ng pagbasak ng mga luha ko.
Di naman masakit haha kasi napakasakit! Why did I forget the rules? Bakit ko nakain yung mga sinabi ko? Ang tanga tanga ko.
"It's game over Cress. Thank you for playing." Then he left me there crying.
YOU ARE READING
compilation of my literary pieces
Historia CortaAll of my literary pieces that I've posted in my role play account are here. [open for criticisms] [grammatical errors ahead] [plagiarism is a crime] [work of fiction] Facebook: Luna || @moon Wattpad: luna || @lunelyrighther