i'm yours

15 2 2
                                    

I'M YOURS

'But I won't hesitate
No more, no more
It cannot wait
I'm yours~🎵'

Dahil vacant namin ngayon, naisipan kong gumawa ng kanta para sa aming group activity na itotono ko sa aking paboritong kanta na I'M YOURS ni Bruno Mars, na pinapakinggan ko ngayon sa headset.

Nang matapos na ang kanta ay bigla naman tumabi sa akin si Kyle, crush ko since Grade 7, na hanggang ngayon ay hindi parin ako na-crush back. Parang ikaw na nagbabasa nito. Hindi ka rin na-crush back ng crush mo... Char!

Tinanggal ko na ang aking headset nang kausapin nya ako.

"Hi Lex," bati nya sa akin nang nakangiti.

"Hi," bati ko rin sa kanya.

"Tapos na ba yung kanta natin?" tanong nya. Si Kyle ay isa sa mga kagrupo ko kaya binigay ko sa kanya yung kantang ginawa ko.

"Yup! Ito tingnan mo," sabi ko at agad naman nya itong tiningnan.

"Anong tono?" tanong nya sabay tingin sa akin habang hinihintay ang aking sagot.

"I'm yours," sabi ko at ngumiti naman sya at umakbay sa akin na ikinabilis ng tibok ng puso ko.

"And you're mine now, baby."

compilation of my literary piecesWhere stories live. Discover now