HOLD ON
tw: suicide
"11:11 na love, anong wish mo?" Tanong ko sa GF ko na si Shantel.
"Ang matulog habambuhay at 'di na muli magising pa." Biglang wika nya na ikinagulat ko.
"Love naman, 'wag ka nga magsalita ng ganyan." Seryosong wika ko. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti.
"Ito naman 'di mabiro. Syempre wish ko na sana magtagal pa tayo. Sana lagi akong masaya. Sana wala na akong sakit sa puso." Malungkot na wika nya habang nakatingin sa kalawakan. Hinila ko sya papunta sakin at niyakap ng mahigpit.
"Wish ko din na sana matupad ang wish mo." Bulong ko sa kanyang tainga. Hindi na sya nagsalita pa, siguro'y nakatulog na.
"Ano ba yan tinulungan mo na ako. Ang narcoleptic mo talaga." Natatawang usal ko. Binuhat ko sya at inihiga sa kama.
"Goodnight, love. I love you," wika ko sabay halik sa kanyang noo. Humiga na ako sa tabi niya at natulog.
---
"Love, look with honors ako!" Masayang wika nya habang ipinapakita nya sa akin ang kanyang certificate.
"Ang galing talaga ng baby ko! Pakiss nga."
"Meh! Kiss mo mukha mo."
"Hmmmp! Damot.""Bleeeh!" At nagdila pa nga sya. Nagpout naman ako.
"Aww ang kyut naman ng baby ko oh, eto na nga ikikiss na kita." Nakangiting wika nya na ikinatuwa ko ngunit agad din iyon napawi nang may nagchat sa kanya. Tumingin sya sa akin at ngumiti ng pilit.
"Baby, let's go home," wika niya.
---
"11:11 na love, anong wish mo?" Tanong ko sa kanya ngunit di sya sumagot. Tila nakatulala sya sa kawalan at mukhang malalim ang iniisip.
"Love? Are you okay?" Tanong ko. Lumingon naman sya sa akin at ngumiti ng pilit.
"I'm okay, love. Ahm, can I go to the bathroom?" She asked.
"Sure, please comeback." I said but she just smiled and walked away.
Makalipas ng ilang minuto 'di parin sya bumabalik kaya pinuntahan ko na sya roon.
"Love," kumatok ako ngunit hindi sya sumagot.
Pilit kong binubuksan ang pintuan ngunit ni-lock nya 'ata. Natatarantang kinuha ko ang susi ng banyo at binuksan ito. Pagkabukas ko, nadatnan ko syang nakahiga sa sahig na dumudugo ang pulsohan habang hawak ng isa nyang kamay ang blade. Kinuha ko naman ang phone nya na nakalapag sa sahig at tiningnan iyon.
Mom
6:00 pmBakit with high honors ka lang? Dapat with highest honors ka tulad ni Althea. Puro landi ka kasi e' hindi naman nakakabuti para sayo si Rome.
Dad
11:10 pmMakipagbreak kana kay Rome. Hindi sya ang lalaking nararapat para sayo.
I pull her in to feel her heartbeats. Tears are starting to fall from my eyes to my cheeks.
"Please don't leave me, love." I cried.
Agad ko naman siyang binuhat at dinala sa hospital na malapit lang sa condo unit ko. Dali-dali naman nilang dinala ang girlfriend ko sa ER. Tinext ko na rin ang mga magulang nya.
Pabalik balik ang lakad ko habang hinihintay ang magiging resulta. Paulit ulit kong sinasabi ang mga salitang...
"Baby, hold on I still want you. Come back I still need you. Please don't leave me baby." Naiiyak na wika ko. Naramdaman ko nalang na may malamig na hangin na yumakap sa akin.
Mayamaya ay lumabas na ang doctor galing sa ER.
"Doc, how's she?" Tanong ko ngunit yumuko lang ang doctor at tumingin muli sakin
"I'm sorry. We already did our best but she didn't survived." Malungkot na wika nya.
"No! That's not true. Buhay pa sya!" Naiiyak na sigaw ko.
"Shantel Gomez. Time of Death; 12:51 am"
"Shantel Gomez. Time of Death; 12:51 am"
"Shantel Gomez. Time of Death; 12:51 am"
"We start loving at 11:11 pm, yet you died at 12:51 am."
YOU ARE READING
compilation of my literary pieces
Short StoryAll of my literary pieces that I've posted in my role play account are here. [open for criticisms] [grammatical errors ahead] [plagiarism is a crime] [work of fiction] Facebook: Luna || @moon Wattpad: luna || @lunelyrighther